Kabanata 8 : Filipino Cuisine

1407 Words
Gabi na nang makauwi sila sa kaniya-kaniyang tahanan. Hinatid pa niya si Lucita sa kanilang bahay sapagkat nag-aalala siya na baka tumakas muli ang dalagita. Sa una ay napagalitan silang lahat ni Nanay Pasing gamit ang barok-barok na ingles. Ngunit nang malaman nitong muntik nang mamatay si Lucita ay bigla itong umiyak at nagtampo. Mapalad din sila sapagkat wala ang ama ni Lucita nang oras na iyon, kundi baka mas malala pa ang inabot nilang sermon. Nang matiyak na ligtas na si Lucita ay nagpaalam na siyang uuwi. Ngunit bago pa man siya makalayo ay ipinaalala ni Nanay Pasing na nararapat siyang bumalik nang umaga kinabukasan. Kinuha ni Alexei ang kalawanging pako sa loob ng kahon. Pinukpok niya ang pako gamit ang martilyo hanggang sa bumaon ito sa kahoy. Inaayos ng mga kabataang lalaki ang bakod na nakapaikot sa mga tents, samantalang ang mga babae naman ay nanguha ng makakain sa gubat. May mga miyembro din na nauna nang bumaba sa Guian upang makipagbarter ng tinapay o magbenta ng mga bulaklak. Hindi pa siya nag-aalmusal. Wala naman siyang makakain sapagkat wala pang sangkap na maluluto ang mga kababaihan. Subalit imbis na magmukmok dahil sa gutom, pinili niyang ituon ang isip sa pag-aayos ng bakod. Napaigik siya nang aksidenteng mapukpok ang kaliwang kamay. Nabitawan niya ang martilyo at ang pakong bumaliko. Hinawakan niya ang daliring nasaktan at sinuri kung may pinsala ang kaniyang kuko. Salamat sa Diyos at hindi naman malala ang kaniyang naging sugat. Natigilan siya sa pagtratrabaho at napatulala sa kagandahang taglay ng paligid. Malapit sa bakod na ginagawa ay ang taniman ng mga bulaklak na sumasayaw sa ihip ng hangin. At dahil dito kaya napakabango ng paligid. Nasabi ni Alexei sa sarili, mas malala ang giyera kaysa sa sitwasyon nila ngayon. Hindi siya umaangal o wala siyang karapatan na magreklamo kahit siya'y nagugutom. Kung kaniyang lubos na iisipin ay mas maayos at payapa pa rin ang buhay nila rito. Kumpara sa ibang bansa na hindi sila nakakaranas ng mahimbing na tulog at walang katapusan ang kanilang pagtatago. Lahat ng miyembro sa kampo ay may nakatalang gawaing nakadepende sa kanilang kakayahan. Ang mga inhinyero ay gumawa ng paraan para magkaroon ng kuryente. Kumuha sila ng mga materyales sa mga lumang motor at kinumpuni upang gawing pansamantalang ilawan ng mga tahanan. Samantalang, ang ilan na may alam sa medisina ay nagsilbing doktor at nars. Minsan may mga Pilipinong doktor din na dumadayo sa kanila para tumulong o magkawanggawa. May mga tao na nakaatas sa pag-iigib ng tubig. Ang mga babae naman ang nagluluto ng pagkain para sa buong distrikto. Iba-iba man ang lahi sa kampo na iyon- Ukrainians, Estonians, Gypsies, Latvians, Armenians, Georgians, Czech at Hungarians. Iba-iba man ang relihiyon- Jews, Orthodox, Catholics, at Christians. Hindi iyon naging hadlang upang sila ay magkaisa. Kaya nga hindi na rin masama ang tumira sa isla. "U tebya ved' yest' rabota?" (You have work right?) Napatingin siya sa lalaking katabi nang magtanong ito. "Da. Moy boss skazal priyti segodnya poran'she, potomu chto po subbotam u uchenikov net zanyatiy." (Yes. My boss said to come early today because the students have no school on Saturdays.) "Vy mozhete uyti, my pozabotimsya ob etom." (You can leave now, we'll take care of it.) "Spasiba." (Thank you) At wala na nga talaga siyang oras para maghintay pa ng almusal. Tumayo siya iniwan ang mga kasamahan para bumalik sa tent upang kunin ang violin case. *** Hindi niya iniinda ang gutom kahit nararamdaman niyang nagrereklamo na ang kumukulong tiyan. Kung kaya niyang tiisin ay titiisin niya sapagkat wala naman siyang magagawa. Ngunit nang makapadpad sa tapat ng mansyon, lalo yatang nag-alburuto ang kaniyang tiyan nang maamoy ang halimuyak ng niluluto sa kusina. "Oh, Alexei. Come here! Good morning!" Si Nanay Pasing muli ang unang bumati sa kaniya. Sinenyasan pa siya nito na pumasok na sa loob. Parang tuod na nahihiya pa siyang sumunod sa ale. Nanatili siyang nakatayo sa pinto ng unang palapag at nakatitig lamang kay Lucita na nakapalumbaba sa lamesa. Tila wala na naman sa wisyo ang dalaga dahil hindi man lamang siya nito binati o tinapunan ng tingin. Nahulaan niyang naghihintay ng almusal ang dalagita. "I think... I came too early." Nag-aalalang tumitig siya kay Nanay Pasing. "Lucita hasn't eaten her breakfast yet." "No! No! Don't mind!" Winagayway nito ang mga palad. "It's okay! You sit here." Tinuro nito ang upuan at inurong iyon. "You eat." Ngunit inaamin ni Alexei na nahihiya siya kaya hindi siya sumunod sa babae at nanatili lamang na nakatanghod doon. "You look like an idiot just standing there, and you will look more ridiculous if you just watch me eat here." Ang panlalait ni Lucita ang gumising sa kaniyang pagtulala. Akala niya ay magbabago ito ng pakitungo pagkatapos ng mga nangyari kahapon pero mukhang natural na rito ang pagiging mataray. "Salamat you rescue Lucita. Pasasalamat ko ini ha imo, pakadaog mo liwat it kaon para ha imo pamilya pag-abot mo ha balay," sabat ni Nanay Pasing habang inilalapag ang mga putahe sa lamesa. Hindi na niya naunawaan pa ang sinabi ng Ginang dahil tila nakalimutan na nitong mag-ingles. Mabuti na lamang at isinalin ni Lucita. "This is how Nanay Pasing express her gratitude. Don't forget to bring food for your family when you go home." "So sit here, no shy," pagpupumilit pa rin ng Ginang na hinila na ang binatilyo at sapilitan na pinaupo sa harap ni Lucita. "Have fun. Eat many." Nais niyang matawa dahil para itong umaaktong ina niya. Nahihiya man ngunit naramdaman niya muli ang pagkulo ng tiyan. Kimi siyang ngumiti. "Thank you." "Okay na, stay there. Me go to second floor," tugon naman ng ginang at masiglang umakyat sa ikalawang palapag. Nang mawala ang ginang ay bumaling siya kay Lucita na tahimik lamang na kumakain. "Where's Paulita?" "She's still sleeping. The annoying brat is not a morning person," mono-tone nitong sagot. "Do you hate your sister?" Kumunot ang noo niya dahil sa pagtataka. "I already mentioned it yesterday. I don't hate anyone; I just don't like a lot of people. There's a difference." May sasabihin pa sana siya ngunit naramdaman niya ang sikmura. Kaya hinawakan na niya ang kubyertos at kutsara na nakalapag sa gilid ng pinggan. Ngunit natigilan siya sapagkat hindi siya sanay na gumamit nito. Habang lumalamon ay napatitig si Lucita sa lalaki at nangunot ang noo nang mapansin na mukhang hindi nito alam kung anong gagawin. "You don't know how to use spoon and fork?" Gustong matawa ni Lucita nang makitang pabalik-balik ang tingin ng Russian sa dalawang hawak nito. "No. Of course I know how to use this. Its just... we usually use knife and fork as our utensils. It's my first time using spoon and fork." Matamis itong ngumiti sa dalaga. "It's like the first time I learn how to use a chopsticks." He's cute. Naisip ni Lucita ngunit madali niyang binura sa isipan at pinagalitan ang sariling budhi. Ano ba itong naiisip niya tungkol sa binata? Hindi siya maaaring mabighani sa angking charisma nito. Iniwas niya ang paningin, walang sinabi at itinuloy ang pagkain. "What is this?" casual na tanong nito na tinutusok ng kubyertos ang putaheng nasa harap. "That's adobo. Here, have some garlic rice, egg and sinigang na bangus soup," aniya na inabot sa lalaki ang isang plato ng sinangag. "I don't know what kind of dishes we have here, but I'm grateful to taste them." "What kind of dishes you have in Russia?" "Oh, there's plenty. We have kasha, blini, smeta, syrniki...." Kitang-kita ang nostalgia sa mukha nito habang kumakain. "But Filipino food is great too." "Of course it is! Anyway, do you prefer coffee or tea? If you want tea, I'll make one for you." "No. Don't bother. I don't have preference," tanggi nito na umiling. "We called this kapeng barako. I'm uncertain if you will like it." Nagsalin siya mula sa takure at inabot niya ang isang tasa ng kape. "But I'm sure that when a person is hungry, everything tastes delicious to them." "Oh come on!" bulaslas nito nang magsimula na naman siyang mang-asar. Hindi na napigilan ni Lucita ang mapangiti nang kaunti dahil nawiwili siyang tuksuhin ang kasama. Ngunit nang tumitig sa kaniya ang binata ay agad niyang binawi ang ngiti at nag-iwas ng tingin. Subalit nahuli ni Alexei ang ngiti na iyon kaya muling nanumbalik ang ngisi nito sa mukha. Kahit papaano, kahit nagtataray pa rin ang babae ay paunti-unting bumubuti ang pakikitungo nila sa isa't isa. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD