Eilythia’s point of view
Palpak ang plano kong makakuha ng kahit na anong impormasyon kay Mr. Ji kagabi. Dahil sa biglaang pagsulpot ni Franco ay pakiramdam kong tuluyan akong nawalan ng pag-asa.
Having him joke around about something forbidden will make me lose my s**t. Ano iyong sinasabi niyang nagseselos ito?
Ni hindi ko nagawang makatulog dahil doon. If that’s really true, paniguradong magsisimula ulit ako sa simula. Most importantly, without the help of the guy.
Ilang taon na rin ang lumipas na hindi ko nagawang makasama si Franco kaya malaking kalokohan ang sinabi nito sa akin kagabi.
Dahil hindi mapakali, madali kong kinuha ang cellphone para sana makausap si Sierra. Ang kaibigan ko na lang ang makakapagpaliwanag ng lahat lalo pa’t siya na lang ang nasa normal na pag-iisip.
Patagal kasi nang patagal, pakiramdam ko’y nagagawa ko na lang kumilos, pero hindi ko na nararamdaman ang tamang wisyo.
We really need to find that culprit as soon as possible bago pa ako tuluyang mabaliw.
“Good morning, Elle.” bungad kaagad ni Sierra. “What’s up? Is everything all right?”
Sandali kong kinuha ang natirang pagkain kagabi sa ref para initin. Ganito naman na palagi ang pang-araw-araw ko sa Korea. Actually, hindi naman ito ang inaasahan kong pagpunta. Akala ko, I will gladly have a vacation, kasama ang pamilya habang naglilibot sa mga tanyag na lugar. Pero maling-mali ako.
We will never be complete again. Hindi na mangyayari pa.
Ang pag-iisip tungkol sa hinahanap na hustisya na nga lang ang nagiging rason ko para magpatuloy.
Malungkot. Sobrang lungkot.
Hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag ang nararamdaman dahil wala ni isang salita ang makakapantay sa kung gaano kasakit ang mawalan ng anak.
Kapag raw namatayan ng asawa ang isang tao, ang tawag doon “balo". Kapag naman namatayan ng mga magulang ang mga bata, they’ll call themselves an “orphan”. Pero kapag ang magulang ang nawalan ng anak? Walang salitang makakapagdescribe noon katulad na lang ng walang makakapagpaalis ng sakit.
Paulit-ulit kong sinisisi ang Panginoon sa totoo lang. Alam ko mali, alam ko hindi naman talaga dapat. Alam ko rin na may rason ang lahat ng nangyayari pero hindi ko kayang matanggap.
Dalawang beses na akong nawalan ng anak. Ang isa, hindi ko man lang nagawang nakasama. Ang isa, pitong taon lanlng ipinahiram sa akin.
Hindi ko na alam kung hanggang saan ko pa kakayanin, iyon ang totoo.
“Hello? Kita mo ‘tong babaeng ‘to. Tatawag pero hindi magsasalita.”
Bahagya ako humalakhak sa sinabi ng kaibigan, kinuha ang ininit na pagkain pagkatapos ay umupo. “I am fine. Kumusta kayo? Ayos lang ba ‘yang pamangkin ko?”
But then, wala namang mangyayari kung tuluyan na lang akong susuko at aayaw. Hindi magiging maayos ang lahat sa amin at para lang din kaming paulit-ulit na tumatakbo.
Nakakapagod na rin.
Nakakapagod na rin tumakbo, magtago. . . manahimik at sumuko.
Hindi talaga ako paborito ng mundo.
“Nako, eto, kakauwi lang. Makulit pa rin talaga,” sagot ni Sierra, hindi nawala ang kasiglahan sa boses.
“Sie, may contact ka ba sa bahay ng mga Ronsicalles?” Minabuti ko na ang magtanong, tutal naman si Sierra lang ang matatakbuhan ko. Hindi ko rin kasi magawang tawagan si Franco lalo pa’t baka makitaan niya ng ibang ibig sabihin.
“Wala, eh, but you should try calling Isai. Balita ko, sponsor ang REC sa bagong opening ng branch nila. Paniguradong may contact ‘yun.”
Tinanggap ko ang bilin ng kaibigan. Pagkatapos lang ng ilang minutong pagkukwentuhan ay ibinaba ko na rin ang tawag para makausap si Isiaah.
I need to talk to Ate Mira about this. Kailangan kong itanong kung kumusta at kung may problema ba sila ni Franco.
Pero akmang gagawin ko pa lang iyon nang tumunog na ang cellphone ko at nagpakita ang pangalang Franco Ronsicalles sa screen.
Nag-aalangan man, kaagad kong sinagot ang tawag. Kailangan ko pa rin kasing hingin ang eksplenasyon ng lalaki dahil sigurado akong hindi niya iyon sinasadya.
“Hello?”
“Elle, are you home—"
“Franco. . .”
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ng lalaki sa kabilang linya bago magsalita. “I was drunk. I was stupid for letting that slip into my mouth, Elle. I’m sorry, hindi ko talaga sinasadya.”
Pero totoo ba ang sinabi mo? Gusto ko pa sanang itanong ang bagay na iyan pero mas pinili ko ang manahimik.
Hindi ko na dapat malaman lalong-lalo na’t iba na ang panahon ngayon. I shouldn’t entertain things na katulad noon.
I am here para ipaghiganti ang anak, ang makuha ang hustisya hindi para sa iba pang mga komplikadong bagay.
“Franco, magkaibigan tayo.” deretsahan ko nang sambit, ayaw nang maulit ang pagkakamali noon sa Switzerland. “Pamilya na ang turing ko sainyo ni Ate Mira alam mo ‘yan. Now, we need to get ourselves together. Kailangan ko ng tulong mo kaya sana tulungan mo ako nang buong puso. I can’t let the opportunity slides again kaya hayaan mo na akong obserbahan si Mr. Ji.”
Umabot sa tatlo ang naging sunod nitong pagbuntong-hininga. “Arasso. Basta, alam mo na ang gagawin kapag may susunod kang plano, Lee Mi Cha.”
Tuluyan na akong humalakhak sa inasal, hindi pa rin talaga ako nasasanay sa pangalang iyon.
Nang matapos ang tawag ay katok naman sa pinto ang narinig ko. Inisip ko pa ngang maaaring si Franco iyon at mangungulit na naman kaya ganoon na lang ang aking gulat nang makita si Mr. Ji mismo sa b****a noon.
Anong ginagawa ng CEO ng IC Hotels sa H&H? Paniguradong makakarating ito may Kairus.
“jal jinesseoyo?” How are you?
Gulat man ay minabuti kong papasukin ang lalaki sa loob. Tuloy pa rin ang plano kong kunin ang loob ng lalaki dahil paniguradong sa ganoong paraan ay makakahalubilo ko rin ang nga nakakasalamuha nito.
“museun il isijyo, jigyeong?” What brings you here, Mr. Ji? marahan kong pagtatanong matapos ko itong abutan ng kapeng inihanda.
“naneun siljelo geogjeonghaessda. eojesbam bulpyeon hae bo yeoss-eoyo. peulangkoneun gwaenchanh-a?” I was actually worried. You seemed uncomfortable last night. Is everything all right with Franco?
‘Are they friends?’ napatanong ako kaagad sa isip. Hindi naman nabanggit ni Franco ang pagiging close nila ng lalaki para tawagin sjya mismo nito sa pangalan.
“Ah, chwi haess-eo. gwaenchanh-ayo.” Ah, he was drunk. I'm okay.
“yeogiganeun geosboda na hante munjaleul bonaesyeoss-eoya haess-eoyo, Seo Nam ssi.” Humalakhak akong sandali nang mapansin ang pananahimik ng lalaki. You should’ve just texted me rather than going here, Mr. Ji.
“Ne?” Sorry? Nagpakurap-kurap lang nito na naging dahilan pa ng mahina kong pagtawa.
“Ah, na.. . siljelo mul-eobol geos-ibnida. . .” Ah, I. . . I am actually going to ask you about. . .
“Hmm?” nagmamaang-maangan kong gagad kahit pa malaki na ang ngisi ko sa loob. Hindi pa man ako kumikilos nang mas matindi ay nakukuha ko na ang loob ng lalaki. Paniguradong hindi ko na rin kailangang mag-antay nang matagal para malaman ang totoo.
Sa kung sino ang kakampi ng lalaki, sa kung ano ang motibo nito at kung bakit nila iyon ginawa.
“jeongmal mul-eobogo sip-eo.” I really want to ask you out, nahihiya nitong gagad na agad kong ikinangisi.
“gwaenchanh euseyo?” Is that okay with you?
Pasimple at kalmado akong tumango sa lalaki. Kaagad din akong tumayo at nagpaalam na magbibihis muna. Pinilit pa ng lalaking antayin na lang ako sa lobby pero hindi na ako pumayag. He will, at least, feel that I am interested with him as well by caring for him. Iyon naman talaga ang pinakapaplano kong gawin.
Isang casual ruffle dress lang ang sinuot ko na pinaresan ng simpleng t-square heels. Hindi na ako masyadong naghanda.
Ang totoo, nagmamadali lang talaga ako. Mas maraming oras kasama ang lalaki, mas maraming impormasyong puwedeng makuha.
“gaja?” Let’s go?
Sa elevator pa lang ay tuloy-tuloy na ang pagkukwentuhan namin ng lalaki. Alam kong hindi rin ako mahihirapan sa pagkalap ng mga impormasyon sa kasama dahil tila ba natural na ang pagiging makwento nito.
“meonjeo meog-eoya hal geos gat-ayo.” I think we should eat first.
Tumawa-tawa ang lalaki sa sinabi ko. Sabay pa kaming napatingin sa labas nang magbukas ang elevator sa ground floor.
Pakiramdam ko ay talagang napawi ang lahat ng plano nang makita ang lalaking malaki ang ngising nag-aabang sa tapat mismo ng elevator. Naunahan na ako ni Seo Nam sa pagsasalita.
“Franco?” sambit ng lalaking katabi.
“dangsingwa hamkke gaja.” Let me go with you.