Kabanata 4 : Isang Buwan

753 Words
Binigyan sila ng pamahalaan ng cots at mga tent para may matulugan. Inayos rin nila ang mga daan at tinabas ang mga naglalakihang d**o. Sa una ay nahirapan sila lalo pa't karamihan sa kanila ay sanay sa buhay-syudad sa Shanghai. Ngunit sa pagdaloy ng mga araw, nakasanayan na rin nilang tumira sa kampo. Isang buwan ang lumipas at naging mapayapa ang buhay ng mga refugees. Isang buwan ang lumipas nang lumipat ang mga dayuhang Russian sa Tubabao. Isang buwan din ang dumaan na wala pa ring nakukuhang guro sa biyolin ang ama ni Lucita. Malalim na napabuntong-hininga ang dalagita habang nakadungaw sa bintana ng kuwarto. Malalim din ang kaniyang iniisip na para bang nilulunod niya ang sarili sa mga alalahanin. Hawak niya ang biyolin at bow. Katatapos lamang niya sa pagpa-practice ng musikang hindi pa rin niya makumpleto. Napadaan naman si Aling Pasing na patungong kusina. Nagtigilan ito sa paglalakad at nagtatakang tinitigan siya. "Didto ka kita ni Paulita?" (Nakita mo ba si Paulita?) Napatitig siya sa katulong at umiling. "Dire." (Hindi.) "Hain kaya nakadto an bata? Usisa-i na. Basi didto ha gawas." (Saan kaya nagpunta ang bata na iyon? Hanapin mo nga. Baka nandoon sa labas.) At tulad ng inaasahan ni Lucita siya na naman ang uutusan ng babae na hanapin ang kaniyang pasaway na half-sister. Umikot ang mga mata niya paitaas dahil sa kabuysitan bago siya sumunod sa bilin. Inilapag muna niya sa lamesa ang instrumento bago siya lumabas. Malalaki at mabibigat ang mga hakbang na umalis siya sa mansyon saka dumiretso sa hinuhulaan niyang tambayan ni Paulita. Naiinis siya dahil umaalis lagi na walang paalam ang batang babae. Naiintindihan niya kung ayaw siya nitong kausapin pero sana naman ay matuto itong magpaalam kay Nanay Pasing. Nakadadagdag pa tuloy ito sa kaniyang gawain at nakakaudlot sa kaniyang pagsasanay ng biyolin. Bawat yapak niya sa baybaying dagat ay tumatalsik ang mga pino at puting buhangin. Bawat hakbang ay bumabaon ang kaniyang mga paa sa malambot na kalupaan. Nagdadabog siya habang naglalakad. Napahinto si Lucita nang maaninag ang bulto ng kapatid sa hindi kalayuan. Iniharang niya ang mga palad sa sikat ng araw at ipinaliit ang awang ng mga mata upang makita ito nang mabuti. Napaawang ang kaniyang bibig nang mapagtantong si Paulita nga iyon ngunit hindi nag-iisa ang batang babae bagkos may kasama itong tatlong batang lalaki. Lakad-takbo siyang lumapit upang pagalitan ang kapatid. "Paulita!" Gitlang napalingon sa kaniya ang tinawag na para bang nakakita ng multo. Naudlot ang paghahanap ng mga ito ng kung ano sa buhangin at napanganga habang nakatingin sa kaniya. Batay sa kutis at kulay ng buhok ng tatlong batang lalaki, nahulaan ni Lucita na mga Russian ang mga ito. "Who's that?!" tanong ng isa kay Paulita. Kayumanggi ang kulay ng buhok nito. Pamilyar kay Lucita ang bughaw na mga mata nito, na para bang nakita na niya ito dati. Ngunit bihira makapagsalita ng English ang mga refugee kaya bago ito kay Lucita. "She's my sister. Here Mish, take this newspaper with you." Inabot agad ni Paulita ang hawak na dyaryo sa kaibigan. "Tell your brother to try it." Nang tumapat si Lucita sa harap ng kapatid ay marahas niyang hinablot ang braso nito. "Youre not supposed to talk to people like them!" Halos kaladkarin niya si Paulita habang nagtatakang pinapanood lamang sila ng tatlong batang lalaki. Parang napahiya naman ang batang babae na binawi ang mga braso. Natigilan silang dalawa sa paglalakad. "Why? Whats the difference between us? You treat me like an outsider too. So do not tell me what I supposed to do!" sagot nito saka nilagpasan siya. Tinakbo nito ang daan pabalik sa mansyon. "You're right, you're just like them. But you should ask permission from Nanay Pasing before you leave. Dumbass!" pahabol pa niyang pang-aasar na hindi na pinakinggan pa ni Paulita. Bumalik ang tingin niya sa tatlong batang lalaki na naghahanap ng shell sa dalampasigan. Parang may pumiga sa puso niya nang makita ang mga inosenteng pagtitig ng mga ito. Sa ayos ng mga itong ipinagkait ng karangyaan, kitang-kita ang hirap ng buhay sa mga mukha nila. Sapagkat napagtanto niyang hindi naglalaro ang mga ito sa buhangin, ngunit naghahanap ng mapagkakakitaan o maaari ding naghahanap ng makakain. Mali siya. Hindi sila magkatulad, sapagkat si Paulita ay nabigyan ng oportunidad at magandang buhay ngunit sila ay hindi. Tila napahiya sa sarili na siya ang unang nagbawi ng tingin. Ayaw niya sa mga dayuhan ngunit mali pa rin na kamuhian ang mga bata na walang kamuang-muang. Tumalikod siya at walang sinabi na lumisan. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD