Kinabukasan ay ang unang araw na mag-uumpisa si Alexei sa trabaho. Malaki ang simangot sa mukha ni Lucita sapagkat bago pa man lumisan ang kaniyang ama ay sinabi na nitong tinanggap nito ang dayuhan. Syempre, tumutol siya at nakipagtalo ngunit wala siyang magagawa dahil nakapagpasya na ang kaniyang ama. Kung hindi siya susunod dito ay baka mapalo pa siya nito. Napabuga siya ng malalim na hininga at pinagkrus ang mga braso habang nakasalampak sa sofa.
Kasalukuyan siyang nasa silid-tanggapan at hinihintay ang pagdating ng bagong guro. "I can't believe it, papa hired him!" bulaslas pa niya sa sarili.
Si Alexei naman ay kararating pa lamang. Nasa gate ng mansyon ang binatilyo at nag-aalinlangan pang kumatok. Mayamaya pa nang makaipon ng lakas ng loob, kumatok ito roon at ang sumalubong sa kanya ay si Nanay Pasing.
May hawak na walis ting-ting ang ale at mukhang nagwawalis ng tuyong dahon sa bakuran.
"G- Goodmorning," naiilang nitong bati.
"Ah... Goodmorning. Who you?" tanong ni Nanay Pasing na halatang nahihirapang mag-English. Ngayon lamang nakakita ang babae ng sobrang gwapong dayuhan. Idagdag pa ang kakaibang kulay ng buhok at mga mata nito.
"I-I'm the new music teacher. Uh... Lucita's m-maestro?" napaisip pa si Alexei kung tama ang bigkas sa salitang maestro.
"Ah, yes! Yes," sabi ni Aling Pasing na tumango. "Lucita is there— the second floor. Come. Enter," naubusan na si Nanay Pasing ng english. Pinagbuksan niya ng pinto ang bisita.
"Thanks."
"Welcome! Just Walk! Diretso! Straight walking," paliwanag pa nito na tinuro ang daan.
Ngumiti lamang si Alexei. "Salamat," pagtatagalog at yumukod pa sa ale.
Napangiti rin si Nanay Pasing nang marinig na magtagalog ang dayuhan. Naramdaman ng ginang na mapagkumbaba ang lalaki.
***
Umakyat si Alexei ng hagdan patungo sa ikalawang palapag. Marahan lamang ang kaniyang lakad. Naninibago pa rin siya sa kakaibang istilo ng bahay at kulturang nakikita. Napadako ang mga mata niya sa mga lumang paintings na naka-display sa gilid habang nakahawak sa rails ng hagdan at umaakyat.
"What do you need this time?" Natuon agad ang paningin niya sa unahan. Nakita niya roon si Lucita na malaki ang simangot sa mukha habang nakatayo sa pinakatuktok ng hagdan.
Nahinto siya sa kalagitnaan ng mga baitang. "What did you say?"
"Are you deaf? Why are you here?" Kahit alam na ni Lucita ang dahilan gusto nitong magpanggap upang pahirapan ang dayuhan.
"You're father hired me. If you cuss me out again, I will inform your father that you disrespect your teacher."
Ayaw ni Alexei makipagtalo. Ayaw niyang makipag-away. Tama na ang mga digmaan na natikman niya sa buhay.
Subalit alam ng binata na hindi magtatagumpay ang pagtuturo niya kung hindi makikinig sa kaniya si Lucita. Kailangan nitong mapagtanto na nararapat siyang galangin.
Siya man ay nag-aalinlangan sa bagong trabaho ngunit kailangan niya ito. Bilang panganay sa kanilang pamilya, ito ang kaniyang responsibilidad.
"I don't want this yet I need this." Iyon ang itinatak niya sa utak kaya kahit anong hirap pa ang danasin ay titiisin niya. Gagawin niya kung ano ang nararapat.
"A teacher at my age?! Are you kidding me!" Naputol ang kaniyang pag-iisip nang magsalita muli ang dalagita. Umirap ito at tumalikod saka dire-diretsong bumalik sa silid na pinagmulan.
"I'm two years older than you!" sagot niya at nagpatuloy sa pag-akyat ng hagdan. Nakita niya roon sa sofa si Lucita, nakadekwatro ang mga binti at parang maldita kung tumingin sa kaniya.
"Whatever you say," anito at umikot ang mga mata sa itaas.
"Do you think I'm doing this because I want to?"
Hindi ito sumagot kaya dumiretso na siya sa loob ng silid. "Now, if you don't mind. Please, get your violin. Let's end this session as soon as posiible," utos niya habang binubuksan ang zipper ng violin case.
Napipilitan man at halata man sa itsura ni Lucita ang pagkabagot, nakahinga siya nang maluwag nang kinuha nito ang sariling violin. Marunong palang sumunod ang dalaga kahit maraming reklamo.
***
Bumalik sila sa basic ng violin na lalong kinainisan ni Lucita. Sapagkat para sa kaniya, hindi na niya kailangan pang gawin iyon dahil marunong na siya ng basics. Gayunman, pinigpipilitan ng binata na kailangan may matibay na pundasyon sa simula kung nais maging mahusay. Anupa't ang unang araw ng pagtuturo ni Alexei ay nauwi sa mahabang pagtatalo.
"How many times do I have to tell you?!" Hindi man intensyon ni Alexei na taasan ang boses ngunit pinupudpod ni Lucita ang pasensya niya."You're not listening!"
"I know what I'm doing. I already know the basics of violin. The lowest note is G3 and the highest is A7 — I already those crap! You didn't need to tell me like I'm in grade one."
"You're saying that but you're not even skilled at using the bow; it requires control in how you hold it and how you draw it across the string!"
Namumula na ang magkabilang-pisngi ni Lucita dahil sa pagpipigil ng matinding emosyon. "That's it! I don't want this anymore!" Masama ang tingin na tumalikod siya at itinago muli ang violin sa lalagyan.
Nagulantang si Alexei nang makitang nag-walk out siya. "W-Where the hell are you going?"
"I don't want to continue. I give up. Don't follow me," malamig niyang tugon na hindi man lamang lumingon sa lalaki. Basta dire-diretso lamang siyang lumabas ng bahay at hindi na inintindi ang pagpipigil nito. Wala nang pakialam pa si Lucita. Kahit isumbong pa siya nito sa kaniyang ama at mapagalitan siya mamayang gabi ay balewala na sa kaniya.
Gusto niyang makatakas sa sitwasyon. Hindi niya maunawaan kung bakit tinanggap ng kaniyang ama ang dayuhan gayong alam nito ang damdamin niya kay Paulita. Alam nito ang damdamin niya sa Amerikanang pangalawang asawa ng ama. Alam nito ang damdamin niya sa mga dayuhan na minsan na ring nagtangkang sirain ang kaniyang buhay.
Naikuyom ni Lucita ang mga kamay habang patuloy pa rin sa paglalakad. Pilit na binabaon ng isip ang masasamang alaala ngunit hindi niya mapipigil ang daloy ng puso. Ang tunay niyang damdamin ay kusang lumalabas.
Dinala siya ng mga paa sa baybaying dagat. Hindi niya alam kung bakit. Maaaring hinahanap ng kaniyang isip at katawan ang kapayapaan na matatagpuan lamang niya sa kagandahan ng kalikasan. Sinamyo niya ang malakas na ihip ng hangin at dinama ang paglapit ng tubig dagat sa kaniyang mga paa.
***