“Mr. Hernandez, you need to calm down. Kilala mo ba ang suspek? Anong koneksyon niyong dalawa? May hinala ka na ba sa motibo?” “Si Eilythia. . . k-kasama niya ang asawa ko.” Akala ko wala ng mas iguguho pa ang mundo ko pagkatapos nang lahat-lahat ng nangyari pero hindi pa rin pala talaga tapos. “You need to get a hold of yourself, Sir. Kailangan mong ibigay sakanila ang lahat ng alam mo para makakilos na sila,” gagad ni Rai na nasa tabi ko lang pala. Ni hindi ko man lang namalayang nakarating na papa ito. Dahil parang may bumarang kung ano sa lalamunan ko ay sinulat ko ang pangalan ng kompanya ni Franco, lugar nito sa Korea pati na ang pamilya. Pagkatapos ay agad akong lumabas sa presintong iyon, wala ng nagawang pagpapasalamat man lang. Hindi ko na rin nagawang antayin si Rai at pi

