Kabanata XIV

1411 Words
Nakasimangot lang ako sa buong byahe lalo na tuwing hindi nakatingin si Mr. Ji dahil sa tuloy-tuloy na pangungulit ni Franco. Kahit kailan talaga, hindi ko masabi-sabihan ang lalaki ito. Sinayang niya na naman ang pagkakataon kong makakuha ng mas malalamang impormasyon tungkol sa lalaki. “Napakalungkot mo naman,” bulong sa akin ng lalaki mula sa likod ng sasakyan. Kahit kasi nasa passenger's seat na ako ay tuloy-tuloy pa rin siya sa pangangalabit. Hindi ko na lang ito pinansin. Hindi pwedeng masira ang diskarte ko sa lalaking katabi. Bahala muna siya sa buhay niya ngayon. Ito ang nakukuha niya sa pagka-crash sa may plano ng may plano. Ilang oras kaming naglibot-libot sa mga mall, trademarks pati na shoppings streets dahil inisip ko ring bilhan ng mga gamit si Eilyjah. Sa loob ng mga oras na iyon, walang ibang ginawa si Franco kundi ang sumingit sa mga pag-uusap naming dalawa ni Mr. Ji. Nang hindi na makapagtimpi, sandali ko itong hinila palayo sa mesa naming tatlo nang makahanap ng magandang restaurant. Tawang-tawa lang si Franco na siya rin namang nasasabayan ni Mr. Ji. Wala naman sana problema roon, in fact, nakakasabay rin naman ako sa pagtawa. Pero hindi naman iyon ang dapat naming ginagawa. Kinakain ako ng kagustuhang makakuha kaagad ng impormasyon. Hindi ko magawang makapagsaya nang tuluyan knowing na may posibilidad na siya Mr. Ji ang may pakana ng lahat. Pinipilit ko na ngang ngitiian at pakisamahan nang maayos ang lalaki sa ngayon pero hindi ko na maalaman kung hanggang saan aabot ang pagtitimping iyon. “Franco, naman" reklamo ko nang makalayo. Prenteng hinawakan ni Franco ang magkabilang braso ko saka nagpaliwanag. “We need to brighten up the mood. Mukhang nagiging komportable naman siya, Elle.” Hindi ako kaagad na kumbinsi ng paliwanag niya. May punto naman ito kaya lang naiinip na ako. Ilang araw pa ba ang kailangan kong harapin bago ko tuluyang makasama ang pamilya at makabalik sa Pilipinas? “Listen,” dagdag pa ng kaibigan. “Kailangan muna natin ng base, ng foundation. Alam jong gusto mong malaman agad o hindi naman kaya matuklasan ang buong pagkatao ni Mr. Ji pero hindi naman kaagad-agad nating makukuha iyon. We should at least offer him friendship. Kailangang komportable niya in order for him to talk comfortably as well. Hindi pa natin pwedeng ipilit sa ngayon, Eilythia.” Tahimik na lang akong napatango, onti-unting naiintindihan ang lahat. As much as I want to rush these things, wala pa rin naman akong magagawa kaysa mabulilyaso. Wala ng mga magulang si Seo Nam. Katulad ko, naghirap din itong itaguyod ang sarili noong mga unang taong wala ang mga ito. Ayon sa kwento ng lalaki, tunay na naranasan nitong mamuhay ng isang kahig, isang tuka at tuluyang talikuran ang pag-aaral. And yet, naririto siya. Tanyag at isa sa pinakamayamang businessman sa Korea. Totoo ang sinabing iyon ni Franco. Sinimulan lang namin sa pagkukulitan at pahapyaw na pagkukwento, pagkatapos ay naging matabil na rin ang dila ni Mr. Ji. Nagpalitan lang kami ng impormasyon, karamihan sa mga ikinukwento namin ni Franco ay iyong naging buhay rin namin sa Switzerland. Pinili kong ilihim muna rito ang mga anak lalo pa't hindi niya pupwedeng malaman ang tunay kong pagkatao. Sa harap ni Ji Seo Nam, ako si Lee Mi Cha—kailangan kong ikintal iyon sa isip. “yeogi maume deuleyo?” Do you like it here? Nakangiti kong hinarap si Mr. Ji nang minsan kaming maiwang dalawa dahil si Franco ang nagpresintang bumili ng ice cream. Gusto ko nga ba rito? Ang totoo, gusto ko nang makasama ang anak, si Kairus, ang mga kasama namin sa bahay pati ang mga kaibigan. Gusto ko nang araw-araw na makipagkulitan. Gusto kong bisitahin at makigulo sa mga bahay nila katulad ng dati. At hindi, hindi ko gusto ang lugar na ito. Napakamasagana at maganda ang bansa, napakaraming mga lugar na pupwedeng puntahan at welcoming ang mga tao pero tunay na naninikip ang dibdib ko tuwing maiisip na malaki ang posibilidad na IC Hotels ang may pakana ng lahat, ang dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi na muling mabubuo pa ang sarili kong pamilya. This is one of Aleeyah's dream destination. Naalala kong plinano rin naming magbakasyon dito lalo na kapag winter, pero hindi na mangyayari pa iyon. “Ne.” Yes, sambit ko na lang para makumbinsi ito. “naneun yeogiseo taeeo nassgo daleun gos-eulo isa hal gyehoeg-i eobs-seubnida.” I was born here and I don't plan on moving somewhere else. “wae dangsin-i igsughadago saeng-gaghabnikka? jeon-e mannan jeog-i issnayo?” Why do I find you familiar? Have we met before? Sunod-sunod na kabog ng puso ang nanguna sa akin. Ilang segundo rin akong natulala sa mukha ng lalaki. Paano niya ako nakita? Paano ako naging pamilyar sakanya? Dahil ba plinano nila nang maigi ang pagkidnap sa mga anak ko? Dahil ba malaki ang pagkakahawig ko sa anak na si Aleeyah? Siya ba talaga ang may gawa ng lahat? Hindi na talaga ako nakasagot kaya mabilis kong ipinagpasalamat ang pagdating ni Franco. “geunyeoui gyeonglyeog-eun ije mag sangseunghago issjiman geseuteu, nyuseu ttoneun keonpeoleonseueseo geunyeoleul bon jeog-iiss-eul geos-ibnida.” Her career is just rising but you must’ve seen her on some guesting, news or conferences. Mabilis na nakumbinsi si Mr. Ji, kapagkuwan ay mabilis akong sinuklian ng ngiti. Bagsak ata ang katawan ko nang tuluyang naramdaman ng pwet ang malambot na upuan ng sasakyan ni Seo Nam. Sa maghapong paglakad ay halos mapudpod ang takong ng suot kong heels. Sanay na sanay kasi ang dalawang lalaki sa paglilibot at paglalakad kaysa naman sa aking hindi na maalala kung kailan ako huling naglakad-lakad noong nasa Pilipinas. Kaagad kong ipinikit ang mga mata, sinubukang magpahinga habang tuloy-tuloy pa rin sa pag-uusap si Franco at Mr. Ji patungkol sa kani-kanilang kompanya. Napakagaling na talaga ni Franco sa larangang ito. Mabilis itong magsalita at kaagad na naiintindihan ang sinasabi ng koreyanong kasama. Pinipilit ko pa sana ang sarili kong makinig kaya lang, pilikmata ko na ang tuluyang bumigay. Patapos na ang araw, hindi ko man nakuha ang impormasyong pinakagugustong makuha at least nagawa naman naming mas kunin ang loob ng lalaki. Nagising ako sa pwersahang pagbaling-baling ng ulo ko kung saan. Kaagad akong nagtaka dahil malinaw na pauwi na kaming tatlo. Nang magmulat ay ginusto ko kaagad na singhalan si Franco sa ginagawang pakikipag-agawan ng ulo ko kay Mr. Ji. Hindi ko na kailangan pang-isipin ang ginagawa ng mga ito, pareha nilang gustong sa mga balikat nila maisandal ang ulo ko. Immature jerks. “Franco, ssi-bal.” f**k, paulit-ulit kong binubulong sa isip. “Franco!” “Ya!” sigaw ko na nang hindi pa rin tumitigil ang mga ito sa pag-aagawan kahit tuluyan na akong gumising. Pareha silang kaagad na natigilan. Nginisian ako ni Mr. Ji na nagmistulang napakabait na bata samantalang inilabas lang ni Franco ang dila nito’t nagawa pang mang-asar. “michin sae ggi.” Crazy son of a b***h, bulong ko pang muli bago bumungkaras ang pagtunog ng cellphone. Kaagad kong sinagot iyon nang makitang si Ate Debi ang tinatawag. Hindi pa man nalalaman kung ano marahil ang sasabihin ay kinakapos na naman ako ng paghinga dahil sa takot. “Elle, kumusta?” Nagpabaling-baling ako sa dalawang lalaking katabi saka buong ingat na nagsalita nang mahina rito. “I am fine, Ate. Kayo?” “Tumawag ako para lang sabihin iyong pinasasabi ni Kairus. Nakapagbook na raw ng flight si Eilyjah at Ashley ng flight papunta r’yan–” “Ano po–J-Jinjja?" Halos mapahiyaw pa ako nang bigla akong kinurot ni Franco dahil sa sigaw. “Ne, ne. Go ma sseum nida.” Yes. Thank you. Madali kong ibinaba ang tawag at nagmamadaling nagtipa ng text para kay Ate Debi. Ilang minuto na pagkatapos ng tawag pero nanginginig pa rin ang mga kamay ko, hindi na dahil sa takot kundi dahil sa excitement.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD