Kahit pa ilang minuto na ang lumipas, nakapako pa rin ako sa kinatatayuan habang pilit na inaanalisa kung ano ang maaaring sunod na gawin. Naroon pa sa sahig na pinagbagsakan si Franco na may bahid ng pagkagulat at galit ang mukha. Samantala, nanatili naman si Kairus sa tabi ko, binabato ako ng mga matatalim na titig. Ilang beses kong pinilit magpaliwanag pero pilit lang akong inilalayo ni Kairus sakanya. Patagal nang patagal ay para akong sinasakal ng takot. Hindi makapaniwalang umiling-iling ang asawa bago patakbong tinungo ang pinto. Akmang hahabulin ko ang lalaki nang higitin ni Franco ang kamay ko. “Be with me, Eilythia.” Buong lakas kong pinalis ang nakapandidiring kamay ng lalaki. Hindi ko na pinili ang magsalita, bagkus ay hinila ko ang lalaki papalabas ng pinto. Hindi ko ha

