Eto na ang pangalawang pagkakataon niya at maaaring ito na rin ang maging huli kapag nagkamali ito. She just need a piece of evidence—iyon lang ang kailangan niyang makuha at paniguradong tapos ang mga paghihirap niyang ito kaya hinding-hindi niya na ito palalampasin.
“hwagsilhan. ulin hal su-iss-eo.” Sure. We can do that, deretsahang pagpayag nito sa unang beses na pagyayaya ng lalaki.
Simula kanina, hindi na natigil ang pagkukwentuhan nilang dalawa. Hindi na nga lang talaga kayang tiisin ni Eilythia ang banyagang mga salita dahil kakaonti lang naman ang baon niya palagi.
“nan geunyang hwajangsil-eul sayonghamyeon dwae.” I just need to use the bathroom, sabi pa nito nang may pagmamadali. Ipinangako niya kasi kay Franco kanina na sasabihin niya rito ang mga plano para makapaghanda ang dalawa.
Pagngisi-ngising pumasok si Eilythia sa banyo, hindi mapakali at hindi halos makapaniwalang magkakaroon nga silang muli ng lalaking iyong magsama.
Hindi na niya talaga mapapatawad pa ang sarili kung lumipas ang gabing itong wala silang makukuha sa lalaki.
“Hello, Franco–”
“What is it? What’s our next plan?”
Hindi iyon pinansin ni Eilythia. Sa halip ay sinimulan na nitong magkwento sa lalaki. Simula sa paglabas nitong ngayong gabi, ang pagkikita nila ni Mr. Ji at pagyayaya nitong lumabas.
“Sasama ako sakanya. That’s a good foundation. Makakahanap ako ng pwedeng maiugnay sa aksidenteng iyon. I won’t let him slide today,” dere-deretsong gagad ni Eilythia habang maingat na pinakikiramdaman ang paligid.
“Are you kidding me, Elle?” singhal naman dito ng lalaki. “Alam mo ba kung gaano kadelikado ‘yang ginagawa mo?”
Naiintindihan naman niya. Talaga namang delikado ang pinipasok niya pero ganito na ang buhay niya simula nang mawala ang anak. Ganito na ang buhay niya at kailangan niyang makipagsapalaran at huwag lang makisabay sa kung ano man ang nangyayari.
“Where are you?” tanong pa nito pero binalewala lang iyon ng babae.
“Eilythia, makinig ka naman sa akin. We could think of another way. Marami pang paraan. Hindi mo kailangang basta nilang ipain ang sarili mo dyan!” tuloy-tuloy pa nitong pagsasalita. “Paano kung kilala ka na talaga nila? Paano kung ikaw na ang sunod nitong target? Eilythia naman! Pag-isipan mong mabuti ang mga kinikilos mo!”
Naiyukom ni Eilythia ang kamay na nasa gilid niya, pagkatapos ay ipinikit ang mga mata. “Naiintindihan ko kung bakit kayo nag-aalala. Naiintindihan ko kung bakit paulit-ulit niyo akong pinipigilan pero sana naman maintindihan niyo rin kung bakit ko ginagawa ‘to,” iritado nang gagad ng babae. “Anak ko ‘yung nakasalalay rito. Para kay Aleeyah, para sa kaligtasan ni Eilyjah sa mga susunod pang mga araw.”
“Hindi rin naman madali sa akin ‘tong ginagawa ko. Hindi ko alam kung paanong mapipigilan ko ang galit kapag kasama ko na talaga ang lalaking ‘yun pero titiisin ko. Wala akong pakealam kung buhay man ang kapalit nito, pero hindi pa ako ngayon mapapahamak. Hindi pa, hangga’t hindi ko nakukuha kung anong gusto ko.” Agad nang ibinaba ni Eilythia ang tawag. Saka na lang nito haharapin ang galit ni Franco pero sa ngayon, yayakapin niya ang oportunidad na mayroon niya.
And that is to be with that jerk.
Pilit ang ngisi ng babae nang bumalik ito sa lugar kung nasaan nag-aantay si Mr. Ji. Ngayon ay may hawak na itong susi ng sasakyan. “igeo hwagsilhani? igeo jeongmal gwaenchanh ni?” Are you sure about this? Are you really okay with this?
First, he’s a gentleman.
“ye! uli eodiloganeungeoya?” Yup! Where are we going? Panandaling na-excite ang babae. Hindi kasi maipagkakailang ngayon lang siya makakalibot sa Seoul lalo pa’t gabi. “myeongdong sang-galo gado doenayo?” Can we go to Myeongdong Shopping Street?
Hindi na nagtanong pa ang lalaki. Ngumiti na lang ito at marahan siyang giniya patungo sa sasakyan.
Hindi nagpapigil si Eilythia sa ginagawa, pagkasakay sa kotse ay hindi na napirmi ang mata niya sa kakahanap ng kung ano. She’s getting more desperate as she gets nearer.
Kapit ka lang dyan, Eilyjah. Mommy will solve all these for you—and Aleeyah.
Mabilis silang nakarating sa lugar. Bago bumaba ay napansin nitong nagsuot ang lalaki ng sumbrero. Doon pa lang nito napagtantong nasa pampubliko silang lugar at maaaring kilala na rito ang lalaki. Pwede siyang mapahamak, iyon agad ang naisip ni Eilythia.
Pero kung mapapahamak pala siya, bakit niya sinunod ang sinabi ko?
Kaagad niyang bumaba, hindi na inantay ang lalaking papalapit pa lang sa pinto para sana pagbuksan pa siya.
Hindi siya magaling kumilatis ng tao at siguradong iyon ang magiging problema niya. Purong kabaitan ang ipinakikita sakanya ng lalaki kaya naman she's starting to doubt the facts.
“gwaenchanh-a?” Are you okay? tanong pa ng lalaki, hindi iniinda ang iilang mga taong tumitingin dito.
Mabilis na nagpabaling-baling si Eilythia sa paligid. Where are your bodyguards? tanong niya. Nagsimula na rin kasi itong hindi maging komportable sa mga titig ng iilang naroon.
Don’t mind them. We should atleast find something to eat.
Second, magaan ang loob niya sa lalaki.
Naniniwala siya sa makapangyarihang instinct ng mga babae. Kung totoo ngang siya ang utak at may pakana ng lahat ng ito, hindi ba dapat purong pagkamuhi ang nararamdaman niya para sa lalaki?
She feels the opposite. Pakiramdam nito, nagkakamali lang lahat. Pakiramdam niya, masyadong magtatagal ang paghuli sa totoong may sala dahil nakabaling ang mga ito sa maling tao.
Pero iyong mga kontretong katotohanang hawak nila, iyong mga apila ng pahayag ng witnesses, sa iisang tao lang bumabagsak ang mga iyon—Ji Seo Nam.
Ang totoo nga niyan, nakalimutan nito panandalian ang mga naiisip. Sa isang iglap lang ay nagagawa na nitong makipagbiruan at kwentuhan sa lalaking dapat ay pinagdududahan niya.
Gulong-gulo na ang isip ni Eilythia. Kung hindi ang lalaking ito ang may gawa, sino, ano at bakit? Sino ang totoong suspek? Ano ang motibo nito sa pagdukot at pagpapahirap sa anak ko at bakit niya iyon ginawa?
“neoui ileum-eun jeongmal yeppeuda.” Your name is really pretty.
Bahagyan itong humalakhak, “mi chaneun yeppeuda.” Mi Cha means pretty.
Ilang minuto pa lang ang tinatagal nito sa paglilibot pero puno na ang mga kamay ng dalawa sa dami ng mga pinamili. Nagkasundo ang dalawa sa pagsa-shopping. Natutuwa ang mga itong pareha silang nagkakaintindihan sa isang bagay.
We really need to do this more often. Work is stressing me out. Tipid na nginitian lang ni Eilythia si Mr. Ji. Akmang magsasalita pa lang itong muli nang maramdaman ang mabilis na paghila sakanya ng kung sino papunta sa gilid ng daan.
Sinubukan pa siyang sundan ng kasama pero pinigil na siya ni Franco.
“Ano na namang problema? Napag-usapan na natin ‘to, hindi ba?” Kaagad siyang nawalan ng pasensya sa lalaki. Malinaw ang pag-uusap nilang magtutulungan ito pero mukhang nagkakaroon na sila agad ng pagtatalo.
“Hindi ako sumang-ayon dito, Elle. Umuwi na tayo–"
“What are you talking about? Everything seems fine! Nakukuha ko ang loob ng lalaki, sooner or later malalaman na rin natin ang totoo. Kailangan lang naming maging mas malapit sa isa’t isa!” Nagpantay na ang timbre ng boses ng mga ito. Mabuti na lang ay talagang nakalayo na sila sa mga tao.
“That. . . I won’t let that happen. You can’t be close with any man–”
“Exactly!” sambit pa ng babae. “He isn’t just any man. Franco, iniimbestigahan natin siya. Kailangan kong gawin ‘to, lahat ng makakaya ko. Don’t you dare do this again!” Marahas na hinila ni Eilythia ang braso mula sa pagkakahawak ng lalaki.
“Eilythia naman!”
Problemado lang siya nitong nilingon, “Just let me do what I need to do. Kailangan kong gawin ko, Franco. Kakayanin kong gawin ang lahat para sa mga anak ko. Kahit pa katawan ko mismo ang kapalit ng katiting na impormasyon o ebidensiya, ibibigay ko iyon sakanya!” huling sabi ng babae bago tuluyang tumalikod at nagsimulang maglakad palayo.
Pero hindi pa ito nakakalayo nang marahas na hinigit ni Franco ang braso nito dahilan para matupok ang distansya nila ng lalaki.
Nang mangyari iyon, kaagad na nilapit ni Franco ang labi sa mga labi ni Elle. Hinalikan niya ito nang madiin. Hindi niya na napigilan ang magkakahalong pagkdismaya at pangungulila sa dating pagkakaibigan nilang dalawa.
Kapagkuwan ay naitulaj niya ni Elle, gulat man ang babae ay mas nakita rito ang pagkakunot ng noo.
“Why. . . Why did you do that?”
Alam ng dalagang maling-mali ang lahat. Hindi sa sitwasyong ito, sa lugar at sa panahon.
Kaagad na pinagsisihan ni Franco ang ginawa. Nagkulang pa rjn sa bandang huli ang lahat ng pagtitimping ginawa nito.
“Franco! Bakit–”
“I won’t let you do that dahil nagseselos ako, Eilythia.”