“Franco,” may bahid ng takot kong sabi. I’ve been with the guy ng halos tatlong taon noon but I’ve never seen him this mad. Halos umusok pa ang mamula-mula na nitong mata sa sobrang galit. “Franco, anong ginagawa mo—” Hindi ko na nanagawang tapusin ang sinasabi dahil sa mahigpit na paghila sa akin ng lalaki papasok sa loob ng unit. “Anong ginagawa ko? Now, you are asking me that?” singhal nito sa akin. Inalala ko pa ngang baka magising si Eilyjah sa ingay noon. “I am protecting what’s mine!” Para kong nabuhusan ang napakalamig na tubig sa narinig. He’s protecting what’s his? Hindi ko ata nasusundan ang mga sinasabi ng lalaki. “Sinabihan nakita, hindi ba? Hindi ka pwedeng maging malapit sa lalaking iyon. Hindi natin alam kung anong mga plano o motibo niya sainyong mag-ina. But no loo

