Kairus Hernandez’ point of view “Are you really sure about this? We can never know what’s in there. Franco Ronsicalles is dangerous.” Nagawa kong makalaban sa isang investor ang lalaking ito pero ni minsan ay hindi ko man lamang nakita ang mukha niya sa internet. Nakuha nga ako nitong tawagan kanina patungkol sa sitwasyon sa Korea pero hindi ko inasahan na magagawa pa ako nitong salubungin sa airport. Magkaibigan siguro sila ni Eilythia, pangungumbinsi ko sa sarili kahit pa mas halata sa mukha ng lalaki ang pagkataranta kaysa sa akin. Puno man nang pag-aalangan dahil hindi ko na ata kakayanin pang muling magtiwala ay inisip ko ang asawa. Eilythia would never trust a guy kung hindi siya sigurado and to think Eilythia became really close with this guy, iisipin kong mabuti itong tao.

