Hindi ang pagkamatay ng bunsong anak ang tatapos sa buhay ni Eilythia. Hinid niya hahayaang mabaon sa limot ang lahat ng hirap na napagdaanan ng anak dahil lang sa kakulangan ng ebidensiya ng mga kapulisan. Ang hindi lang niya maintindihan ay iyong sa dinami-raming taong pwedeng madamay, anak pa niya ang napagtuunan nila ng pansin.
Aleeyah is a seven-year-old kid. Bumubuo pa lang ito ng pangarap at mas kinikilala ang mga gusto at ang sarili. How can they do that to a child na ni hindi pa nga alam at walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari?
After a week, Eilyjah had successfully woke up. Ilang buwan ding nanatili ang bata sa ospital para makapagpagaling. But then, alam ng mga ito that Eilyjah will never be the same jolly boy they knew. Nakagawa mang maka-survive, hindi magawang maatim ni Eilythia na pagmasdan ang anak. Buhay nga ito pero para namang tuloy-tuloy na pinagsasasaksak ng kung sino ang puso niya tuwing nakikita niya ang anak.
Eilyjah developed a dissociative amnesia dahil sa insidente. He has inability to recall important memories caused by his trauma. Paggising ay wala na itong iba pang naaalala tungkol sa nangyari kaya’t hindi lalam ng mga ito kung dapat bang ipagpasalamat ang bagay na iyon. Their child has suffred a lot as well at sa insidenteng iyon ay para na rin silang nawalan ng dalawang anak.
“Jeogiyo.” Excuse me. Walang pagdadalawang isip na nilapitan ni Eilythia ang unang babaeng nakita nang makapasok sa Incheon International Airport. Sa b****a pa lang ay halos malula na siya sa takot pero mas tinatagan niya ang loob niya. “Hwajangsili eodieyo?” Where’s the comfort room?
Her own mission for herself and for her children is to become undercover. Siya na mismo ang nagdesisyong magpunta rito matapos makakuha ng sapat na impormasyon kay Sierra. Sa loob ng bag na dala ay naroon ang mga report ng nasabing insidente, ang kakulangan ng ebidensya at ang mga bagong balita at mga nadidiskubre ng kapulisan.
She can’t wait that long. Hindi siya manonoood lang at tutungagnga habang iniiyak ang pagkawala ni Aleeyah at ang simula ng paghihirap naman para kay Eilyjah.
Noon pa man, ikinintal na niya sa isip na gagawin niya ang lahat para maprotektahan ang mga anak. Pero hindi, at the end of the day, she can’t protect them.
Nagawa niyang matulungan ang mga taong dumalo sa event ng foundation ng araw na iyon pero hindi niya nagawang matulungan at maprotektahan ang mga anak.
Kanino niya dapat isisi ang nangyari? Sa sarili niya. She wouldn’t blame anyone. Wala itong ibang kinagagalitan kundi ang mga taong involve sa pananakit at pagpatay sa mga anak niya.
Mabilis siyang hinarap ng babae at saka binati, “Jeogi,” Over there, sagot nito bago ituro ang daan papasok sa isang pasilyo sa lobby ng airport na iyon.
“Dowajusyeosseo gamsahabnida.” Thank you for your help.
Dali-dali niyang tinungo ang banyo saka bahagyang inayos ang sarili. Ang ngayon nang makinis na mukha ang bumungad kay Eilythia.
Isang buwan pa lang ang nakakaraan nang gawin niya ang bagay na hindi na niya inisip na magagawa pa. Sa tulong ng isang dermatologist, nagliwanag mula ang napakagandang mukha ni Eilythia. But then, it wasn’t for any casual things kundi kasali iyon sa plano niya.
She’ll catch the culprit herself.
Malaki ang ipinayat ng babae. Sa ilang buwang nakalipas ay parang nakasanayan na nito ang hindi pagkain ni isang beses sa isang araw. Makakakain lang ito kapag marahas na siyang tinungo ni Sierra at pinilit sa pagkain.
Hindi pumayag si Kairus sa bagay na sinabi ni Eiilythia. Malinaw sa lalaking hindi nito gusto ang mawala pa si Elle sakanya. In times like this, they must stick with each other dahil mas pag-iinitan pa sila ng mga kalaban. Pero hindi nito basta-basta makokontrola ang babae pati na ang mga desisyon nito. In fact, she has the right to decide for what is better.
Malaki ang naging kasalanan at pagkukulang ni Kairus noong araw na iyon. Hindi dapat siya nalingat. Hindi dapat niya inalis ang tingin sa mga anak.
Totoong hindi natuloy ang annulment na hinihingi ng babae pero iyon na ang huling beses na nakita nila ang isa’t isa.
Bumalik at nagpalipas ng oras si Eilythia sa probinsiya habang isinasagawa ang plano. She has no plans of going back as soon as they’ve wanted. Masakit man sa loob na kailangan niyang iwan ang nag-iisa na lang ngayong anak ay kukunin na nito ang lahat ng pagkakataon, makapaghiganti lang ito sa lahat ng kabilang sa insidente.
She has to make all her plans right.
Natigil ang pag-iisip nang tumunog ang hawak nitong telepno. Napabuntong-hininga na lang si Eilythia nang bumungad ang pangalan ng kaibigan sa screen noon. “What?”
“Anong what? Ang siste mo, para kang namalengke lang sa talipapa!” Bahagya niya pang inilayo ang cellphone sa tainga dahil sa malakas na sigaw ni Sierra.
This girl. . . ilang taon na silang makakilala, dumami na ang mga kaibigan nila pero na sakanya pa rin ang pokus nito.
“Are you insane? You told me to buy you food. Pinapunta mo ako rito sa bahay niyo pagkatapos ng trabaho ko tapos wala akong madadatnan. Tinuloy mo, ano?” Hindi na kailangan pang magsalita ni Eilythia. “Talagang nagpunta ka sa South Korea? You’re unbelievable!”
“Napag-usapan na natin ‘to, Elle! What happened to ‘we’ll wait for the right time’?”
Inantay niyang matigilan ang kaibigan bago ibinuka ang bibig. “Sorry, Sie. Alam mo kung gaano ko kagustong malaman ang lahat. Hindi ako pwedeng umupo lang knowing na nakakatawa pa ang may pakana. Hindi ako matatahimik.”
Malalim na hininga ang pinakawalan ng kaibigan. “So, you want to do that, huh? Iyan ang gusto mo? Paano si Eilyjah? Ano ba? Nag-iisip ka pa ba Eilythia? Nawala na si Aleeyah, nawawalan din ba ang nanay si Ja?”
Iyon na nga ba ang ayaw niyang marinig. Her friend is guilt tripping her. Alam nito kung anong mga salita ang gagamitin para mabago ang isip niya. “I’ll be back! Para rin naman sakanya itong ginagawa ko so my Ja will surely understand. It’s for his safety,” paliwanag pa ni Eilythia. Kontrolado ang boses nito lalo pa’t hindi niya gamay ang lugar.
“Then the police will surely do something–”
“Gaano katagal? Ni hindi nga natin siguro kung pagtutuunan pa ba ng pansin! Kulang ang ebidensiya, sooner or later magiging cold case ang kaso ng anak ko! I won’t let them do that!” Naging matalim ang tingin ni Eilythia sa sarili gamit ang salamin. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kakayanin ang magpigil.
“We. . . we could definitely hire private investigator or even detectives! Ano ba, Elle? Bumalik ka rito–”
“We’ll do that. We’ll hire plenty of them. Pero, Sierra, hindi pa rin ako babalik. I want to see all of them. I want to see them suffer!”
Hindi na niya inantay na sumagot pa ang babae sa kabilang linya. Dali-dali nitong pinatay ang tawag at lumabas sa comfort room.
Nang maramdaman ang malakas na pagkalam ng tyan, pumasok ito sa unang coffee shop na nakita. Hawak sa kanang kamay ang address ng unang lugar na kailangan niyang puntahan para sa unang araw ng pagsasagawa ng plano—her first lead.
Ang IC Hotels.
Dito nagsimula ang lahat kaya sa lugar na iyon din siya magsisimula.
Impit siyang napasigaw nang matapilok sa pinakababang palapag ng hagdan ng shop dahilan para mabitawan nito ang hawak na papel. Swerte na lang na maituturing na nahawakan siya ng isang matangkad na lalaki. Malaki ang pangangatawan nito at seryosong-seryosong ang awrang hatid.
Mabilis siyang umayos nang pagkakatayo at bahagyang yumukod sa lalaki. “Mian hamnida.” I apologize.
Mauubusan ata siya ng mga salitang inihanda para sa araw na ito. Marahang napabuntong-hininga ang babae bago maingat na ihakbang ang mga paa palayo. “Nakakapagod,” mahinang daing pa nito.
“Eilythia?”
Kaagad ay nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. It was from the man who helped her. Ngingiti pa lang sana ito nang mapagtantong kilala siya ng lalaki.
Mabilis niyang hinalukay ang isip. A man who’s in his late 30s, approximately nasa 5'11 ang tangkad, maputi. . . Pamilyar nga ang lalaking ito sakanya.
Nakita na niya ito kung saan. . . sa TV? Nagcheck-in kaya ito sa hotel ng H&H? School ng mga anak?
“Franco?” wala sa sarili niyang gagad. Paano niya nagawang makalimutan ang bagay na iyon? Nakasama niya nang matagal ang lalaki, naging kaibigan niya ito at itinuring na ring parang pamilya.
Hindi halos makapaniwala si Franco na makikita niya ang babae. It was indeed a very long time. Kung hindi nga nito tititigan nang maayos ang mukha ng babae ay hindi na niya ito makikilala pa. Malawak ang naging ngiti nito kay Eilythia na hindi pa rin magawang makapanilawa sa biglaang pagkikita. “Anong ginagawa mo rito?”
***