Chapter 5

2953 Words
• ALYNNA MARIE PAREDES • "Good afternoon, class. I am Ms. Kara Delos Santos and I will be your Nutrition professor for the semester. Eating healthy is very important that's why I have a special month-long activity for you." Blah. Blah. Blah. Ang boring naman nitong klaseng ito. Bakit kasi hindi nalang niya sana kami pakainin? Nutrition naman kasi, eh. At ano bang kinalaman ng nutrition sa business course? Ang labo naman dito sa ECB, oh. Inaantok na ako! Gusto ko nang umuwi. Namamaga na rin ang muscles ko dahil sa wedge ko. Baka maging pareho na kami ni Shibama ng muscles! Hala ka. Huwag naman sana. "And your special activity will also help you to get to know your classmates more." Blah blah blah. Ang tagal matapos ng oras. Zzzz. "I want you all to find your partner. Write your names on a 1/8 sheet of pad paper and pass it to me. Now." Hay. Inaantok na talaga ako. Makakatulog na sana ako pero biglang nagsitayuan ang mga kaklase ko. Ang gulo. Ano bang nangyayari? Tinignan ko ang paligid at nakakita ako ng mga babaeng nagkukumpulan sa isang sulok ng classroom. "Sky! Partner tayo!" "No! Ako ang partner ni Sky!" "Sky! Kamukha ko kaya si Farrah!" "Sky, I am better than Farrah!" "Ano, Sky? Sino ang pipiliin mo sa amin?!" "Ako nalang, please!" "Ako! Ako!" Ano ba ‘yon? Bakit pinalilibutan ng mga babae si Sky? Kumunot ang noo ko habang tinitignan yung mga desperadong babae. Hindi man lang sila kinakausap o tinitignan no’ng Sky. Ang sama talaga ng ugali niya. "Ynna! So who do you want to be your partner? Karen or I?" Lumapit sa akin si Debbie at Karen. May partner-partner palang activity. Sa sobrang antok ko ay parang wala akong narinig na gano’n. Pero bakit kaya nila ako pinapapili kung sino sa kanila ang magiging partner ko? Pa’no naman yung hindi ko pipiliin? Sino ang magiging partner no’n? "Uh... Sino ba usually ang partner ko ‘pag ganito?" tanong ko. Hinawakan nilang dalawa ang noo ko na para bang gulat na gulat sila sa sinabi ko. Ano bang mali sa sinabi ko? "Ynna? Nagka-amnesia ka ba?!" sabi ni Debbie. "Oo nga, Ynna! What happened?!" si Karen naman, nakahawak pa sa bibig ang kamay. "Umm.. Siguro nga. Nauntog kasi ako, hehehe. Sino nga? Explain niyo nalang sa akin. Please?" sabi ko nalang. "Oh. Okay... Masakit nga naman mauntog,” pagsang-ayon ni Debbie. Naniwala naman agad ang bruha. "Well, hindi mo naman talaga kami partner dalawa. Never pa nga, actually. No’ng high school kasi, si Dave lang talaga ang partner mo. Tapos kaming dalawa lagi ni Debbie,” pagpapaliwanag ni Karen. "Naisip lang namin, since nag-break na kayo ni Dave, baka wala kang partner. Si Farrah kasi ang partner niya, eh. So yeah, pili ka nalang sa aming dalawa!" Ngumiti si Debbie. "Bakit niyo ito ginagawa? Paano naman yung hindi ko pipipliin?" "We'll be fine!" sabay nilang sinabi. Grabe. Bakit ganito nalang nila ituring si Janina? Parang si Janina na ang nagco-control ng lahat sa kanilang dalawa. Handa sila gawin lahat para sa leader nila. "No. I'll be fine," ginaya ko ang tono nila. Umeenglish na din ako! "What?!" sabay ulit sila. Synchronized ba ang utak nila? Elibs. "Kayo nalang ang partners. Kayo naman pala talaga, eh. Kung sino nalang ang matira, siya nalang ang partner ko,” malumanay kong sabi. "Are you serious?" si Karen. Tila hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. "Yes?" sabi ko sabay taas ng dalawang kilay. "Omg! Thank you so much, Ynna! Thank you! Thank you!" "Thank you! You’re the best talaga!” Grabe naman sila makapag-thank you. Parang ang laking bagay na agad ng ginawa ko sa kanila. Niyakap nila ako at nagyakapan din sila pareho. Tuwang tuwa sila na sila yung naging partners. Mga adik talaga. Eh ‘di sana ‘di nalang sila lumapit sa akin. Gano’n ba talaga ka bossing si Janina? Friendship pa ba ang tawag do’n? Parang alipin yata niya yung dalawa, eh. Tsk tsk. "Class? Lahat na ba ay may partner? Bakit kulang pa ng isang pair. Sino pa ang walang partner?" tugon ni Ms. Kara. Tinaas ko ang kamay ko. Wala din naman talaga akong partner. Nakita kong ngumisi sa akin si Dave at Farrah na para bang naaawa sila sa akin dahil wala akong partner. Wala akong pakialam sa kanila. Kala yata nila nabawasan ang pagkatao ko dahil wala akong partner. Ang bababaw talaga ng mga taong ito. Nakaka–stress. Inikot ko ang tingin ko sa buong classroom at laking gulat ko kung sino ang isa pang tao na nakataas din ang kamay na wala ding partner. Hala? Imposible! Eh ang dami-dami ngang humihiling kanina sa kanya para lang maging partner siya, eh. Ibig sabihin ba, wala siyang gustong maka-partner sa mga lumapit sa kanya? At ako? Ako pa ngayon ang magiging partner niya? Siya pa naman ang pinaka-huling taong gusto kong makita ngayon! Sana pala pumili nalang ako kanina kila Debbie at Karen! Grr! Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko siyang naka smirk! Sinadya ba niya ito? Ano na naman ba ang pinaplano niya?! Nakakainis! Gaganti pa yata ang dinosaur na ito sa kinain kong spaghetti sa kanya. Hmp! "So that's it. Anderson and Fortaleza for our last pair," sabi ni Ms. Kara. Biglang lumapit sa akin Sky dala ang upuan niya. Hindi siya nagsasalita pero naka-smirk lang siya. Sinapian ba ito? Nakakainis kasi dapat naiinis ako sa kanya pero may part sa akin na nagwa-gwapuhan sa kanya. Hay! Wala na yata ako sa katinuan. Kailangan ko na siguro magpatingin sa doktor. "This is the ultimate nutrition activity! Starting tomorrow, lahat ng kakainin ng partner niyo ay babantayan niyo. See to it na healthy lagi ang kinakain niya. Count the calories. Give them a proper balanced meal. Kung overweight siya, do your best to make him normal and if underweight naman, make her normal. Kung normal naman na, just see to it na maintained niya iyon. Okay?" masayang sinabi ni Ms. Kara. "Okay!" sabay-sabay na sinabi ng mga students. "That's it for today. Class dismissed!" Ano raw? Babantayan ko ang kinakain ni Sky? At babantayan din niya ang mga kakainin ko? Anak ng! Eh nagka-problema na nga kami kanina dahil sa pagkain, eh. Tapos ngayon, kaming dalawa ang magbabantayan ng kakainin? Pinaglalaruan ba ako ng tadhana? Nako naman! Tinignan ko si Sky at mukhang relaxed na relaxed lang siya sa tabi ko. Samantalang ako, hindi ako mapakali sa mga nangyayari. "Hey, b’tch. Relax. We'll be partners for a month!" nangaasar na sinabi niya. "Tss! Ginagantihan mo ba ako?" gigil kong sagot sa kanya. "No way. I won't waste my time on you, b’tch." "B’tch mo mukha mo,” pikon kong sagot. "So, you’re underweight." "Wala kang pakialam." "I will let you eat a lot. I will let you eat your pride, too." "Blah blah blah." Nilagay ko ang dalawang hintuturo ko sa tainga ko. "Such a b’tch." "Hoy! Wag mo nga akong minumura!" Tinignan ko na siya ng masama. "The hell with the Tagalog? You sound like you're from the province! Ugh." "Bwisit ka." "F’ck you, too." At doon nagtapos ang unang araw ko sa ECB. Hindi ko na ma-imagine kung ano pa ang mga mangyayari sa mga susunod na araw ko rito. Siguradong magiging magulo ang buhay ko. Hindi madali na marami kang fans. At mas lalo nang hindi madali kapag may mga may galit sa’yo. *** [5th Floor - Millenium Heights Condominium] Paguwi ko sa condo ay sinalubong agad ako ni Caloy at Shibama. Nakipagbeso sa akin si Shibama at nagpaalam na matutulog na rin siya. Si Caloy naman ay sinundan ako hanggang sa kwarto ko. "Ms. Beautiful! Kumusta naman ang first day?" nakangiti niyang tanong. "Eh! Caloy naman eh! ‘Wag mo nga ako inaasar ng ganyan." "Ah, siya sige na. Kumusta nga?" Nagbikit-balikat ako. "Ayos lang." "Parang hindi. Bakit malungkot ka?" "Ayos nga lang." Ngumiti ako ng pilit. Sana ‘di niya mapansin na pilit lang. Nakakainis. Gusto ko na kasing matulog. Pagod na ako sa mga nangyari ngayong araw. "Kumusta ang lessons?" "Caloy, pagod na ako. Sa weekend nalang kita kwentuhan ng mga kaganapan. Okay lang ba? Sorry." "Okay lang. Sige pahinga ka na." "Salamat." Aalis na sana siya pero bumalik siya ulit sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Tinignan niya ako diretso sa aking mga mata. "Basta Ynna, kung may nangaaway man sa’yo, o kung kailangan mo ng makakausap. Nandito lang ako." "Salamat." Tumango ako at niyakap ko siya. Gusto ko sana isumbong lahat ng ginawa sa akin ni Sky simula pa no’ng enrollment pero baka lalo lang gumulo ang sitwasyon. Masyado kasing protective sa akin si Caloy simula pa no’ng mga bata pa lang kami. Baka sumugod siya sa school namin ni Sky. Masyadong maimpluwensya ang mga tao sa ECB kaya naman alam kong wala talagang laban si Caloy. Higit pa do’n, kapag nalaman nila na may kaibigan akong mahirap at nagtra-trabaho lang sa fastfood, baka magtaka pa sila. Baka malaman na rin nila na mahirap lang din ako. Kasi kung tutuusin, mas mahirap pa nga ang sitwasyon namin ni Papa kaysa kay Caloy. Nangako ako kay Janina na aayusin ko ang pagpapanggap bilang siya sa isang buong taon, kaya naman kahit gaano kahirap ng mga pagsubok ay kakayanin ko. *** [Day 2] Sa wakas ay pinagpants din ako ni Shibama! Kaso nga lang butas butas na maong. Kita pa rin ang skin ko. Wala rin. Sinuotan din niya ako ng peach na maluwag na sleeveless top. At siyempre, ang walang kamatayan kong wedge. Naka-straight naman ang buhok ko ngayon at may clip lang sa bangs ko. Ang ganda ko. Mukhang sosyal talaga. Ang galing-galing talaga ni Shibama at ang bait pa niya. Mali ang unang akala ko noon na masungit siya. Habang tumatagal ay nakakapagkwentuhan na kami ni Shibama. Sinasabi niya sa akin na maarte daw magpaayos si Janina sa kanya noon. Mas gusto raw niya ako kaysa kay Janina. Minsan daw ay pinapaulit pa ni Janina ang buong ayos niya kung hindi niya nagustuhan. Pero naniniwala pa rin naman ako na may mabuti pa ring puso si Janina. Baka hindi lang siya naiintindihan ng mga nasa paligid niya. Tulad ng nangyari kahapon, pagpasok ko palang ng ECB ay sumalubong na sa akin ang The Royals na sina Debbie at Karen. Nagkwe-kwentuhan sila ng kung anu-anong mga bagong movies ngayon. Hindi ko nalang ibinaling ang atensyon ko sa kanila. Hindi ko rin naman kasi maintindihan. "They are here!" tili ni Debbie. "Oh yeah! Gwapo talaga ni Erick!" tili naman ni Karen. "Mas gwapo kaya si Dwight!" sagot sa kanya ni Debbie. "Pero pinaka-gwapo pa rin yung leader!" Kinurot pa ni Kare si Debbie. "Oo naman! Pero hard to reach na ‘yan! Mga tulad lang ni Ynna ang kaya magpa-fall d’yan! But us? ‘Wag ka na umasa, girl!" natatawang sabi ni Debbie kay Karen. Tumingin ako sa likod para makita kung sino ang pinaguusapan nila. At ito na nga, ito na ang pinaka hindi ko gustong mangyari. Nandito na naman ang mokong sa harapan ko kasama ng dalawa niyang alalay. Nandito ang Vengeance sa harapan ng The Royals. At yung dalawang babae ko? Kilig na kilig naman at nakikipagharutan pa do’n sa dalawang lalaki. Crush yata nila. Sila pala si Erick at Dwight. Pamilyar ang mukha nila sa akin. Nakita ko na sila noon. Sila yung kasama ni Sky sa enrollment. Lumapit si Sky sa akin. Umatras ako. Lumapit pa rin siya ulit. Atras lang ako ng atras. Lapit din siya ng lapit. Atras. Lapit. Atras. Lapit. Kakaatras ko at kakalapit niya sa akin. Ang layo na pala namin sa mga kasama ko. Halos ‘di ko na sila makita. "Araaay!" Pinikit ko ang mga mata ko. Natalisod ako. May gamit yata akong natapakan kaaatras ko. Pentelpen yata? Hinanda ko ang sarili ko sa sakit na maaari kong madama pero hindi ako nahulog sa sahig. Pagdilat ko ay may mga kamay na nakaalalay sa akin para hindi ako tuluyang mahulog. Si... Si Sky? Sinalo niya ako? "F’ck! Why are you so clumsy?!" sabi niya habang itinatayo niya… ako? "Eh, ikaw kaya! Lapit ka ng lapit!" dahilan ko. "Because you keep on moving backwards!" "Eh, bakit ka kasi lumalapit?!" "Are you scared of me?" sabi niya na parang natatawa. Biglang nagpalit ng mood? Hanep. "H-Hindi ‘no!" "Oh. Wow. The mighty Janina F. is terrified of me? I never thought this could ever happen!" Halata sa boses niya na sarkastiko siya. "Hindi nga, eh!" "Really?" Nilapit niya ang mukha niya sa akin. Sobrang lapit. Naaamoy ko ang hininga niya. Amoy yosi. Kadiri. Magkadikit na ang mga ilong namin. Nakatitig lang siya sa mga mata ko at naka-smirk. Tinulak ko siya. Lumayo ako at biglang tumalikod. Parang biglang uminit yung pisngi ko. Hahalikan ba niya ako? Bastos siya! Tatakbo na sana ako palayo sa kanya pero hinablot niya ang braso ko. "Hey, why are you running away?!" "Dahil ayokong makita ang mukha mo! Bakit mo ba kasi ako sinusundan? Ha!?" "Are you crazy?" Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Ano ba kasi?!" Naiinis na ako. "Agh! Nutrition activity?" "Oh, eh ano naman? Lunch na ba?!" "B’tch, whether you like it or not, I'll be with you for a month. And I'm here to ask for our assignment so that I can pass it already." Nanigas ako sa sinabi niya. "And I'm here to ask for our assignment so that I can pass it already." "And I'm here to ask for our assignment so that I can pass it already." "And I'm here to ask for our assignment so that I can pass it already." Oo nga pala! Lagot na! May assignment nga pala kami! Ang yabang ko pa na sinabi ko sa kanya kahapon na ako na ang gagawa ng assignment na ‘yon. Sinabi ko pa sa kanya na huwag na siyang tumulong kasi kaya ko naman na. Nakakainis kasi siya kaya naman inako ko na yung pagkahaba-habang assignment namin para lang hindi na kami magkita pa no’ng araw na ‘yon. Pero ano ako ngayon? Nalimutan ko! Nga nga! Nalimutan ko gawin! Ano ba ang ginawa ko kagabi? Wala akong maalala! Ah! Nag-usap kami ni Caloy? Ha? Pero mabilis lang naman ‘yon! Bakit ko nakalimutan?! Baka kung anong gawin sa akin nitong si Sky! Baka tuluyan na talaga siyang maging dinosaur! Tinignan ko ang mukha niya nang nanlalaki ang mga mata ko pati na rin ang butas ng ilong ko. Napansin ko na naging dark bigla ang aura niya. Parang na-gets na niya na wala akong nagawang assignment! Ano ba naman kasi ‘yan, Ynna! Ano bang ginagawa mo? Kailan ka pa naging malilimutin? At ngayon pa sa harap ng Sky na ito?! Patay na ko! "F’ck you, b’tch." Ito lang ang sinabi niya sabay walkout. Nakakatakot ang hitsura niya. Baka inisip niya na sinadya ko ‘yon. Nako naman! Naalala ko no’ng sinearch ko ang pangalan niya dati, running for c*m Laude siya. Kaya siguro galit na galit siya kasi hindi ko nagawa yung assignment. Hindi ko naman na pwede gawin ito ngayon kasi in one minute, magsisimula na ang nutrition class namin. *** "Anderson and Fortaleza, zero." At talagang in-announce pa ni Ms. Kara sa klase. Ang galing din nitong bruhang ito. Nagulat ang mga kaklase ko at nag-chismisan na naman. "Si Sky, hindi gumawa ng assignment?!" "That’s unbelievable!" "Baka naman kasi imbis na assignment ang gawin... Iba ang ginawa nila ni Ynna." "Oo nga! Baka kaya hiniwalayan ni Ynna si Dave kasi sila na ni Sky?" "Pero infairness, mas bagay sila ni Sky!" Nakakaasar talaga! Kung anu-ano na naman ang mga pinagsasabi nila. Pwede namang nakalimutan lang kasi. ‘Yon naman talaga ng totoo. Tinignan ko si Sky na nakabusangot lang sa tabi ko. Nakakatakot talaga siya. Nakita ko rin si Dave at Farrah na tumatawa dahil naging zero kami ni Sky. Grr! Sila Karen at Debbie naman, naka-sad face na mukhang peke naman. Si Dwight at Erick naman, sinabihan ako mula sa malayo ng, "Lagot ka". Lagot ako? Oo nga lagot talaga ako. Narinig ko rin kasi na ngayon lang naging zero si Sky sa buong talambuhay niya. Magso-sorry ba ako? Oo. Kailangan. Kasalanan ko kasi. Kahit naiinis ako sa kanya ay hindi naman ako masamang tao para hindi mag-sorry. Tinuruan pa rin naman ako ni Papa ng good manners. "Uy, Sky, sorry na," mahina kong sinabi. Parang nagulat siya sa pahayag ko. Lumaki ang mga mata niya at humarap sa akin. Parang nalilito ang reaksyon niya. "What did you say?" "Sabi ko, sorry na. Hindi ko naman sinasadya ‘yon. Nalimutan ko lang talaga. Promise!" Tinaas ko ang kanang kamay ko. Magkasalubong ang kilay niya at tila pinagaaralan na naman niya ang mga naging kilos ko. Ang weirdo. "That's part of your plan." "Hindi! Hindi ah! Hindi talaga! Nakakainis ka lang talaga pero wala naman akong balak na maging zero ka! Ayoko rin naman maging zero, ‘no! Nakalimutan ko lang talaga. Promise!" "I won't believe you. You're a b’tch. I won't fall into your trap. I'm not Dave." "Ano ba! Nagso-sorry na nga, eh! Sige! Para patunayan ko sa’yo na sincere ang sorry ko, mag-wish ka! Gagawin ko lahat! Kahit maging slave mo pa ako sa isang araw! Gagawin ko!" Nawala ang magkasalubong niyang kilay. Lumaki ang mga mata niya. Tila ba sobrang nagtataka siya sa mga nasabi ko. Ynna naman! Ano na naman kasi yung sinabi ko?! Hindi ko talaga ma-control ‘tong machine gun kong bunganga! Hay! Matagal siyang nakatingin sa akin nang bigla siyang nagsalita. "I'll think about it," seryoso niyang sinabi. At biglang umalis na siya. Na-dismiss na pala kami ni Ms. Kara kanina pa. . . . © mharizt
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD