Chapter 4

3254 Words
• SKY JAMES ANDERSON • Wow. I can't believe what just happened today. I saw Janina Fortaleza, heiress of Fortaleza Foods Inc., the main competitor of our family business. It turned out that she also have a special enrollment. I never liked this girl ever since before. She thinks of herself as the prettiest and that she is so high and all when she's actually not. She is also the reason why Dave and I got into a fight. Dave used to be one of my closest friends in ECB. But since she dated him, he became different. Dave didn't hang out with us anymore. And worse, he even stole my girlfriend from me. F’ck. Dave is now dating Farrah. They are now in a serious intimate f’cking relationship. Damn. I hate how I loved Farrah so much when all she ever wanted was Dave. She was very clear to me from the very beginning about this but I didn't mind thinking that she will fall in love with me sooner or later. And so, I agreed to be her rebound. I knew that she was already falling for me, too. But then, all of a sudden, Janina broke up with Dave which made Farrah put all of her hopes up again for Dave. She left me. She courted Dave. I can't believe that girls are the ones who ask boys out now. Is Dave that handsome?! And am I that ugly?! It turned out that she never actually loved me. She just used me to get Dave jealous. But it didn't work out. Dave was so focused on his relationship with the school's top b’tch, Janina. But why the hell did they break up? And why should my growing relationship with Farrah be part of the f’cking breakup? Agh! I'll do anything to get back what's mine! But something actually bothered me earlier. The moment I saw the b’tch at the special enrollment, she looked the same but acted differently. She was speaking in pure Tagalog. I never thought she had the ability to do that. It was also the first time I saw her without a box of cigarettes in her hand. She's supposed to be a chain smoker. Did she just have a change of heart? She even fell on top of me. For a second there, I thought she was trying to seduce me like what she did to Dave and to all the other boys she slept with. But then, I was looking at her eyes trying to trace her evil plans but all I noticed was that she looked a lot younger and.. innocent? Nah. Maybe it's just part of her evil plans. She's good at that. I must be really careful. This girl is dangerous. *** • ALYNNA MARIE PAREDES • [5th Floor - Millenium Heights Condominium] Nagsimula na ang personality development classes ko upang maging classy at elite. Kala ko naman ay papasok ako sa kung saang school, buti nalang hindi pala. Si Shibs lang pala ang magtuturo sa akin. Si Caloy naman, minsan ko nalang ulit siya makita kasi busy siya na trabaho niya. Nakaupo kami ngayon sa study area at pinapabasa niya sa akin lahat ng klase ng books para maging kilos beauty queen kuno raw ako. Kunwari nalang binabasa ko pero sa totoo, dinadaanan lang ng mga mata ko. Eh kasi naman! Nakakaantok kaya! "Let's go?" aya ni Shibama. "Ha? Saan?" "Sa practical lessons mo! ‘Di ka pwedeng magbasa lang diyan forever, ‘no! Wala kang matututunan!" "Ah... Gano’n ba? Akala ko kasi heto na ‘yon." "So are you ready to be a princess?" Nakangiti na sinabi ni Shibs. Gwapo talaga sana siya kung naging lalaki lang siya. Sayang. Hehe. "Princess?" tanong ko. "Yes. Dear! Ikaw ang princess in ECB! You have a group of rich and beautiful girls called 'The Royals'. At ikaw ang leader!" "A-Ano?! Leader ako?! Papaano ko naman magagampanan ‘yon ng maayos? Hala?!” "It's okay! Kaya nga tayo maga-aral, ‘di ba? Tuturuan kita paano kumilos prinsesa. It's easy lang naman! You just have to be very confident. Isipin mo lagi na ikaw ang pinaka maganda sa kanilang lahat. Which is true naman!" Nagkamot ako ng ulo. "Ah eh, mahiyain kasi ako." "Masasanay ka rin! And wait, dear! May usual reaction pala si Janina. She used to say 'OMG' and 'Oh Em' a lot. So you have to practice that as well." "OMG? Oh Em?" ulit ko. "Yup! And everytime she says that, fini-flip niya ang buhok niya. Try it!" Naloko na. Bahala na nga. "OMG! Oh Em!" sabi ko sabay flip ng buhok ko papunta sa likod. Anong klaseng habit ba naman ito?! "Great! You look exactly like her na!" Pumalakpak pa si Shibama. "Ah eh ‘di... Lagi ko sasabihin ‘yon?" "Yeah. Masasanay ka rin, girl! Don't worry. Now, let's proceed to your practical lessons. Shall we?" Bigla akong hinila ni Shibama patayo floor area sa loob ng condo namin at nagsimula siyang magturo agad. Ang bilis niyang magsalita tapos English pa kaya hindi ko siya naiintindihan. Tumango-tango nalang ako na parang aso. Bahala na! Binanggit niya ang ‘stay classy’, kaya ngumiti ako at nagbigay nalang sa kanya ng thumbs-up. Nagulat nalang ako nang bigla akong dinala ni Shibs sa dining area naman. Ang daming iba't ibang klaseng kutsara! Alamin ko raw lahat para saan ang mga ‘yon. Bakit ang daming kubyertos ng mayayaman? Pwede naman magkamay! Pagkatapos ay dinala naman niya ako ngayon sa cabinet na punong puno ng sobrang gagandang sapatos. Ang tataas ng heels at mukhang mga mamahalin talaga! Bigla niyang sinuot sa akin ang isang pares at hinila ako palapit sa kanya. Muntik pa akong madapa! Ang taas! Ilang inches naman kaya ‘to?! 7? 10? Pinaglakad niya sa sa isang straight line, pero gumegewang talaga ako. Bawal din daw tumungo ang ulo ko. Tiis ganda talaga. Juskopo. Ang bilis niya talaga magturo. Hindi ko na talaga naiintindihan yung iba. Ang saki-sakit pa ng paa ko. Puputok na yata mga muscles ko! “Kailangan, korteng ‘C’ din ang likod mo lagi,” sabi pa niya. “Para malaki ang hinaharap!” Kumunot ang noo ko doon. Ano raw? Para mukhang malaki ang dede? Eh ‘di sana nilagyan nalang ng extrang pandesal! Hay nako talaga itong mga mayayaman! Maliliit lang ang kokote! Tsh! Ang dami pa niyang ibang tinuro sa akin. Tamang paghinga, tamang pag-kaway, at pati na rin ang pagngiti. Kailangan din daw gumamit ng utak lagi. Buti nalang at tingin ko may utak naman ako. Kala ko puro sosyalan lang, eh. Okay na siguro ‘to! Kaya ko naman na yata! Goodluck nalang sa akin sa pasukan. Para sa paga-aral. Para maging maganda ang future. Kakayanin ko! *** First day na ng classes ngayon. Maaga akong gumising. Sinearch ko ang background ng ECB at kung anu-ano pa tungkol sa school para ‘di naman ako mag mukhang eng-eng mamaya. Sinearch ko rin ang pangalan ni Sky Anderson. Nalaman ko na leader din siya ng isang group sa school na puro boys naman. Kung yung akin na all girls ay ‘The Royals', yung kanya naman 'Vengeance' ang tawag. Ang grupo naming dalawa pala ang pinaka sikat sa buong ECB! Lahat ng gustuhin ng squad namin ay natutupad. Sinu-sino naman kaya yung mga members ng group ko? Bakit naman kasi group leaders lang yung nasa internet? Para sa first day look, kinulot na naman ni Shibama ang buhok ko at nilagay sa isang side lang. Tinirintas din niya ang buhok ko na parang head band. Ang ganda tignan. Pinasuot na naman niya ako ng dress na mukhang bastusin at sobrang mabibigat na gintong alahas. Hay nako! Siguro nga dapat masanay na ako rito. Wedge nalang ulit pinasuot niya kasi hiniling ko na ‘yon nalang lagi kasi mas hindi sumasakit ang paa ko do’n. Buti pumayag naman siya. Ang tagal niya akong inayusan. 8 AM ang unang klase ko pero 8:30 AM na ang oras. "Uy Shibs, late na ko!" medyo nagpapanic kong sabi. Umiling siya. "It's okay! Laging late si Janina. Pero hindi binabawasan ang grades niya because she is the amazing Janina F!" "Grabe naman. So lagi din ako magpapa-late?" naguguluhan kong tanong. "Oo. You're going to be Janina nga ‘di ba?" "Ah, oo nga naman." "Sige na! You're done! You're so pretty na! Go to school na and enjoy your first day!" "Salamat, Shibs." Alanganin akong kumaway at ngumiti sa kanya. Sana kayanin ko ang araw na ito. *** [Eastville College of Business] Pagpasok ko palang sa school ay may bumati na agad sa akin na mga babae. Ang gaganda rin nila. Nakipagbeso-beso pa sila sa akin. Hindi ko sila kilala pero nag-smile nalang din ako. "Girl! What's wrong?! Why so stiff?! Didn't you miss us?" - Girl 1 "Yeah? Janina, our princess! Why so tulala? Hello!" - Girl 2 Bahala na! "Ah. Omg! Oh Em! I missed you, too! Sino nga kayo?" pabiro kong sinabi sabay flip ng buhok tulad ng sinabi ni Shibama. Sana hindi nila mahalata. "Haller. I'm the pretty Debbie Corazon! Hihi! Your best friend!" "And I am the prettier Karen Tomas! Your real BFF! Fake lang yan si Debs, ‘no!" "And we are 'The Royals'!" sabay nilang sinigaw. Mga adik yata ‘to. Makasigaw parang walang nagka-klase. "Haha! Just testing you. Testing. Hehe!" sabi ko nalang. At least ngayon kilala ko na sila. "Parang nag-iba accent mo, girl?" tanong no’ng Debbie. "Oo nga? Sinasadya mo ba? It's cute! Mukhang innocent!" sabi naman no’ng Karen. "Ah, yes yes ehehe. Magta-tagalog din ako from now on!" sinakyan ko nalang sila. Bahala na talaga. "Change of heart? Dahil ba sa break up mo with Dave?! Sige! Kami din! Tatagalog na rin us! Anything you want, Janina!" si Debbie ulit. Tumango naman si Karen. "May isa pa akong request. Ynna nalang ako itawag niyo sa akin. Y-N-N-A. ‘Yon nalang ang bago kong palayaw." "Sure, Ynna!" sabay nilang sinabi. Mabilis naman pala silang kausap. Nakakatuwa. Lahat ng gusto ko, sinusunod nila. Bossing na bossing. Mas okay na ito. Para kahit papaano maramdaman ko pa rin na ako si Ynna. Wala naman sa rules ni Janina na hindi ko siya pwedeng lagyan ng palayaw, eh. "Paki sabi na rin sa lahat ng kakilala niyo na Ynna nalang ang itawag sa akin. Isang taon lang naman! Next year, Janina na ulit ang gusto kong name." "Sure Ynna!" sabay ulit nilang sinabi. Nakakatawa. "Ah.. Hindi pa ba tayo papasok?" tanong ko. "Not until you tell us why you broke up with Davey!" si Debbie. "Yes! Oo nga! Tell us! What happened?!" dagdag pa ni Karen. Isip, Ynna. "Nagsawa na ako sa kanya. Hehehe." Nako, sana pasado itong naging sagot ko. Ano nga ba kasi ang dahilan? Hindi ko naman alam. "Umm. Okay. But is it okay with you seeing him with Farrah now? Your greatest enemy against Dave's attention?" tanong ni Debbie sabay turo sa magsyotang naghahalikan sa labas ng classroom. Luh? Sila pala si Dave at Farrah. Ang gwapo at ang ganda pa naman. Pero bakit wala sila sa klase? Bakit ‘yan ang ginagawa nila? Nakakapangilabot. Nakita ko na tinitigan ako ni Farrah ng matalim. At si Dave, nakatingin siya sa akin na parang nalilito siya na nakikita niya ako ngayon. Bigla niyang iniwan si Farrah at lumapit papunta sa kinaroroonan ko! Lagot! Ano nang gagawin ko?! "Look who's here? My dear ex!" Matalim ang mga titig niya sa akin. Nakakatakot! Tinignan ko lang siya ng blanko at hindi ako sumagot. Hindi ko naman alam kasi ang isasagot. "I thought you have a modeling career in NYC? I told you, hindi ka papayagan." Tumawa pa siya. "Hindi nga." "Well, sorry, but hindi ka na pwedeng makipagbalikan sa akin. I am dating your greatest enemy now. And I realized that she's the one I really love." Parang nangaasar ang tono niya. Biglang pumulupot sa kanya yung Farrah at naghalikan ba naman sa harapan ko! Anong kala nila? Magse-selos ako? Hindi ko nga sila kilala eh. Nag-walkout nalang ako at hinayaan ko silang maghalikan do’n. Pag-alis ko ay sinabi ni Debbie na tumigil na raw sila sa paghahalikan. Ang galing ko raw. Hindi daw halata sa mukha ko na nagseselos ako. Hindi daw effective yung pagpapaselos effect ni Dave gamit ang greatest enemy ko. Pa’no naman kasi ako magseselos? Hindi ko nga sila kilala. Pero isa lang ang kinatakot ko, alam ni Dave na may offer si Janina sa NYC. Baka malaman niya na lumipad talaga si Janina sa New York. Baka malaman niya ang mga plano ni Janina. Dapat mas lalo kong ayusin ang pagpapanggap. Baka mahuli ako ni Dave na peke lang ako. Kailangan kong galingan. Hindi biro itong napasok ko. *** Pumasok na ako sa unang klase ko. Punung-puno na ang mga upuan. Pero may upuan sa likod ng klase na may nakaukit na "JANINA F." kaya naman umupo agad ako do’n. Malamang sa malamang akin ‘yon. Nag-sorry pa ako do’n sa professor kasi late ako tapos nagulat silang lahat na nag-sorry ako. Ano ba ‘yon? Hindi ba marunong mag-sorry si Janina? Ay grabe. Wala ba siyang manners?! Laking gulat ko nang medyo tumabingi yung wedge ko kaya naman muntik na akong mahulog. "Ay anak ng pitong hampaslupa!" bigla kong nasabi. Nagulat ako sa mga reaksyon nila. Nagulat din ako sa nasabi ko. Sobrang hindi classy! Nakakahiya! Baka may makahalata! "Just making you laugh! Hehehe! Omg! Oh Em!" sabi ko habang papunta sa upuan ko sabay flip ng buhok ko. Tumawa yung buong klase pati na rin yung professor. May nakakatawang side din daw pala ako. Bakit daw ngayon ko lang ipinakita. Sana nailusot ko ‘yon. Nako naman! Ang hirap! Tumingin ako sa paligid at lahat sila tumatawa pero nang napatingin ako sa kanan ko, may isang lalaking nakasimangot na nakaupo sa pinaka kanan ng classroom malapit sa pintuan. Si Sky Anderson. Problema no’n? *** Lunch time na kaya naman sinundo ako nila Karen at Debbie sa classroom ko. Okay din pala kung may friends ka na agad. Hindi na ako maninibago at maghahanap ng upuan sa cafeteria. Kasi may mga tao nang nag-reserve para sa akin. Ang mga kabarkada ko sa The Royals. Nakakatawa kasi iisa lang ang pink na table sa canteen at may nakaukit na naman na 'The Royals'. Sobrang special pala ni Janina sa ECB. Lahat yata ng lugar ay may personal siyang puwesto. Hinila na nila ako para pumila sa counter kung saan pipili na kami ng pagkain namin. Kakaiba yung mga pagkain. Hindi ko naman kilala yung mga ‘yon. Parang French pa yung mga tawag. Hindi ko maintindihan ang itsura at pagkakabigkas. Meron pang spaghetti na green. Ano naman kaya ‘yon? Kadiri. Isa lang ang pagkain na kilala ko at ‘yon ang spaghetti na red. Napagdesisyunan ko na ‘yon nalang ang bibilhin ko. Sasabihin ko na sana sa Ate na ‘yon ang oorderin ko nang may biglang may sumingit na lalaki sa pila. "One Bolognese." Nakita ko na kinuha ni Ate ang nagiisa nalang na serving ng spaghetti na red at akmang ibibigay na sa sumingit na lalaki. Pero hindi ako makakapayag! "Hoy! Singit ka, ha! Akin ‘yan! ‘Yan ang order ko!" sigaw ko. Hindi na ako nakapagpigil. Nakakainis siya! Pagharap sa akin ng lalaki ay nakita kong siya pala si Sky Anderson. Si Sky na galit na galit sa akin no’ng enrollment. Si Sky na masama ang tingin sa akin kanina sa classroom. Ano ito? Sinasadya ba niya ‘to? Ito lang pa naman ang pagkain na gusto ko at alam kong kainin sa mga ulam ngayon! At ako kaya yung nauna! Singit siya eh! "Sorry, Ynna, but I got it first." Tumawa siya ng nakakaloko. Nakakainis! "Anong tinawag mo sa’kin?" "Ynna? Didn't you say to your Royals that you want it announced to the whole ECB that you want it to be your nickname for one whole school year? But you know, 'b’tch' fits you more. Or 'wh’re'!" Hindi ko man alam ang ibig sabihin ng mga sinabi niya pero halatang nang iinsulto siya. Ang sama! Lumingon ako kay Ate na nagtitinda. "Ate! Nakita mo naman na nakapila na ako ng maayos. Ako ang karapatdapat sa spaghetti na iyan,” mahinahon kong sabi. Nakita ko na natatakot na ang mukha ni Ate. Yung mga ibang students naman ay pumaikot na sa amin ni Sky. Yung iba ay itinigil pa ang pagkain nila para lang maki-chismis sa mga nangyayari. Naririnig ko rin ang ilan sa mga chismisan nila. "Hala! War ito!" "Oo nga! Mga leaders ng influential groups ng ECB! Magbabanggaan!" "Omg! The Royals vs Vengeance!" "This is going to be exciting! It's a gender war!" "Sino kaya ang makakakuha ng spag?!" "Team Ynna ako!" "Team Sky naman ako!" "Pustahan dali, 1,000 php! Ano?" "Sali!" “Kami rin, sali!” Grabe naman itong mga estudyanteng ito. Pinagpupustahan pa kami? Adik lang. Kukunin ko na sana yung spaghetti sa mesa pero biglang kinuha rin ni Sky. Pareho kami ngayon na nakahawak sa plato ng spaghetti. "Hep! Hep! Bidding nalang!" sigaw ni Karen. Pagtapos sumigaw ni Karen ay sumangayon naman ang mga ibang schoolmates! Gumawa pa sila ng chant na, "Bidding! Bidding! Bidding!" Nakita ko na ngumisi lang si Sky. Mukhang handa siya makipag-bidding sa spaghetti. Lagot na. Ano ba itong napasukan ko? "Fine. I'll get it for 1,000 pesos,” sabi ni Sky. Grabe! Bibili siya ng spaghetti na 1,000 pesos ang halaga?! Anong klaseng spaghetti ba ‘to? May ginto? Pero hindi ako pwedeng magpatalo. Hindi ko pwede sirain ang imahe ni Janina sa pagtitipid ko. Tinignan ko ang wallet ko at may nakita akong 5,000 pesos. ‘Yon nga pala ang sinabi ni Janina noon. Na may 5,000 pesos akong allowance araw araw. Sakto. "I'll get it for 1,500 pesos!" sinabi ko na tila ginagaya ang accent ni Sky. "2,000 pesos, then." "2,500!" "3,000." "3,500!" "4,000." "4,500!!!" "5,000." Patay, wala na akong panglaban. 5,000 pesos lang ang pera ko. "Fine, nanalo ka na. Hindi naman kasi ako uto-uto para bumili ng 5,000 pesos na spaghetti!" "I. Still. Won." pangasar niyang sinabi habang binabayad ang 5,000 pesos sa tindera. Grabe! Sayang! Yung tindera naman, tuwang-tuwa. Pumili nalang ako ng ibang pagkain. Bahala na kung hindi masarap. Nakakainis! Sobrang kumukulo ang dugo ko sa Sky na ‘yan! Ang sarap wrestling-in! Tapos habang pumipili ako ay ayaw pa talaga umalis. Nakangisi pa! Grr! Pero nawala rin agad ang ngisi niya noong biglang pumasok sa cafeteria si Farrah at Dave na tila sweet na sweet sa isa't isa. Masyado yata talaga siyang nasaktan sa naging paghihiwalay nila no’ng Farrah. Kawawa rin. Pero dapat hindi niya binabaling sa akin yung pagiging heart broken niya ‘no! At yung Dave naman, nakangisi sa akin sabay halik kay Farrah. Kala yata niya magseselos ako. Nakakatawa siya. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tumingin sa akin si Sky para malaman ang reaksyon ko sa nakita ko. Pero hindi ko naman alam ang ire-reaksyon ko kaya tinignan ko nalang siya at nag-smile ako sabay biglang kuha ng tinidor. Mabilis akong sumubo ng konting spaghetti galing sa plato niya. Ha! "Mmm! Sarap! Ang mahal pa naman ng spaghetti na 'to!" pangaasar ko sa kanya sabay alis kasama ni Debbie at Karen pabalik sa mesa naming pink. Kala niya, ha! Nakakatawa yung mukha niya. Hindi siya makapaniwala sa nakita niyang ginawa ko. Hindi maipinta ang mukha niya. Nakaganti rin sa wakas! Wahaha! . . . © mharizt
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD