66 years ago
Nakakahalinang himig ang maririnig na nag-e-echo sa apat na sulok ng kuwarto. Malumanay ang paggalaw ng kaniyang kamay at braso habang mabagal ding kumikiskis ang violin bow sa kuwerdas ng instrumento.Makikita sa kaniyang mukha ang kasayahan sa pagtugtog sapagkat maayos ang kanyang paglalaro sa mga nota.
Ngunit bigla siyang natigilan nang magkamali ng pagtipa. Kinagulat niya ang pagkasira ng daloy ng musika na para bang may nahulog o nabasag na baso. Nasaktan ang kaniyang pandinig sapagkat napakapangit na tunog ang nilikha ng maling nota
Ibinaba niya ang hawak na bow at violiin. Dumako ang mata niya sa music sheet na nakapatong sa stand upang masuri kung saan siya nagkamali. Agad na napawi ang ngiti niya sa labi at napalitan ng malaking simangot. Ano pa ba ang kaniyang inaasahan? Hindi pa rin niya galamay ang musikang pinatutugtog.
Napabuntong-hininga siya at napasapo sa sariling noo. Naramdaman niya ang dissapointment sa sarili dahil kahit matagal na niya itong tinutugtog ay hindi pa rin niya ito maperpekto. Gustong-gusto niyang makabisado ang mga komposisyon na tinugtog ng yumaong ina sa Manila Symphony Orchestra (1926). At isa sa mga musikang ito ay ang Ave Maria ni Francisco Santiago.
Ngunit kahit anong pagsubok o pagsasanay niya ay lagi pa rin siyang nagkakamali.
"You need a music teacher, sister."
Napalingon siya nang marinig ang boses ng nakababatang kapatid. Nasa tapat ito ng pinto at nakapamaywang. May hawak itong nirolyong diyaryo at kung umasta ay parang matanda na kahit pitong taong gulang pa lamang. Makikita sa maputing kutis nito, matangos na ilong at mamula-mulang pisngi ang dugo ng pagiging dayuhan.
Tumaas ang isang kilay niya at tinarayan din ang batang babae. "Maraot ka! Bakit ka na naman nandito? Saka ano naman 'yang hawak mo, inday?"
Lumapad ang mapang-asar na ngisi sa mukha ni Paulita. "Dad already published his new issue," anito at binuklat ang hawak na dyaryo saka itinapat sa kanya ang nakasulat na headline.
"President Elpidio Quirino Accept Russians Refugees"
Nabasa niya roon ang malalaking mga titik at sa ibaba ng titulo nakalagay ang pangalan ng kaniyang ama — Ricardo Garcia aka Carding Garcia. Ang kaniyang ama ay isang batikang mamamahayag ng isang kilalang peryodikong Ingles. Naging international journalist din ito sa Amerika noon.
"Bagong artikulo ni Amay?" untag niya sa batang babae at hinablot ang hawak nitong newspaper.
"According to the article, Russians will visit here," simula ni Paulita na lumapit sa kaniya. Hindi niya pinansin ang kapatid at nagpatuloy lamang siya sa pagbabasa ng impormasyon.
"The Philippines: A Beacon of Hope for Russian Refugees
A revolution is currently unfolding in Russia, known as the Bolshevik Revolution, led by Vladimir Lenin. However, not everyone supports this movement—opposing forces, composed of civilians and soldiers, have formed the White Russian Army in an attempt to resist the revolution.
Unfortunately, the White Russian Army was defeated in battle, forcing its members to flee to various countries. Some sought refuge in Eastern Russia, while others escaped to China.
Tragically, turmoil also erupted in China. Under the leadership of Mao Tse-tung and the Red Army, the country was invaded by communist forces. With the threat of war looming, the Chinese government expelled Russian refugees from its territory.
While some were forcibly sent back to Soviet Russia, others met a grim fate—executed by Chinese communists.
In the midst of this crisis, Colonel Gregory Bolgoff, leader of the Russian immigrants, reached out to the International Refugee Organization (IRO) for help. The IRO, in turn, appealed to various nations, seeking temporary asylum for the displaced Russians.
But no country answered their plea. Most nations were still recovering from the devastation of World War II and were in no position to take in refugees.
Yet, amid global indifference, one nation stepped forward—a country that showed compassion, extended its hand, and gave hope to the helpless.
That country was none other than the Philippines."
Nang mabasa ni Lucita ang buong artikulong sinulat ng ama, bumaling siya sa bunsong kapatid.
"Hindi pupunta rito ang mga Russians para dumalaw. Nandito sila para pansamantalang tumira." Inihagis niya ang hawak sa kapatid at nasalo naman iyon ng huli.
"Piste yawa! Kailan ba matuto tayong mga Pilipino? Hindi ba't nag-umpisang magkanda-letse-letse ang bansang ito dahil sa mga dayuhan? Katatapos lang ng pananakop ng mga hapon at hindi pa nga tayo nakakabangon sa ginawa nila... tapos may balak pa tayong mag-ampon ng mga dayuhan?!"
Itinaas niya ang paningin at dalawang kamay sa langit na para bang humihingi siya ng saklolo sa May-kapal.
Umirap si Paulita at umismid. "I can't believe you're still bitter about that. That was a long time ago."
"Long time ago?" Naputol ang pisi ng pasensya ni Lucita dahil sa sinabi ng bata. Iritadong napalingon siya rito. "Wala ka kasing alam! Mapalad ka at nasa America ka noong panahong binomba ng mga Hapon ang Manila! Bakit kasi umuwi ka pa rito? Dapat sumama ka na lang sa Mama mo sa ibang bansa."
Sumama ang tingin ni Paulita. "That's out of line, sister."
"Don't call me sister, please. I can't even consider you a Filipina."
"But I'm half Filipina! I can speak a little bit of Tagalog."
"Yeah right!" sarkastikong tugon niya na umirap.
"You're racist! I hate you."
"Likewise! Go away! Just leave, peasant." Pagtataboy niya sa batang babae at tinuro pa ang labas ng bintana.
Namumula at nangingilid ang luha ni Paulita dahil sa sobrang inis, gayunman hindi nito magawang manalo sa pag-aaway nilang magkapatid. Nag-iwan ito ng irap bago tumalikod at nagdadabog ang mga paa na lumisan sa harap niya.
"Heh!" Napangisi na lamang siya dahil kaligayahan niyang ma-bully ang tinuturing niyang kapatid sa ama.
Saktong pag-alis ni Paulita ay siya namang pagdating ng kanilang katulong na may bitbit na meryenda. Nakasalubong ni Aling Pasing ang batang babae at napansin agad ang nakasimangot nitong mukha.
"Paulita, saan ka pupunta?" tanong nito ngunit hindi na nilingon ng kaawa-awang paslit.
Nakanganga na bumaling ang Ginang kay Lucita at nakita agad ang nang-aasar na ngisi sa mukha ng dalaga.
"Unsa imong gibuhat pag-usab? Nag-away na sab mo unsa? (Ano na naman itong ginawa mo? Nakipag-away ka na naman ano?) " usisa agad ni Aling Pasing. Hindi na naman ito makapaniwala sa inasal ni Lucita. Napailing ang matandang babae na para bang nadismaya sa nasaksihan.
Ngunit sadyang matigas talaga ang ulo ni Lucita. Walang paki na nagtaas lamang siya ng isang kilay at nagtaray na sumagot sa babae. "Sala niya kay siya ang nag-una. Mianhi siya dinhi sa akong kuwarto nga walay pagtugot kanako." (Kasalanan niya dahil siya naman ang nauna. Pumunta siya rito sa kuwarto ko kahit walang pahintulot.)
"Senyora Lucita!" pagtutol nito na tumaas ang tinig.
Napakislot siya dahil kinagulat niya ang biglaang pagsigaw ng katulong.
"Dili ka angay nga molihok nga ingon niana! Niingon sab ang imong amahan nga samtang wala siya, atimanon nimo ang imong igsoon.' (Hindi ka dapat ganyan umasta! Sinabi rin ng ama mo na habang wala siya, ikaw ang magbabantay sa kapatid mo.)
"And how did she become my responsibility?!" Hindi niya intensyon ngunit lumabas sa bibig niya ang init ng ulo.
Halos umusok ang ilong ni Aling Pasing dahil sa pagtataas ng kaniyang boses. Iritadong inilapag muna nito ang dalang tray ng meryenda sa malapit na side table bago bumaling sa kaniya. Itinaas nito ang hintuturo at nanlalaki ang mga matang pinagalitan siya.
"Hoy, wala kay respeto! Ayaw ko himoa nga English-English. Pisti yawa!" (Hoy, wala ka nang respeto ah! Huwag mo ko ma-english-english.)
At nang makita niya ang namimilog na mga mata ng babae ay natameme siya. Alam niyang mapapalo na naman siya sa puwit kapag hindi siya tumigil sa pagsagot dito. Nayayamot na nagyuko siya ng ulo pero nasa mga mata pa rin ang pagrerebelde.
"Miingon ang imong amahan nga bantayan nimo si Paulita samtang wala pa siya sa balay? Gusto ba nimong panguyaban pag-usab sa imong amahan?" (Sinabi ng ama mo na ikaw muna ang magbantay kay Paulita habang hindi pa siya nakakauwi. Gusto mo na naman bang mapagalitan ng ama mo?)
Hinayaan na lamang niya ang pagpuputok butsi ng babae. Pinilit niyang magtaingang-kawali sa panenermon nito. Ganito talaga si Aling Pasing kapag binuka ang bibig ay parang armalite na walang tigil na puputok. Kahit anong iwas ay matatamaan ka ng mga bala ng masasakit na salita.
"Dali! Sige, pangitaa didto si Paulita. Mibiya na sab siya sa balay tungod sa kalagot nimo. Kon mahibaw-an sa imong amahan nga gipalayas nimo siya, iya kang sagpaon nga tagduha-duha." (Hala! Sige, hanapin mo roon si Paulita. Lumabas na naman siya ng bahay dahil sa pagkainis sa 'yo. Kapag nalaman ng ama mong pinalayas mo siya, hahambalusin ka n'on ng dos por dos.)
Napabuntong-hininga si Lucita. Bakit yata baliktad ang nagaganap? Imbis na siya ang mag-utos sa katulong, siya ang inuutusan nito? Hindi ba't siya ang anak ng amo at may-ari ng bahay? Gayunpaman, nirerespeto niya ang matandang babae. Tinuturing niya itong hindi iba sa kanila. Sa totoo lamang, ito rin ang tumayo niyang tunay na magulang. Sapagkat nang pumanaw ang kaniyang ina at umalis ang kaniyang ama sa ibang bansa, naiwan siya sa poder nito at ito ang nag-aruga sa kaniya.
"Unsa pay imong gihulat? Pasko? Pagpangayo ug pasaylo kang Paulita ug ibalik siya dinhi," (Ano pa hinihintay mo? Pasko? Humingi ka ng tawad kay Paulita at ibalik mo siya rito.) may diin nitong bilin.
"Nanay Pasing naman eh!" Halata sa paggalaw ng binti niya ang pagtutol sa utos nito.
"Ayaw ako mama niana. bunalan gyud ko nimo.Sige na nga! Sunda ang akong mga sugo. " (Huwag mo kong ma-nanay pasing diyan. Papaluin talaga kita. Sige na! Sundin mo utos ko.)
Ayaw man ng puso ay minabuti na lamang niya na sumunod sa utos nito. Mabibigat ang yapak ng mga paang lumabas siya sa kuwarto upang sundan ang nakababatang kapatid.
Nang makalabas ay napabuntong-hininga siya at huminto muna sa gate ng bahay. "Ako rin ang yari kapag hindi ko naibalik dito si Paulita. Kainis naman!" aniya sa sarili, "Saan naman kaya nagpunta ang batang iyon?"
***
Alam ni Paulita ang totoo. Alam niyang matapat sa damdamin ang nakatatandang kapatid at hindi ito magpapanggap sa harap niya o sa harap ng mga magulang niya. Tunay na kinasusuklaman siya nito at araw-araw nitong pinapakita sa kaniya na kahit na kailan ay hindi siya nito matatanggap.
Ngunit kasalanan ba niya? May kapangyarihan ba siya upang pumili kung sino ang magiging magulang niya sa mundo? Kung saan siya ipanganganak? At kung saan lahi siya mabibilang?
Nagdiborsiyo ang kaniyang ina at ang kaniyang ama. Hindi niya alam ang dahilan ng sigalot ng relasyon nila. Sa una ay tumutol siya subalit buo na ang desisyon ng mga nakakatanda na tapusin ang walang saysay nilang relasyon. Pumayag siyang manatili sa poder ng ina sa America ngunit kalaunan ay nagbago ang daloy ng mga pangyayari. Sapagkat ang ina niya sa ibang bansa ay may iba nang kinakasama at tuluyan na siyang napabayaan ng tagapag-aruga.
Nang malaman ng ama niya ang kaniyang suliranin, kinuha siya nito mula sa Amerika at dinala siya sa Pilipinas.
At dito nga niya nakilala ang nakatatandang kapatid na si Lucita.
Inaamin niya na nag-aaral pa lamang siya ng Tagalog at Waray. Hindi pa siya ganoon karunong sa dalawang wika. Ngunit hindi naman siya nahirapang makipag-komunikasyon sapagkat marunong sa Ingles ang karamihan ng mga Pilipino.
Ngunit sinabihan siya ni Lucita na dapat pa rin siyang matuto.
At sinabi rin nito na hindi siya tunay na Pilipino dahil hindi siya marunong ng dalawa o tatlong wika.
Kumurot ang isang bahagi sa puso ni Paulita. Napatigil siya sa paglalakad at napatingin sa pinong buhangin na sumusuot sa pagitan ng kaniyang tsinelas at paa.
"Where should I be if I don't belong in the Philippines or America, respectively?" bulong niya sa sarili at napagtantong wala siyang mapuntahan. Walang may nais sa kaniya.
Nag-init muli ang mga mata ni Paulita at hindi niya namalayang nagsipatakan ang mga butil ng luha mula sa kaniyang mga mata. Maagap niyang pinawi ang mga ito at pinunasan ng braso.
"Don't cry. Papa said he likes strong women." Pinakalma niya ang sarili.
Naudlot ang sentimento niya nang marinig ang busina ng barkong paparating. Inangat niya ang mukha at tinitigan ang dulo ng karagatan. Natanaw niya ang isang malaking barko na malapit sa isla ng Manicani. Nahulaan niyang padaong na ang sasakyan ng mga Russian sa lugar na nabanggit.
***