“Do you think this is funny?” Napawi ang ingay sa kwartong iyon dahil sa biglaang pagtaas ng boses ko. Sandaling natunaw ang kaba sa sistema ko’t napuno ng pagkadismaya dahil sa ginawa ng kaibigan. They have all the rights to put pranks of me pero hindi sa ganoong bagay. Si Eilythia ang ibinala nila at hindi ko kahit kailan magugustuhan iyon. I nearly died. Ginusto kong takbuhin ang distansya mula sa CK Shop papunta sa ospital sa sobrang pagkaaligaga tapos ganito ang madadatnan ko? Na nagkakasiyahan ang lahat? Hindi naman sa hindi ako nagiging grateful pero hindi ko lang maintindihan ang nararamdaman. Inisip ko talagang may masama ng nangyari kay Eilythia. “Kuya, naman. Haya’n ka na naman sa pagiging KJ. Ngumiti ka na nga, birthday na birthday mo–” “Birthday na birthday ko nga p

