Pangarap ꨄ

1182 Words
Ano bang pangarap mo?" Tanong ni Zero sa katabing malayo ang tingin. "Ako?" Saglit itong sumulyap sa kanya, bahagya syang tumango dito. "Pangarap ko!? Simple lang..." Huminga ito ng malalim, bago bumalik sa pagkakatingin sa kawalan. "...ang may magmamahal sa'kin ng tapat at totoo." Napataas ang kanyang kilay. "Bakit? Wala bang nagmamahal sa'yo ng ganun?" Umiling iling si Katie,. saka dahan dahang napayuko. "Sa ganda mong yan? Parang ang hirap namang paniwalaan." Napapalatak pa nyang sambit. "Ewan ko ba! kung bakit sad ending parati ang lovelife ko.. Kung bakit?..." Bumuntong huminga ito, sabay tingin sa kawalan."..kung bakit mailap sa'kin ang pag ibig na totoo." "Hmm.. baka naman kasi sinusungitan mo!!" Nangingiting lihim nyang sinulyapan ang dalaga. "Oy! Hindi ah! Ambait ko kaya!" Nakangusong sambit nito. "Mabait!! ikaw?" Tinaasan nya pa ito ng kilay. "San banda?" "Sa lahat!" Nakasimangot na sagot ni Katie. "Kung di ako mabait, eh di sana, hinayaan na lang kitang tangayin ng mga higad na yun!" "Ganun? Hmm.. nagtataka lang ako kung bakit mo'ko iniligtas at kinupkop, kahit na isa akong estranghero sa'yo.." Matiim nya itong tinitigan. "Anong reason mo, Katie?" Seryoso nyang tanong dito. Noon nya pa nais malaman kung bakit ginawa ito ng dalaga sa kanya. Naku curious lang kasi sya. Dahil sa mga ginagawa at pinapakitang kabutihan sa kanya ni Katie, ibang iba ang kanyang nararanasan habang kasama nya ito, sa mga sinasabi ng kanyang mga kaibigan, lalo na si Bogz, numero unong puro negative feedback ang lumalabas sa bibig nito, kapag si Katie ng paksa ng usapan nila. "Sadyang maawain lang ako, wala ng ibang rason dun, kaya wag mo ng pakaisipin kung bakit ko yun ginawa sa'yo, kasi hindi lang naman ikaw ang natulungan ko, marami na kayo!!" "Ows.. talaga ba?" Pangungulet pa nya. "Oo nga! Kulet naman nito!" Tumulis ang nguso ng dalaga na lihim nyang ikinatawa, gustong gusto nyang pagmasdan ang mukha nito kapag nagsusuplada na. "So, galet kana naman nyan?" "Uy! Hindi ah!" "Hindi daw! Eh ayan oh! Namumula ng ilong mo!" Pinisil pa nyang tungki ng ilong nito, na lalong ikinainis ng dalaga. "Anuba!" Sabay tabig sa kamay nya palayo. "Sinabi ng wag ang ilong ko eh!!" Pinandilatan pa sya ng mga mata nito. "Oh! chill ka lang" nakataas kamay nyang pagpapakalma kay Katie. "Hindi kana mabiro!!" "Hmp! Nakakainis naman kasi yang mga biro mo!" "So, hindi ka lang pala masungit..." Nabitin saglit ang nais nyang sabihin ng makitang humarap na talaga sa kanya ang dalaga. "At anupa? May idadagdag kapa ba?" Hindi na maitago pang galet ni Katie, nakapamewang, baba taas ng pagkakatingin nito sa kanya. "Na..." Napalunok sya't napaiwas ng tingin sa dalaga ng makitang pamumula ng mga mata nito, may nagbabadyang mga luha na papatak sa sandaling kumurap ito. "Pikon kapa! Hahaha." 'Ouch!! It really hurts!' Napayuko si Katie, napahinga ng malalim. Pilit pinapakalma ang kanyang sarili. 'Grabe naman 'tong lalaking ito, malaman kung mag salita! Sapul ako palagi! Huhu,'' "Ganun ba talaga ako sa tingin mo?" Sambit nya ng mahimasmasan. "Sa totoo lang, masakit!! Nasasaktan sya sa bawat salitang naririnig nya sa binata. Ewan ba nya, kung bakit apektadong apektado sya pagdating sa lalaking ito. "Medyo! Kaya, bawas bawasan mo 'yang pagka masungit mo! Abay pa'nu ka magkaka boyfriend nyan kung ganyan ka?" "Hindi naman ako naghahanap! Kaya ayos lang na walang magkamali sa'kin.. Hmp!!" Napa irap na naman sya't napalabi ng di nya namamalayan. "Oy! Ayan na naman yang matulis nyang nguso, dinaig na naman si Donald duck! Hahahaha..." Sa pang iinis ni Zero sa dalagang lihim na sinisinta. hindi nya alam na mas lalong nahuhulog ang loob ni Katie sa kanya. Isa sa mga nagustuhan ng binata dito ay ang pagka bipolar ng dalaga, kumbaga, mabils magalit pero in split seconds mabait na naman ito sa kanya. "Alam mo ikaw! Napaka perfect mo ano? Wala kang kapintasan napakalinis mo,! Grabehh...!" Sarkastikong sambit nito sa tatawa-tawang binata. "Talaga? Well, Dahil ikaw ang maysabi nyan, maniniwala akong perfect nga ako! Hahaha.." Masayang masaya sya kapag ganito ng inaasal ng dalaga, mas lalo pang gumaganda ito sa paningin nya. 'Kuuuu... Kung wala lang amnesia ang lalaking ito, ipapatumba ko na talaga to! Kainis!' Yamot na tinalikuran nyang binata. "Hoy! Katie!! San ka pupunta?" Sigaw sabay takbo pahabol sa dalagang mabilis ang bawat paghakbang. "Kita mong babaeng 'to! Parang wala lang kasama ah! Basta bastang nang iiwan!" Kakamot kamot nyang sinabayan sa paglalakad ang walang imik na dalaga. Nang dina makatiis kinalabit nya ito sa balikat. "Katie!" Mahina nyang sambit. "Hoy! Katie!!" Walang tugon. "Galet kana ba sa lagay na yan?" Kinalabit nya ulit ang dalaga, sa pangalawang pagkakataon, ang tagiliran naman nito ang kanyang pinuntirya. "Hoy! Katie!!" Sabay sundot sa tagiliran nito. Palibhasa nagulat, mabilis itong pumihit sabay sampal sa binata. 'PAK' "Aray!!" Hawak ang pisnging nasaktan, nanlalaki ang mga mata ni Zero na tila di makapaniwala sa ginawa ng dalaga sa kanya. "Ba't moko sinampal?" "Sorry! Nanggugulat ka eh!" Kaagad namang sagot nito, na tila nabigla rin sa kanyang nagawa. "Sorry na! Zeke! di'ko talaga sinasadya!" Kagat labing napayuko na lang si Katie dahil sa pagkapahiya. Napa iling iling na lang syang inabot ang kamay ng dalaga. "Okay lang yun! Wag mo ng alalahanin pa!" Mahinang pinisil nyang kamay nitong hawak. "Lika na! Kain muna tayo, gutom na'ko!" "Hindi kana galet sa'kin?" Mahinang boses na sambit nito. "Ako? Magagalet sa'yo??" Napabuntong hininga pa sya." 'Yun ang hinding hindi ko magagawa sa'yo!" Masuyong hinaplos nyang buhok nito. "Alam mo ba kung bakit??" Iling lang ang naging tugon ng dalaga. "Kasi, mahal kita!" Nakangiting sabi nya. "Ha!" Napaangat bigla ng mukha si Katie. "Anong sabi mo?" "Mahal na mahal kita,! Katie...." Hinaplos nyang namumula nitong pisngi. "...ng higit pa sa'king buhay." Namuong luha sa mga mata ng dalaga. 'Oh heart, please stop jumping without a parachute, we’ll end up crashing, hard, again' Napahawak sya sa kanyang dibdib, malakas ang kabog nito. 'Oh! s**t!!' Tila nanikip ang dibdib nito at nahirapang huminga. 'Bakit ganitong nararamdaman ko? Haahh.. Bakit tila nalulunod ako? Haahh...' Ang sumunod na nangyari sa dalaga, ay hindi inaasahan ni Zero. "Katie!!" Mabuti na lang at hawak nyang kamay ng dalaga, kaya nahigit at nahapit nya ito sa bewang bago pa ito tuluyang bumagsak sa semento. "Katie!! " mahinang tinampal tampal nyang pisngi ng dalaga. "Hoy! Katie!! Anong nangyari sa'yo?" Ng walang sagot mula sa dalaga, binuhat nya na lang ito at dinala sa nakaparadang sasakyan. Maingat na inihiga sa backseat at dali daling sumakay at nag drive pauwi ng condo unit nito. 'Anubang nangyari?' Malalim syang nag isip kong sa'n banda ba sya nagkamali. 'Tsk! Tsk!... Napaaga yatang pagtatapat ko ah! Kaya siguro nahimatay sya sa pagkabigla, hmm... di kaya?' Nilingon nyang dalaga sa backseat. Kay payapa ng mukha nito. Ng sa hindi nya inaasahan ay biglang ngumiti ito na tila nananaginip ng maganda. Napuno ng galak at saya ang puso nyang umiibig ng tapat sa dalaga. 'And just like that!! I'm more than ready for the next chapter in my life.' Kaylapad ng pagkaka ngiti ni Zero pagkababa ng sasakyan. Mas lalo syang nae-excite sa mga mangyayari kapag nagising na si Katie. 💃MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD