'Kelangan bang me pakialam ako? Eh! Hindi ko naman kaanu ano ang taong ito? Pero, bakit ba ako apektado? kapag naiisip kong iiwan din ako nito?'
Pasimpleng sinulyapan ni Katie si Zero na nakaupo sa kabilang bahagi ng mesa, magkaharap silang kumakain ng hapunan. Ay! hindi pala! sya lang ang kumakain habang ang binata naman ay malayo ang tingin, lagpas lagpasan sa kanya.
"Haayyy.... Anubang gagawin ko sa'yo? Ayaw mong kumain! Ayaw mong matulog! Hindi kaba napapagod? Kasi, ako! Pagod na! Pagod na pagod na! Char!!'
Tumayo sya't nilapitan si Zero, ng biglang may maalala. "Teka! Ilang araw kana ba dito?" Dali dali nyang hinagilap ang kanyang cellphone, para tingnan kung anong petsa na.
"What?? three days na kitang kapiling?" Natutop nyang bibig. Kahit sya ay nabigla sa kanyang nasabi. "Este! kasama pala! Ibig sabihin... ganun na rin ako katagal hindi pumapasok ng office? My God!! Bakit ba ako tila nagka amnesia, simula ng makasama kita?"
Natampal nyang nuo. "Teka! matawagan nga si Cyrus!!" Nagmamadali nyang kinontak ang kanyang gay secretary.
Habang abala si Katie sa pakikipag usap sa kanyang cellphone, di nya napansin ang isang anino na lumapit kay Zero. meron itong isinubo sa binatang tulala pa rin hanggang ngayon.
'Malapit ka ng bumalik sa dati, Prinsipe Fossils!! pero, bago 'yun! kelangang siguraduhin ko muna ang kaligtasan at kaligayahan na iyong inaasam ay makakamit mo ng walang pag aalinlangan.' Matapos nitong ibulong yun kay Zero, naglaho ng anino.
"Thanks! Cyrus, maaasahan ka talaga!" Nasisiyahang ini off na nyang cellphone. saka humarap kay Zero at nag isip.
'Hmm.. In fairness.. tatlong araw ng walang ligo, walang bihis ang lalakeng 'to! Pero ba't ganun? He looks fresh pa rin?'
Lumapit sya dito, tumayo sa likuran nito saka inamoy ang buhok ng binata.
"Hmm.. maligo kana kaya!"
Hinawakan nya ito sa braso, hinila patayo at iginiya patungong banyo. Ng makapasok na sila sa loob, bigla syang nataranta ng makitang shower.
"Teka lang muna!! Wait lang!!"
Hinila nya palabas ng banyo ang binata ng ma realize nyang balak gawin dito.
"Kung paliligoan kita, natural na huhubaran kita! para makuskos ko yang body mo! Kaya lang kasi, ano! makikita kong hindi dapat makita, panu naman kaya yun?"
Pinasadahan nya ng tingin ang katawan ni Zero. Napahinto ang kanyang mga mata sa harapan ng pantalon nito. Napalunok sya ng sunod sunod ng makitang malaking umbok dun.
"Hindi ba ako lalabas na pinag sasamantalahan ka ng eyes ko?, habang isa isa kong inaalis yang saplot mo?" Hinaplos nyang pisngi ng binata.
"Siguro naman hindi mo'ko aawayin kapag nalaman mong kabutihan na aking gagawin? Hmm.."
Inamoy na naman ni Katie ang mahabang buhok ni Zero.
'Bakit ganun? Ambango bango mo naman?"
Ang pag amoy amoy nya sa buhok ng binata ay nalipat sa mukha nito, sa nuo, sa mata, sa ilong, hanggang umabot na sa labi ni Zero. Dun na tila nagising sa kahibangan nya si Katie, ng di sinasadyang lumapat ang kanyang labi sa medyo nakaawang na labi ni Zero, marahil dahil sa may sungki ang ngipin nito. Napapiksi sya ng tila may kuryenteng dumaloy sa kanyang buong katawan.
'Haahh..! Anuba 'yun?'
Nanlalaki ang mga mata nyang mabilis na lumayo kay Zero. Sinalat nyang kanyang labi, dinila dilaan ito na para bang ninanamnam pa nyang pagkakalapat ng mga labi nila ng binata.
"Hala!! Bakit mo'ko hinalikan ha?" Lumapit sya ulit dito, saka bahagyang hinampas ang binata sa dibdib. 'Nyayy!! antigas!! it means, may abs syaaa..!!.'
Pisil sa kanang dibdib, tapos sa kaliwa naman, ng dipa sya ma satisfied, bumabang kamay nya sa tiyan. Napangisi si Katie ng masigurong batak nga ito sa paggi gym.
"Tara! Maligo na tayo!! Este! maligo na ikaw, para bumango ka lalo!! Huhummm..."
Kapag naiisip na nyang hinuhubaran nya ito, tapos, pinapaligoan.. Kinikilig sya ng di nya mawari kung bakit nya ito nararamdaman sa binata.
'Yaays!! Nai excite tuloy ako!!'
Halos kaladkarin na nga nya ito pabalik ng banyo, nagpipigil lang sya.
"Oh! Dito ka tumapat sa shower ha! Para mas madali ang pagpapaligo ko sa'yo!! Saka, wag kang malikot at baka mamali ako ng mahawakan, masabihan mo pa akong nagcha chansing sa'yo, kahit hindi naman!!"
Salita sya ng salita, kala mo naman nakaka relate ang binatang tulala lang na nakatingin sa kanya.
"Uy!! Anu 'yan?" Nanlalaki ang mga mata ni Katie, ng matanggal nyang pantaas na damit ng binata at tumambad sa kanyang harapan ang hubad na katawan nito.
"Ang dami mo namang tattoo! Totoo ba yan o Hena lang?"
Di nakatiis na hindi hawakan at salatin, nagsimula na syang suriin ang bawat marka sa katawan ni Zero.
"Parang... mga Simbolo!!" Kunot nuo nyang binasa ang mga ito, pero, bandang huli ay sumuko na rin sya. "Tsk! Kayhirap namang basahin." Napakamot na lang ng kanyang leeg si Katie.
"Grabe!! For the first time! Ngayon lang ako napamangha at napahanga sa tattoo, tattoo na yan ha! Ibang klase ang taste mo! maka enchant..! Ito ba ang way mo, to attract or please someone very much? Kung yan nga... Abah! Na impress talaga ako."
Binuksan nyang shower. "Hmp! Tama na ngang pagdaldal ko, parang tuod naman kasi itong kausap ko!"
Ng tuluyan ng mabasa si Zero, napansin nyang mga mata nito.
"Hala!! Bakit ganyan ang kulay ng mga mata mo?? Bakit tila nagbabago?"
Mula kasi sa kulay pula, unti unti itong naging kulay itim.
"P- pwede bang kusang magpalit ng kulay ang contact lens, kapag suot mo ito??"
Habang tuluyang nababasa ang katawan ni Zero maraming napapansing kakaiba at pagbabago si Katie. Mula sa buhok nitong kulay gray, na ngayon ay naging kulay itim na. Ang mga simbolong tattoo nito na kulay ginto, na ngayon ay naging kulay itim na. Ang ngipin nitong inakala nyang may sungki na parang pangil ay naging maayos na. At higit sa lahat, mas lalo pa syang napamangha ng lumabas ang tunay na kaanyuhan ng binata.
"Oh, my God!! Totoo ba itong mga nakikita ko?" Kinusot nyang mga mata.
"Parang hindi tao itong kinupkop ko ah!"
Nagmamadali syang lumabas ng banyo at kinuha sa kanyang bag ang baril, cheneck nya muna kung may espesyal na bala paba ito o wala na. Ng masigurong meron pa, tinakbo na nyang pagitan ng kanyang kwarto at ang banyo. Pagkapasok na pagkapasok nya pa lang sa pinto ay kaagad nyang itinutok ang hawak na baril kay Zero.
"Kung sino at anu ka mang nilalang.... isang bala ka la--"
Nabitin sa ere ang kamay nyang may hawak na baril ng lumingon sa kanya ang binata. Nababasa at nakikita ni Katie, sa mga mata nito ang samo't saring emosyon.. Ang pagtataka at pagkalito.
"A-- Anong.,?" Bakit pakiramdam nya'y parang nagkita na sila nito dati. 'Saan ko nga ba nakita ang lalakeng ito?'
Baba taas ang pagkakatingin nya't pilit na ina alala kung saan nga ba nya nakita ang kaharap, ng bigla itong magsalita na ikinagulat pa nya.
"Nasaan ako?" Paos ang tono ng boses nito. "Anong lugar ba'to?" Sunod sunod na tanong ni Zero.
"Nagsasalita kana? Ibig sabihin, magaling kana!"
Pasimpleng itinago ni Katie sa kanyang likuran ang hawak na baril.
"Ha! Magaling? Nagkasakit ba'ko?" Litong tanong ng binata.
"Oo! Bakit? wala kang maalala? Wag mo sabihing nagka amnesia ka?"
"Amnesia?"
Ang huling natatandaan ni Zero, ay yung binaril si Bogz. At sa labis na pagkabigla, pangamba, pag aalala sa kalagayan ng kanyang kaibigan, naging Diablo sya ng hindi nya inaasahan. Kahit na paulit ulit syang binalaan nila Whisper at Ziglo, Nadaig pa rin ng kadiliman ang kabutihan, dahil sa sobrang galit na kanyang nararamdaman. Hindi nya maalala ang buong kaganapan, kung anuna bang nangyari matapos syang magbagong anyo.
"Ugh..." Napasapo sa kanyang ulo si Zero ng bahagyang kumirot ito. 'Si Bogz! Ano ng nangyari sa kanya?'
"Teka! Wag ka munang mag isip masyado, baka mabinat ka!" Dali daling nilapitan at inalalayang palabas ng banyo ni Katie, si Zero.
"Anong pangalan mo?" Simpleng tanong nya sa binata ng makaupo na ito sa sofa.
"Ha??" Napatingin si Zero, kay Katie ng umupo ito sa kanyang tabi.
"Sabi ko anong pangalan mo?"
"Um.." Iniwas nyang tingin kay Katie. Hindi lang kasi sya naiilang dito, mas lalong lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib habang nakikipag titigan sya sa dalaga. 'Bakit kasama ko sya? Bakit ako nandito sa bahay nya?'
"Huy!" Sabay kalabit nya sa natitigilang binata. "Sabi ko, anong pangalan mo?"
"Ha!!"
"Ay!! Hindi mo maalala? Hmm.. siguro nga, may amnesia ka!" Napa buntong hininga sya. "Sige, ganito na lang... papangalanan na lang kita ng Zeke! Okay lang ba yun?"
"Zeke?"
"Yes! Zeke!! ZEKE, means.. shooting star, and is perfect for you, kasi, para kang shooting star sa'kin!." Sabay ngiti ng malapad, hingang malalim ng mapatingin ang binata sa kanya. "It also means "God strengthens".
Hindi na nakaimik pa si Zero, hinayaan na lang nyang magsalita at mag desisyon si Katie para sa kanya. Tutal, bahagi na ng buhay nya ang dalaga, mula pa noong una nya itong makita sa b****a ng lupain nila sa Sierra Casa Blanca.
?MahikaNiAyana