Bumalik sila sa Bay View Hotel upang makapagpahinga. Bukas pa gaganapin ang sunod na kompetisyon, binigyan pa sila ng mga hurado ng pagkakataon upang makapagsanay at magpalit ng komposisyon. Habang naglalakad silang dalawa ni Alexei sa lobby, natigilan siya nang may marinig na tumawag ng pangalan niya.
"Lucita Garcia, tama ba ako?"
Kapwa silang napalingon ni Alexei sa lalaking umakyat sa hagdan at naglakad palapit sa kanila. Malaki ang ngiti nito sa mukha nang makalapit. Nakatutok ang mga mata nito kay Lucita at agad itong nakilala ng babae. Ito ang lalaking kanina pa nagpapapogi sa kaniya sa teatro.
Saglit na namangha si Lucita nang makita ang buong itsura nito sa malapitan. Hindi niya maikakaila ang angking kakisigan ng lalaki. Mamulamula ang pisngi nito, matangos ang ilong at makapal ang kilay. Kay ganda rin pagmasdan ng mga mata nito na kulay matingkad na kayumanggi at napapaligiran pa ng mahahabang pilik. Subalit batay sa kutis, mahuhulaang may lahing chinese ang kaharap.
"Dito ka rin pala nananatili sa Bay view hotel. By the way, I'm Louis," Kumunot ang kaniyang noo at tinignan lamang ang palad nitong nakalahad.
Nagtataka na tinitigan lamang niya ang kamay nito at hindi iyon hinawakan.
"Yeah, so what?" Tinaasan niya ito ng isang kilay.
Si Alexei naman ay mistulang pinipigilan ang matawa dahil inaasahan na nito na tatarayan nga niya ang estranghero.
Parang ikinabigla iyon ng lalaki at ibinaba ang mga kamay. "Well, there's nothing wrong with making friends, especially since we both participate in the competition." Nahihiya pa itong tumawa.
"I didn't join the competition to make friends." Siguro naman ay titigilan na siya nitong pormahan dahil wala naman siyang interes dito. Wala itong masabi nang tumalikod si Lucita at dire-diretsong naglakad sa pasilyo. "Excuse me."
Naiwan sa lobby ang dalawang lalaki na nagkatinginan. Hindi na napigilan pa ni Alexei ang matawa nang malakas dahil iyon talaga ang inaasahan niyang gagawin ni Lucita. Gayunman, hindi rin naman niya akalain na may magkakainteres sa dalagita sa gitna ng kompetisyon.
"Why is she like that?" tanong ni Louis na kunot-noong nakatingin kay Alexei.
"Don't worry, she's always like that." Para naman kay Alexei, palakaibigan lang talaga ang lalaki at wala namang hinahangad na masama.
***
Nakakatawang isipin na ang nais ni Louis ay makausap at makipagkaibigan kay Lucita subalit sa halip, naging kaibigan niya ang dayuhan na kasama ng babae. Pumalpak man ang pagporma niya sa una, wala pa rin siyang balak na sumuko. Lalo lamang siya naintriga sa misteryong bumabalot kay Lucita.
"I think it's a love at first sight," aniya habang hawak ang kopita ng alak. Kasama niya si Alexei sa isang bar-resto na malapit sa inuupahang kuwarto.
"You tried to persuade her at the wrong time," sagot ni Alexei na nagsalin ng alak sa baso. "You don't even know her well. How can you claim you like her just from a glance? If you know her true personality, I guarantee you'll be turned off."
"Really, how awful is she?" Naintriga naman siya.
"Well...." saglit na napaisip si Alexei. Bukod sa katarayan ng babae, may tinatago naman itong kabutihan sa puso. Pero bakit hindi nito masabi iyon kay Louis? "You told me a while ago, you are the son of a businessman, aren't you?" Imbis na sagutin ang tanong ni Louis, binago ni Alexei ang pinag-uusapan nila.
"Yeah, but what does that have to do with it?" Lalo lamang nagtaka si Louis.
Napabuntong-hininga nang malalim si Alexei. "Knowing Lucita, if she finds out, she will grow to dislike you more."
"But why?"
"Because war is expensive and some businessmen profit from war," makahulugang wika ni Alexei at tumingin nang diretso sa kaniya. Hindi niya maunawaan nang lubos ang ibig pakahulugan ng bagong kaibigan.
"She doesn't hate anyone, but she dislikes a lot of people. This is the difference. She dislikes foreigners like me, politicians, and business owners who benefit from conflict," dugtong na paliwanag nito.
Natawa siya bigla. "You think I'm like that?"
"I don't but Lucita will definitely think about you in that manner."
Natahimik siya at napaisip.
"I am not saying you should give up on her, but she is difficult to handle."
"But she actually likes you, even though you're one of those people she usually doesn't vibe with. I'm feeling hopeful about this."
Si Alexei naman ang natahimik dahil may punto ang kaniyang sinabi. Binasa niya ang ekspresyon sa mukha ng binata.
"So you're not interested in her?"
"We are merely buddies. All I did was teach her to play the violin."
"There's no more to it?"
Natigilan muli si Alexei. Tila nag-alinlangan nang kaunti bago magbaba ng paningin at magsabi ng, "No." May lungkot sa kaniyang tinig. "I will be returning to Russia anytime soon. In any case, I can't stay here forever. I'll be glad if she finds someone who will help her achieve her dream."
"Then in your absence, I shall be the one to teach her how to play the violin," wika ni Louis na itinaas ang hawak na baso.
"I'm with you on that, cheers!" Ngumiti si Alexei ngunit hindi umabot sa mga mata. Itinapik niya ang hawak na baso sa hawak na kopita ni Louis, pagkatapos ay sabay nilang tinungga ang inumin. At sa ganoong paraan, nagkasundo silang dalawa.
***
Kumatok si Lucita sa silid ng ama subalit walang tumugon doon. Nais sana niyang makausap ito at maibalita na nakapasok sila sa pangalawang eliminasyon. Subalit, ilang minuto na ang lumipas wala pa rin siyang napapala. Napabuntong-hininga siya nang malalim habang nakatanga sa tapat ng pinto.
"He's not here."
Napalingon siya sa nagsalita sa kaniyang likod. Nakapamaywang si Paulita habang nakasandig sa pader. Nakalimutan niyang katabi ng silid ng ama ay ang silid ng nakababatang kapatid. Noong una, ang balak ng ama ay pagsamahin na lamang silang dalawa sa iisang kuwarto pero tumutol siya at gusto rin naman ni Paulita ang mapag-isa.
"Where is he?"
"He's at work, collecting outside research for his upcoming article."
"Again?"
"Again."
Nakaramdam siya ng pagtatampo at pagkadismaya. Kailan ba mapagtatanto ng ama na kailangan niya ang suporta nito? Pero hindi bale na nga, bilang anak nauunawan naman niya na kailangan nitong magtrabaho nang maigi para sa pamilya. Hindi naman ibig-sabihin ay hindi na siya mahal ng ama.
Ibinaling niya ang paningin kay Paulita na mukhang na-bored maghapon sa loob ng hotel. "Have you eaten dinner yet?"
"I did," simpleng tugon nito.
"I won the first elimination round."
"Congratulations."
"I wanted our father to be the first to know, but he is not here. Just inform him." Iyon lamang ang bilin niya sa kapatid bago niya ito nilagpasan at dire-diretsong naglakad patungo sa sariling kuwarto.
Nagtataka na sinundan siya ng tingin ni Paulita. Ito yata ang unang pagkakataon na hindi siya nanukso o hindi nauwi sa pagtatalo ang pag-uusap nila. Sadyang pagod lamang si Lucita para maglaan pa ng oras na asarin ang kapatid.
***