Eilythia Hernandez’ point of view “Hinding-hindi kita mapapatawad,” tahasang sabi ko matapos makapasok ni Franco sa maliit na kuwartong iyon. May makapal na salaming nakapagitna sa aming dalawa pero hindi ko pa rin makontrol ang nararamdamang galit. “Were you happy about it?” Wala pa ring naging sagot ang lalaki kahit ilang minuto na ang nakalipas. “Franco, masaya ka bang sinira mo ang pamilya ko? Masaya ka bang hindi na namin makakasama si Aleeyah? Masaya kang nahihirapan ngayon si Eilyjah. . . all because of you? Kasi kung masaya ka roon, well, good for you. Panalo ka. Lahat ng plano mo–” “Eilythia, mahal kita.” Malakas ang naging sunod kong paghalakhak na para bang iyon ang pinakanakakatawag bagay na narinig ko sa buong buhay. Hindi ako makapaniwala sa lalaki. Malakas pa ang loo

