Kabanata II

1417 Words
The day of the incident Kairus’ Hernandez POV “Elle, pwede ko ba talaga silang isama? I can assure their safety pero syempre mas okay pa rin iyong nandito sila sa bahay,” paliwanag kong muli sa asawa sa kabilang linya dahil sa biglaang pangungulit ni Aleeyah. Ayon sa bata, gusto raw nitong sumama sa victory party na gaganapin sa H&H Hotel – Main. Ang totoo niyan ay napag-usapan na naming iyon kinagabihan kasama si Eilythia. Kagabi pa nagpupumilit ang bata pero hindi lang iyon pinapansin ng ina kaya wala rin akong magawa. Ngayon tuloy ay sa telepono lang kami nag-uusap. “Sinasabi ko na nga bang mangungulit ang batang iyan,” sagot ng asawa ko. Sa pitong taong kasama naming ang bata ay gamay na gamay na naming ang kilos nito. Alam naming hindi ito titigil hangga’t hindi nakukuha ang gusto. “Paano ba ‘to?” Sa tinagal-tagal ng panahon na magkasama kami ni Elle, hindi ko mapigilang araw-araw mamangha sa asawa. She has this talent of making all her decisions right. Nakaka-proud lang lalo pa’t kayang-kaya nitong saluhin ang lahat ng pagdadalawang-isip ko. “Mommy! Please! My friends are going. I want to play with them!” Tuluyan na ngang naagaw ni Aleeyah sa akin ang telepono. Sa magkapatid, si Aleeyah talaga ang mas malambing sa amin lalo na kung may hihingiin itong pabor. She’s most likely to make friends with everyone dahil si Eilyjah ay paniguradong mas gugustuhin lang manatili sa bahay, magbasa at mag-aral. Magkabaliktad ang dalawa pero pantay ang ibinibigay kong pagmamahal sa mga ito. I love them with all my heart. Hinding-hindi ko ata kakayaning mawala sila sa buhay ko, ang buong pamilya. “Pero, Alee, you can’t go there to play. I-resched na lang natin iyong laro ninyo ng mga kaibigan mo.” Hindi ako pinansin ng anak na babae. Nagtuloy-tuloy lang ito sa pakikipag-usap sa ina sa telepono. Somehow, nakampante na rin ako. Mas kaya siyang i-handle ni Eilythia kaysa sa akin. “Mommy!” Rinig ko pang sabi nito, mariin na ang pagkakakunot ng noo. “Hans is coming. Dapat din po akong magpunta!” “Who’s Hans?” Hindi ko na napigilang muling makisabat. As usual, hindi ako ulit pinansin ni Aleeyah kaya laking pasasalamat ko na lang sa biglaang pagsasalita ng anak na lalaking prenteng nakaupo sa sofa. “Her celebrity classmate s***h crush.” “Aleeyah? Anong crush-crush?” Pakiramdam ko ay naghuramentado ako sa sandalling iyon. Natawa na lang ang anak kong siyam na taong gulang na, si Eilyjah. “I warned her already,” walang ganang sabi ng anak. Napabuntong-hininga na lang ako at tahimik na inantay matapos sa pag-uusap ang mag-ina. Sooner or later, makakagawa na ng desisyon si Eilythia at iyon syempre ang susundin ko. Ang totoo, wala namang problema kung isasama ko ang mga anak. Nakahanda naman ang mga bodyguards nito pati na ang mga nanny. Hindi ko nga lang masyadong mapagtutuunan ng pansin ang mga anak lalo pa’t napakaraming bisista rin ang kailangan kong asikasuhin at batiin. Mabuburyo rin naman ang mga ito at siguradong magpapahatid sa bahay. “Daddy! Pumayag na si mommy! I’ll be with Kuya Jah!” Parang nanalo sa lotto ang anak kaya napangiti na lang ako. Ganoon naman talaga si Aleeyah, she’s very fond of other people kaya ano pa nga ba ang magagawa namin? “What? Pero ayokong lumabas, Dad!” hindi naman pagsang-ayon ni Eilyjah. Sinenyasan ko muna itong tumigil sa pagsasalita bago itapat ang cellphone sa tainga. “Baby?” tawag ko sa asawa. “Kai, baby, pabayaan na muna natin si Alee. Sigurado, magsasawa rin naman ‘yan. Pasensya ka na muna. I’ll make sure na humabol na lang para makatulong,” gagad ni Eilythia. Napangiti na lang ako at malugod na tinanggap iyon. “You don’t have to worry, baby. Ako na ang bahala. Mag-ingat ka r’yan. Aasikasuhin ko na muna sila.” Nang maibaba ang tawag, napuno nang ingay ang bahay. Naisali pa ako ng magkapatid sa bangayan na araw-araw atang ginagawa ng mga ito. “Pero ayoko naman talagang sumama, gusto ko rito. Maraming tao kaya masusuka lang ako,” Singhal ni Eilyjah sa kapatid. “Who cares? Basta sabi ni mommy sasama ka kasi wala kang ibang kasama rito sa bahay!” sagot naman ni Aleeyah. Marahan ko na lang nilapitan ang lalaking anak na ngayon ay impit nang nakanguso dahil sa sobrang pagkadismaya. Ganito kasi palagi ang nangyayari. Tuwing may gustong punatahan si Aleeyah ay nadadawit palagi ang kapatid niya. Ayon kasi kay Elle, dapat ay sanayin naming palaging magkasama ang dalawa lalo pa’t malaki ang pagkakaiba nito. Iyon na lang ang magagawa namin para naman magkasundo ang dalawa kahit papaano but I doubt it. “Jah, ikukuha kita nu’ng paborito mong lugar sa hotel. Maraming kwarto iyon kaya you’ll be safe and sound. Kasama rin naman natin sila Kuya Jay mo,” paliwanag ko sa anak. Kahit papaano ay mukhang nakumbinsi ko naman ang lalaki basta kasama ang isa sa mga bodyguard nitong si Kuya Jay para makalaro niya ng videogames. Itinutuloy-tuloy naming ang paghahanda kaya pagkatapos ng dalawang oras ay tahimik naming narating ang hotel. As what I’ve expected, tuwang-tuwa si Aleeyah at halos ma-overwhelm sa dami ng mga batang kakilala. Samantalang si Eilyjah naman ay hindi mapinta ang mukhang halos idikit sa hawak na cellphone. Pagkarating ay nakaayos na ang kwartong gagamitin ng mga anak ko pati na ng mga yaya nito. Sinigurado ko munang maayos ang lugar ng mga anak pati na ang mga plano nilang gawin bago iwan sa mga bodyguards ang pagbabantay. Masyadong busy ang araw na ito sa akin pero isa naman ito sa araw na labis kong pinahahalagahan. Nakuha ng H&H Hotel ang deal mula sa isang US Investor. It was a tricky fight with the IC Hotels from Korea pero nagawa naming makuha ang pabor nila. Dapat lang na ipagdiwang ang bagay na iyon lalo pa’t palapit na rin nang papalapit ang anniversary ng H&H. Una kong hinanap si Daddy na ngayon ay kasama si Ashely at si Brylle. Parehang busy ang mga ito sa kausap nang lumapit ako. Pagkatapos ay naging sunod-sunod na ang taong hinaharap ko. Some of them ay nangungumusta, ang ibang mga kaibigan ay nagpapakuwento sa akin tungkol sa mga anak at kay Eilythia. Ang iba naman ay nakikipagbiruan pa. Talagang ginawa ko ang lahat ng makakaya para mabati at makaharap ang lahat. Pakiramdam ko ay lumiit masyado ang hotel dahil sa bilang ng taong naroon. Hindi ko pa mapapansin ang tinagal nang ginagawa kung hindi ko maramdaman ang pagkirot ng paa dahil sa kakapaikot-ikot at kakalakad. Nang minabuti kong maupo ay saka ko pa lang narinig ang tawag mula kay Eilythia. “Elle?” kaagad kong tanong. “Where are you? Busy pa ba? Kumusta si Dad?” Napangiti muna ako sa sunod-sunod nitong tanong bago sumagot, “Masyadong maraming tao. Tinutulungan na nga ako ni Dad at ni Ashley pero parang hindi maubos-ubos.” Humalakhak ang babae sa kabilang linya. Boses pa lang nito, pakiramdam ko ay nawala ang pagiging pagod ng mga paa. ”That’s great! Anyways, I am on my way there. Tapos na rin ang event sa foundation.” Doon ko pa lang nagawang balingan ang relong suot. Tatlong oras na simula noong makarating kami sa hotel. Tatlong oras na rin akong nagpapaikot-ikot dito. “Siya nga pala, where are the kids? Kanina ko pa tinatawagan si Eilyjah pero hindi sumasagot ang batang ‘yon. Talaga bang pumunta siya r‘yan para maglaro ng videogames?” Nang maramdaman ang pagiging kalmado ng mga binti ay tumayo na ako. “Aakyat ako para magcheck. I’ll tell them you’re on your way,” paninigurado ko pa rito. Hindi naging madali ang paglakad ko paakyat. Sa dinami-dami nang makakasalubong kong kailangang batiin ay halos mapupudpod din ang dila ko. Nasa pinakataas na palapag ang kwartong iyon nila Aleeyah. Ganoon kasi palagi ang sistema tuwing mananatili ang mga ito sa hotel. Ang buong palapag ng 30th floor ay sakanila. Nangingiti pa ako nang paakyat dahil plinano kong kulitin ang mga ito kaya ganoon na lang ang panlulumo ko nang makitang nasa sahig ang lahat ng mga bodyguards na alam kong nakapaligid sa buong palapag na iyon. Walang nagtimbre na may nangyayari at ni hindi man lang nakalabas ang mga baril nito. Nagkumahog akong pasukin ang kwarto kung saan ko iniwan ang mga anak pero wala na akong ibang naabutan bukod sa mga yaya at iilang bodyguards pa na nakahansuday rin sa sahig. Wala ang mga anak ko. Wala si Aleeyah at Eilyjah. Iyon na ata ang pinakanakakatakot na nangyari sa buong buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD