Love ꨄ

1604 Words
Napahinto sa pagpasok sa sala si Zero ng makitang may mga bisita si Katie, dalawang babae at tila seryoso ang pinag uusapan ng tatlo. 'Teka! Eto yung mga sumundo kay Katie sa Casa Blanca, noon ah!' Sinipat pa nyang mabuti kung sila ngang mga ito. 'Yeah! Sila nga 'yun.' Napahimas sya ng baba, napabalik palabas at nagkubli. Mas pinili nyang makinig na lang sa usapan ng mga ito.. "Sige na naman! Katie, Tulungan mo na kasi ako?" "Kung pera lang ang problema mo, Heart,! bigyan na lang kita!" Kinuha nyang wallet, naglabas ng cash at dalawang credit card, saka inabot sa kaibigan. "Trabaho ang kailangan ko, Katie,!! hindi instant money!" Napakagat labing sambit nito. Halatang nahihiya sa mga kaibigan. "Hay naku! B*tch!! itabi mo na lang yan at ma pride itong kaibigan natin." Sabat naman ni Kera. "Prinsipyo ang tawag dun,Kera!! hindi pride!!" Sabay irap ni Heart kay Kera na kaylapad ng pagkakangiti na tila bang nasisiyahan sa pang aasar nito sa kanya. Bahagyang napasilip sa loob si Zero. Napatuon ang kanyang tingin sa isang dalagang bahagyang namumula ang pisngi na tila ba nahihiya ito. Simple man kung mag ayos, pero hindi naman nalalayo sa dalawa ang taglay nitong kagandahan. 'Hmm... Heart,! magandang pangalan, bagay sa kanya. Mukha syang mabait...' Nalipat ang kanyang tingin sa isapang babaeng kulay puti ang mahabang buhok, naka sombrero ito ng itim. At kagaya ni Katie, matapang ang bukas ng mukha nito. Kumbaga masasabi nyang.... 'Hindi lang ito maldita! kundi demonyeta pa!' Bahagya pa syang natawa sa kanyang mga naiisip. "Bakit hindi kana lang sumama sa Italy, kasamang family mo? Ano ang dahilan bakit gusto mong maiwan at dito manirahan?" Napakamot ng ilong si Katie ng mapansin ang pananahimik ni Heart sa isang tabi. "Tinatanong paba yan, b*tch? Sure ako! hindi nya maiwan si hudas dito!" Taas kilay ng sulyapan ni Kera si Heart na kaagad umiwas ng tingin sa kanya. "Akala ko ba eh... hiwalay na kayo ni Cejay, Heart? Di nga ba't ilang beses mo na syang nahuli kasamang babaeng 'yun?" Napaisip saglit.. "Ahm... Anu ngang pangalan nun?" "P- Pia..." Halos pabulong na sambit ni Heart. "Pia, na mukhang tilapya! Hahaha." "Uys! Kera!! Wag ganun! Bad manlait ng kapwa!" Kunwaring sita ni Katie, pero halata namang natatawa rin ito, nagpipigil lang ng makitang pagkailang ni Heart. "Sus! Bad na bang magsabi ng totoo ngayon?" "Depende!..." Sabay turo ni Katie kay Heart na ngayon ay yokong yoko ng ulo. "...Depende sa sitwasyon!" Siniko nyang katabi. "gets mo?" "Gets ko!!" Sabay kindat pa nito. "Change topic na nga tayo! Kumusta na palang ampon mo? Magaling na ba?" "Ahm... Mukhang hindi pa!" "Ha! May amnesia pa rin ba?" Napabuntunghinga na lang sya bilang sagot sa tanong ni Kera. "Hah! Grabe! Mag e isang taon na ah! Dipa rin nakaka recover?" "Hindi!! Ang ipinagtataka ko lang ay...." Malalim syang napaisip. "...kung bakit, tila yata walang naghahanap sa kanya?" "Ganun!! Eh, 'diba nag report kana sa pulis?" Tumango naman sya agad. "Nun pang tulala pa sya! Mahigit tatlong araw din 'yun!!" Sabay pang napapitik sa hangin ang dalawa bago sabay nagkatinginan at sinabing.... "Weird!!" "Anubang hitsura nya?" Sabay pang napabaling ng tingin ang dalawa kay Heart. "Baka makatulong ako sa paghahanap sa pamilya nya." "Sya nga naman, Katie! Mas maraming kumikilos, mas mabilis nating mahahanap ang pamilya ni Zeke!" Hindi nakaimik si Katie. Natameme syang bigla. 'Anuba 'tong nararamdaman ko? Isipin ko pa lang na malalayo na sa'kin si Zeke, sobrang nalulungkot na ako.' "Hoy! Katie!! Okay ka lang ba?" Sabay kalabit ni Heart sa kaibigan. "Wala na, Heart! Mukhang bumibigay ng cold hearted b*tch nating kaibigan,,hahaha.." "Ng ganun kabilis? Hindi pa naman siguro, Kera! Mataas standard nyan eh! Hindi bibigay yan ng ganun ganun lang!!" "Aba'y dapat lang! Eh! ni hindi pa nga nya alam kung saang lupalop ng mundo ito nanggaling, tapos mafu fall na kaagad sya!! No way!! B*tch!!" Mahinang tampal sa pisngi ang nagpabalik sa diwa ni Katie. Masyadong marami na syang naiisip pagdating kay Zeke. "H- Huh! A- anong sabi mo?" "Ay! Wala na! Nahulog na ngang pinya!! Hahaha.." "Ha! Anong pinya?" Kunut noong tanong ni Katie sa katabing tawa ng tawa, samantalang iiling iiling lang si Heart na isinukbit ang shoulder bag nito saka tumayo at naglakad patungong pinto. Pero bago lumabas, lumingon pa ito sa kanya at sinabing... "Hoy! Katie, bukas na'ko mag start bilang PA mo ha! May raket kami ngayon ni Weng eh! Thanks!! Bye na sa inyo!!" Sabay sara nito ng pinto. "Grabeng babaeng 'yun!! Dipa nga ako pumayag, tinapos ng usapan!!" "Sus! Para ba namang mahi hindian mong isang Heart, na mahigpit ang pangangailangan." "Yun ang problema! Paano pag nalaman ng kanyang Ama na tinutulungan ko sya?" "As if naman,.. may pake ka!! Helloooo... B*tch! Ako lang 'tong kaharap mo oh! Hindi ibang tao!! Kaya, drop that innocent look, nakaka irita!!" "Ikaw naman! High blood kaagad! Syempre,! si Tito Prince 'yun eh! Parang si Daddy na rin ang niloko ko, kapag nakipag sabwatan ako kay Heart." "Wow! Naririnig mo bang sarili mo Katie? Anu may dinaramdaman ka ba?" Sinalat nitong noo pati leeg ng dalaga. Naninibago na talaga si Kera sa kaibigan. "Bakit feeling ko, anlaki ng pinagbago mo? Ano bang nangyayari sa'yo?" Tinampal nya ito sa nuo.. "Uy! Ang OA mo! Tigilan mo na yan! Seryoso ako." "Ba't parang bumait kana? Hindi kana bitchy ngayon?. Hmm..." Tinitigan nitong kaibigan. "In love ka ano?" Ngiti lang ang naging sagot ni Katie. "Oh my God!!" Awang ang labi't nanlalaki ang mga matang napatili na si Kera dahil sa kilig nito. "Eeeeee....!" Bigla itong napatayo at nagtatakbo palayo sa kanya. "Hoy! San ka pupunta?" "Maghahanap ng jowaaaaa....." "Hahahaha... Loka loka ka talaga Kera!!" Akmang tatayo na sya para sundan ang kaibigan ng may tumawag sa kanyang pangalan. "Katie!!" Parang huminto ang pag ikot ng mundo ni Katie pagkarinig sa malalim na boses ni Zero. 'Zeke!! My God! Ang boses na 'yan!' Dahan dahan syang lumingon kung saan nanggagaling ang mga yabag na kanyang naririnig. "Hi, Katie! Pwede mo ba akong samahan ngayon?" Bagamat nakangiti naman si Zero, pero iba ang nakikita ni Katie sa mukha nito. Iba ang aura na nakikita nya dito. 'Bakit parang may kakaiba sa kanya? Bakit nag iiba na naman ang kulay ng kanyang mga mata? Bakit tila ibang tao itong aking kasalamuha?' "Katie!! Hey! Katie!" Hinaplos nyang makinis na pisngi ng nakatulalang dalaga. "Ayos ka lang ba?" Kahit na alam na ni Zero kung anong iniisip ni Katie sa kanya, umakto syang normal at pilit pinapakalmang sarili para bumalik na sya sa dati nyang hitsura, ng mailihis nyang bumabalot sa kanyang maitim na aura. 'Palagi mong tatandaan, kontrolin mong iyong emosyon, kung ayaw mong mawala na parang bula ang iyong buhay at kaligayahang pinaka aasam asam.' Mariing napapikit saglit si Zero, ng biglang pumasok sa kanyang isipan, ang huling habilin ni Nero sa kanya nung huli silang magkita. "Zeke..." Mahinang haplos sa kanyang pisngi ang nagpadilat sa nakapikit na mga mata ni Zero. Dahan dahan nyang idinilat ang kanyang mga mata. At ang bumungad ay ang maganda't maamong mukha ni Katie, nakangiti pa ito habang hinahaplos ang kanyang pisngi. "San ka galing? Ba't ngayon ka lang umuwi? Hindi mo tuloy naabutan ang mga kaibigan ko." Nakalabi pang dalaga na bahagyang ikinangiti nya. "Halika... Sumama ka sa'kin!!" "San naman tayo pupunta?" "Isa itong surpresa.... Mahal ko..." Parang naglalakad lang sa alapaap si Katie ng masuyong hilahin na sya ni Zero palabas ng bahay nya. Sa mahigit isang taon na nilang magkasamang dalawa. Masasabi nyang... malaki na talaga ang kanyang ipinagbago. Ang dating cold hearted B*tch... Ngayon ay naging soft hearted na Ang mapagmataas at walang pakialam... Ngayon ay mapag kumbaba at maalalahanin na 'Well...siguro naman deserve ko rin ang maging masaya diba? Isang taon na rin naman akong single. Matapos maloko ng baklang 'yun!! Hmp!!' Nainis lang tuloy sya ng maalalang Ex na si Devon, isipin lang nyang naisahan sya ng gonggong na 'yun, nasisira ng mood nya. Nilingon nyang kahawak kamay na binata. Napangiti na sya ng masilayan ang gwapo nitong mukha. 'I want a guy who can buy me a dozen roses and surprise me every minute of the day. I need a guy who can still make those butterflies in my tummy flutter crazily even without the flowers or surprises. I want a guy who can write me songs and sing them for me. I need a guy who will sing to me my favorite songs even if he is out of tune. I want a guy who calls me pretty all the time. I need a guy who can make me feel beautiful without saying it. I want a guy who can take me to the places I wish to go. I want a guy who tells me that I'm his everything. I need a guy who can make me feel that I am matter more than anyone or anything. I want a guy who calls me every night and texts me everyday. I need a guy who writes me love letters when we are not together then gives them to me when we meet. I want a guy who is mature enough to handle a relationship. I need someone who is patient enough to deal with me and my antics. I want a guy who can treat me well. I need a guy who treats me right. I want a guy who tells me I love you everyday. I need a guy who says it and proves it every time. I want a guy who deserves me. I need a guy who believes I am worth it. And that guy is you... Zeke!!!' 💃MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD