Andromalius ꨄ

1619 Words
Sa pananatili ni Zero, sa poder ni Katie, dito nya unti unting nakikilala ang dalaga. Ang mga naririnig nyang kwento mula kay Bogz, patungkol sa masamang ugali daw nito ay tila haka haka lang, dahil kahit na binansagang 'Cold Hearted B*tch' si Katie, para sa kanya, isa itong soft spoken person. "Lumusong kana!!" Sigaw nya sa dalaga na nakatayo lang sa gilid ng swimming pool at patanaw tanaw sa kanya. Habang pabalik balik syang lumalangoy. "Hindi ako marunong lumangoy!!" Pasigaw rin nitong sagot sa kanya, na ikinatigil nya sa paglangoy. "Nagbibiro kaba?" Lumangoy sya palapit dito. "Itong ganda ko!! sa tingin mo, makikipag biruan pa sa'yo?" Sabay irap pa nito, na ikinangiti na lang ni Zero. "Di nga! Seryoso? Hindi kaba talaga marunong lumangoy?" Di makapaniwalang tanong nya ulit dito. "Hindi nga!" Pinandilatan pa sya ng dalaga. "Kaya bilisan mo naa.. turuan mo na'kong lumangoy!!" Napapadyak pang isang paa nito. "Yari tayo dyan!! Tsk! Lalo akong malulunod nito sa'yo, huuuhh!" Lumangoy ulit sya palayo sa dalaga. "Anupang binubulong bulong mo dyan!! Zeke! Huy!! Lumapit ka dito!" 'Haayy! Heto na naman po sya, magma maldita na naman!' Napalangoy sya pabalik ng marinig ang naiinis na boses ng dalaga. "Ready na'ko!!" Sabay hubad nito sa suot na damit. "Tek-- teka lang muna...!!" Tarantang napaahon ng pool si Zero. "Huwag ka mag burles dito!!" Pinulot nyang damit na basta na lang itinapon ni Katie sa tabi, saka itinakip sa hubad na katawan ng dalaga. Ingat na ingat syang hindi masagi ang balat nito. "Anuba! Wag ka ngang o e!" Tinabig nito si Zero na nakaharang sa harap nya. "Helloo... Naka two piece po ako! Anong burles ba yang pinagsasabi mo?!" Nakapamewang at nakataas kilay na singhal ni Katie sa binatang nagkakamot ng batok nito. "Kelangan bang ganyan ang suot mo? Dipa pwedeng iba na lang?" "Anong gusto mo? Magpantalon ako?" Nandidilat na naman ang mga mata nitong singhal sa kanya. "Hindi naman sa ganun! Eh. baka pwedeng mag shorts kana lang at t-shir!!" Napaiwas ng tingin si Zero ng makitang pamumula ng mukha ni Katie. 'Naku!! Galet ng mahal ko!' "Panyemas naman! Panu ako magiging komportable sa paglangoy kung mabigat ang suot ko?" Halatang pagka dismaya sa boses ng dalaga. "Uy! Hindi mabigat ang short at t-shirt ha! Ayos nga yun eh! maluwag, mas magiging kumportable ka." "Ay naku..!! Ewan ko sa'yo!!!" Sabay walk out nito. "Katieee.... Bumalik ka dito!!!" "Hmp! Ayoko ng lumangoy!! Bahala ka sa buhay mo!!" Naiiling na umupo na lang sa gilid ng pool si Zero, tumanaw sa kawalan saka napabuntunghininga ito, maya maya napangiti ng maalala ang naka busangot na mukha ng dalaga. Naburang kanyang ngiti ng maramdaman nyang umupo sa kanyang tabi si Ziglo, ito ang dahilan kaya ayaw nyang mag burles si Katie. "Kumusta si Ina?" "Kailangan mo ng umuwi Fossils, nagdududa na sa'kin ang 'yung Ina!" Kalmado lang ang tono ng boses ni Ziglo, pero ramdam nyang takot at pangamba nito. "Si Ama, kumusta naman sya?" "Kagaya ng dati, pinagtatakpan at pinagtatanggol ka sa'yong Ina." Tumingala sya sa kalangitan ng biglang kumulimlim ang mga ulap na kani kanina lang ay kay aliwalas tingnan. "Bakit dito mo'ko dinala kay Katie? Bakit hindi sa Sierra Casa Blanca?" "Hindi ako ang nagdala sa'yo dito." Kunut nuo syang napabaling ng tingin kay Ziglo. "Kung hindi ikaw, sino?" "Si Nero." Napamulagat ang kanyang mga mata. Hindi nya inakalang may tinatago din pala itong kapilyohan sa kabila ng pagiging psychopath nito. "Ang itim na salamangkerong 'yun! Panu nya nalaman ang tungkol kay Katie?" "Walang maililihim sa'kin ang isang dyablong nakasama ko ng mahabang panahon sa Dreeber, Prinsipe Fossils!" Sabay pa sila ni Ziglo, na napalingon sa kanilang likuran ng marinig ang boses ni Nero. "Naaalala mo na ba ako ngayon?" Ngumisi ito. "Fossils?" Kumislap ang apoy sa mga mata ni Nero na kulay itim. Kasabay nun ang pagdaloy ng samo't saring alaala sa isipan ni Zero. "Anong..?" Naka upo syang mag isa at nakatingin sa malawak na karagatan ng nagbabagang apoy. Hindi man maarok ng mura nyang kaisipan, kung bakit sya naroroon sa lugar na puno ng panaghoy at pasakit, nakasanayan na rin nyang manatili dun. Hanggang sa may isang naglakas loob na lumapit sa kanya at nakipag kaibigan. Magmula nun, naging masaya at makabuluhan na ang kanyang buhay. "Andromalius?" Napakurap kurap ang kanyang mga mata. "Ako nga ito, kaibigan!!" Malapad ang pagkakangiti nito sa kanya. "Akala ko, wala kana? Kasi, nakita ko kung paano ka..." "Hindi ako tuluyang nawala, Fossils... Kagaya mo pinagpala rin ako ng panginoong Shadow." Sa masinsinang pag uusap ng dalawa, malalim namang nag iisip si Ziglo. Hinihimay nyang lahat ng kanyang mga naririnig mula sa mga ito. Hanggang sa mabuo ng lahat sa kanyang isipan. 'Si Andromalius ay isang fallen angel, na lumilitaw bilang isang lalaking may hawak na ahas.' Matiim syang napatitig sa kausap ni Zero. 'Kaya pala parang nag iba na si Nero, dahil pala sa Andromalius na'to' "Kung ikaw si Andromalius... nasaan ang kaibigan kong si Nero?" Di napigilang naibulalas nyang nabuong tanong sa kanyang isipan. "Si Andromalius at Nero, ay pinag isa ng panginoong Shadow,." "Paanong pinag isa? Anubang sinasabi mo dyan?" Nalilitong tanong ni Ziglo na napaupo sa tabi ni Zero. "Dumating sa Dreeber si Zia, kasama ang kaibigan mong si Nero. Dahil isa syang mortal, hindi makapagpasya ang pinuno ng tagahatol kong saan sya itatalaga, kaya, minabuti nitong isangguni muna kay Panginoong Shadow ang suliranin nito." Hindi na nakapagsalita pa si Ziglo, dahil alam nyang si Lulwa ang may kagagawan kaya napadpad sa Dreeber ang kanyang kaibigan. "Ako'y nagalak ng ipatawag ako ng Panginoong Shadow, binigyan nya ako ng pagkakataong mamili sa dalawa. Ang maging malaya, bilang isang mortal o manatiling bilanggo sa Dreeber kasama ang nag iisa kong kaibigan." Mula sa pagkakatitig nito kay Zero, nalipat ang tingin nito kay Ziglo, na unti unti ng naliliwanagan. "Pinili kong maging malaya, dahil alam kong di maglalaon ay maiiwan akong mag isa sa Dreeber. Lalo pa't nakita ko si Amber na nakikipag usap kay Panginoong Shadow." Kumunot ang nuo ni Ziglo pagkabanggit ni Andromalius kay Amber. "Nagmamakaawa , halos manikluhod, mapagbigyan lang ang kanyang kahilingan, na magkaroon sya ng isang anak." "At ako yun!" Sabay pang napabaling ng tingin ang dalawa kay Zero. ng magsalita ito. "Ako yun! diba, Andromalius? Ako ang ipinagkaloob ni Shadow kay Ina?" Malumanay ang tono ng boses nito. "Binura ng Panginoong Shadow, ang dati mong alaala, para makapag simula ka ng panibagong buhay mo sa piling ng mag asawang Ablan." "Pero, ipinagbuntis at ipinanganak ako ng aking Ina! Isa sa mga naging saksi at tumayong pangalawa kong Ama ay si Whisper, kaya imposible yang mga sinasabi mo!" "Pakaisipin mong mabuti ang mga kaganapan, noong huli mo akong nakita!" Ang nalilitong mga mata ni Zero mula sa pagkakatingin kay Andromalius, ay nalipat kay Ziglo. "Bago tuluyan kaming magsanib ni Nero, na inakala mong tuluyan na'kong naglaho, kasabay nun ang pagkawala mo, kaya hanggang dun na lang ang naaalala mo tungkol sakin." Malalim na napaisip si Zero, ang naaalala lang nya ay nung paslit pa sya, mga tatlong taong gulang o apat na taon ba yun? Nung binigyan sya ng pamasko ng Ninong Whisper nya, isang kwentas na nais nyang mawala. Kahit ilang beses man nyang itapon ito, pero kusang bumabalik ang kwentas sa kanya. Parang isang sumpa ang dala nito sa kanyang buhay. At hindi lang yun! Habang lumalaki sya ay parami ng parami ang mga simbolo na nakaukit sa kanyang balat. Ilang beses man nyang ipabura ang mga ito, ngunit lumilitaw at tumitingkad pa itong lalo. Dahil sa mga simbolong ito, marami syang nais at gustong gawin, pero hindi nya magawa dahil pakiramdam nya'y kinokontrol sya nito. "Ang lahat ng alaala ng iyong nakaraan sa Dreeber ay tuluyan ng binura ng Panginoong Shadow. At ang mga alaalang nabuo sa'yong isipan mula nung iniluwal ka ni Amber, hanggang sa nagkakaisip kana... ay si Whisper na ang may kagagawan, itong kasalukuyan mong buhay ay ikaw ng may hawak nito, kaya bigyan mo ng magandang wakas ang pananatili mo sa daigdig ng mga tao, gawin mong makabuluhan ang pangalawang buhay na inalay sa'yo ng kinikilala nating Panginoon sa Dreeber. Dahil kahit anupang mangyari, aminin man natin o hindi, malaki ang pagkakautang natin sa kanya, kaya dapat lang na suklian natin ang kabutihang kanyang ginawa." "Baka nakakalimutan mong... lahat ng ginagawa ni Shadow ay may kaukulang kapalit!" Di napigilang sabat ni Ziglo. "Hindi ako nakakalimot, kaibigan! Hinding hindi!!" Saka ito naglaho, na ipinagtaka ng dalawang naiwan na nagkatinginan na lang sa isa't isa. "Anong nangyari dun?" Kunut nuong tanong ni Zero kay Ziglo na napakibit balikat na lang bago nag anyong Kwago. Saka nya narinig ang boses ni Katie. "Zeke!!! Anubang ene emote mo dyan? Ba't hindi mo'ko sinundan?" 'Kaya naman pala!' Nangingiting napasulyap muna si Zero sa Kwago, bago ito tuluyang tumayo saka sinalubong ang naka simangot na dalaga. "Galet ka eh! Baka mamya kapag sinundan kita, tutukan mo na naman ako ng baril at mamali ka't makalabit mo yun, matodas ako ng maaga, sayang naman kung mamamatay akong single! Yoko nun!!" Lungkot lungkutang mukha ang pinakita nya sa dalaga.. "Sus! Ang arte mo!!" Hinawakan nitong braso ni Zero. "Lika na nga! Kain tayo, nagugutom na'ko!!" Kaylapad ng pagkakangiti ni Zero, habang hila hila sya ni Katie papasok ng bahay nito. 'Ahhh... kaysarap naman maglambing ng mahal ko! Sana wala ng wakas ito...' Kahit alam na ni Zero ang kahihinatnan ng paglilihim nya kay Katie, binabalewala nya na lang ito. Kasi, ang mas mahalaga, masaya syang kapiling ito. Saka na lang nya iisipin ang mga problema kapag nasa gipit na syang sitwasyon, sanay na naman syang binabato ng mabibigat na problema, nasosolusyunan at nagagawan naman nya ng paraan para maayos ang gulo at gusot sa kanyang buhay. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD