Chapter 1: Unlucky Day
Ally's Pov
"At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na 'pipilit pa...
Ang tanging hiling ko lang sa kanya
Huwag kang paluhain at alagaan ka niya.....
"Ehemmm ." napahinto ako sa pagkanta ng marinig ko ang pagtikhim ng pinsan ko. "PB ang lalim naman yata ng hugot mo"..dagdag pa nito.
"Hugot talaga... D ba pwedeng masaya
lang.." Ganting sagot ko naman.
"Masaya?" Di makapaniwala niyang tanong sa sinabi ko. "Pero bakit yung kanta mo pang broken?"
Ganito kami lagi ng pinsan/bestfriend ko na si zhina. Asaran ang batian namin pero kahit madalas kami mag asaran,bawal ang mapikon. Dalawa Lang kasi kami ni zhina dito sa maynila kaya ang isa't isa lang ang maaasahan namin dahil nasa probinsiya ang pamilya namin. Ang mga kuya ko at ang mama at papa ni zhina. Kung itatanong nyo ang parents ko, matagal na po sila namayapa. 10 yrs old palang ako ng mawala sila dahil sa isang aksidente kaya wala akong maraming alaala nila at ang masakit pa dun 10th birthday ko nang mangyari yun kaya ang mama at papa na ni zhina ang nagpalaki sa amin kaya higit pa sa magpinsan ang turing namin sa isa't isa. PB ang tawagan namin means pinsan/ bestfriend.
"At sino naman ang nagpapasaya sayo Ms. Alizia Fortes? Bakit wala akong alam?" dagdag niya pa.
"SINO agad? Di ba pwedeng ANO?" Naiiling
na lang ako sa mga tanong ni zhina.
"Ay akala ko meron na." parang nanghihinayang pa nasagot niya.
Natawa na lang ako sa reaksiyon niya."Wag ka kasi masyado advance mag isip, masasaktan ka lang." ganting biro ko, puro kasi kalokohan ang alam niya.
"Tumawag kasi sa akin kagabi yung isang company na inapplyan ko, may interview daw ako ngayon kaya masaya ako."
"Ah... Halata nga eh." parang hindi kumbinsidong sagot niya. "Kaya pala pormal na pormal tayo." dagdag pa niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
"Eh ikaw saan naman ang punta mo? " baling ko naman sa kanya. "Para kang magnininang sa kasal. " ako naman ngayon ang mang asar. Bihis na bihis kasi siya ngayon..
" Ouch ah, grabe ka manlait PB, magnininang talaga?" kontra niya sa sinabi ko. "Pero may tama ka naman may pupuntahan nga akong kasal"
"At sino naman?" takang tanong ko? Lahat kasi ng kilala ni zhina dito sa maynila ay kilala ko din at wala naman akong alam na ikakasal sa kanila.
"Hello PB nasan ang utak mo ngayon?San ba ako nagtatrabaho? Nakalimutan mo yata na event organizer ang trabaho ko."
"Alam ko naman yun PB ,nagtataka lang kasi ako sa ayos mo." dati rati kasi simpleng jeans at blouse lang ang suot niya pero ngayon kasi ay naka dress siya. Bihira lang kasi siya magsuot nito ,kapag may family gatherings lang o special occassion dahil hindi daw siya kumportable sa mga ganitong damit.
"PB hindi naman kasi simpleng wedding event yung ioorganized namin. Sa isang Five star hotel lang naman ang venue.
"
"Eh ano naman ang konek nun? Wag mong sabihin na aakitin mo pa yung groom? " dagdag biro ko sa kanya.
"Siyempre PB kung hindi basta basta yung ikakasal, ibig sabihin hindi rin basta basta yung mga bisita. Sigurado marami ding mayayamang gwapo dun. Nakakahiya naman kung tshirt at jeans lang ang suot ko. Baka napagkamalan pa kong tress passer don."mahabang paliwanag niya.
"Ah yun naman pala." tatango tango kong sagot nang maintindihan ko ang ibig sabihin ni PB. " May balak ka pang mamingwit ng malaking isda. " natatawang sabi ko na lang.
"Siyempre PB isasabay ko na sa trabaho ko ang paghahanap ng Forever. Kaya dapat ikaw isabay mo na din sa paghahanap ng trabaho ang paghahanap ng pag ibig." At idinamay pa ko ng bruha.... Para sa akin kasi hindi naman hinahanap ang forever dahil wala namang forever(de joke lang). Kusa kasi yan dumarating.
"O siya sige makaalis na at baka makahanap na ko ng trabaho para yang sinasabi mong forever na lang ang hahanapin ko." pagpapaalam ko na kay zhina, mahirap na at baka Malate pa ko sa interview.
"Goodluck na lang PB dahil mas mahirap humanap ng Forever kaysa sa trabaho." Dagdag na pang aasar niya pa.
---------
Someone's Pov
"Hello Bro."
"Ano nanaman ang kailangan mo? "
"Ouch bro grabe ka sakin. Pag tumawag ba ko sayo may kailangan agad? Di ba pwedeng namimiss lang kita? "
" I know you. "
"Hehe sabi ko nga. "
"Kung wala kang matinong sasabihin ibababa ko na to. "
"Eto naman di mabiro. "
"May kailangan ka ba o tumawag ka lang para mang asar? "
"Ikaw muna umattend sa meeting.."
"What? ".....
"Sabi ko ikaw muna umattend sa meeting. "
"And why?.....Ano nanaman ang kalokohang ginawa mo??"
"Mahabang kwento eh. Please bro,pumayag ka na."
"Ayoko nga. Alam mo naman bestman ako sa kasal ni Ryan. Nasaan ka ba kasi ngayon? "
"Bro hindi kasi ako aabot . Pabalik pa lang ako ng manila eh, galing kasi ako sa Tagaytay. 10 am pa naman ang kasal kaya sure akong makakaabot ka, saka bro sanay ka naman Malate sa kasal."
"Okay....It's a No. At bakit ka naman napunta ng Tagaytay? "
"Basta, saka bro hindi mo naman ako kagaya na walang kulay ang buhay. "
"Tsk. Ibang klase ka rin makiusap. Nang aasar."
" Joke lang, di ka naman mabiro."
"At ano naman ang mapapala ko pag pumayag ako?"
"Desperado na ko bro kaya kahit anong hingin mo ibibigay ko. Pero paalala ko Lang bro ah, hindi ako magician para bigyan ka ng instant girlfriend kung sakaling yan ang hihilingin mo."
"Tsk... Pero paano pag nalaman ni Papa? "
"Don't worry bro Hindi naman siya pupunta sa office."
"Are you sure? "
"Oo nga, saka di ba ninong din siya. "
"Oo na,sige na. Siguraduhin mo lang na hindi tayo mahuhuli. "
"Promise. Thanks bro, I love you. "
--------
Ally's POV
Tsk. Pag minamalas ka nga naman oh. Bakit walang tricycle ngayon? Kung kailan naman nagmamadali ako para sa interview saka naman walang masakyan. Kalahating oras na ko naghihintay dito hindi parin ako nasasakay. May mga dumadaan nga pero puno naman.
Ayoko naman maglakad dahil maputik at madulas ang daan dahil sa ulan kagabi, kung bakit kasi hindi man lang ipaayos ng barangay tong daan na to. Nabuhayan lang ako ng loob ng may makita akong paparating na tricycle.
"Naku manong hulog ka ng langit."pabulong kong sabi.
Nakahanda na kong parahin si manong ng biglang........
"Aaaaaaaaaaaaaah." gulat kong sigaw ng biglang may tumalsik na tubig sa akin.
"Hoy walang hiya kang driver ka." paano ba naman may walang hiyang driver ang muntik nang makasagasa sa akin ng mag overtake kay manong na tricycle driver at ang masaklap pa natalsikan ako ng putik.
"Bumaba ka diyan. " inis kong sigaw nang huminto siya. " hoy walang hiyang driver na akala mo hari ng kalsada hindi mo ba alam ang salitang dahan dah------
"Naku miss sorry ah pero nagmamadali kasi ako. Pasensiya talaga."
"Hooooooooy bumalik ka dito." ang walang hiya tinakbuhan ako. Daig ko pa ang nahit and run nito ah. Paano na ko pupunta sa interview nito. Pag nabihis pa ako malelate na ako. Pero hindi naman pwede na pumunta ako na ganito ang itsura. Hayst. Pagminamalas ka nga naman oh.
----------
Laglag ang balikat ko na umuwi ng bahay dahil wala naman akong choice.
"Oh PB ang bilis mo naman. Anyare sayo, bakit ganyan itsura mo?" Sunod sunod na takang tanong ni zhina ng makita ako.
"Huwag mong sabihin na tinapunan ka ng putik ng nag interview." dagdag niya pa.
"Paano naman mangyayari yun eh hindi nga ako nakarating sa interview." nakasimangot kong sagot.
"Eh ano ba kasing nangyari?"
Biglang nagbalik sa isip ko ang nangyari dahil sa tanong ni zhina.
"Eh kasi naman PB may walang hiyang driver na akala niya yata pag aari niya ang kalsada.
"So paano yan eh di hindi ka na makakapunta sa interview?"
"Ano pa nga ba. Hindi naman pwede na pumunta ako na ganito ang itsura. Kasalanan to ng lalaking yun."
"Pero PB gwapo ba? " napalingon ako kay zhina dahil sa sinabi niya. Sa halip kasi na itanong niya kung hindi ako nasaktan eh yung itsura pa ng lalaking yung naisip niya.... Hmmmmm pero infairness may itsura naman siya at hindi ko makakalimutan ang pagmumukha niya. Hilingin nya lang na wag nang magtagpo ang landas namin dahil pagnakataon humanda siya .
"Alam mo PB ibang klase ka din noh. Akala ko pa naman mag aalala ka sakin."
"Eto naman, syempre PB nag aalala ako sayo.... Pero ano nga? Gwapo ba? Malay mo PB siya na ang forever mo."
"Forever agad, eh muntik niya na kong masagasaan. Kamalasan nga dala sakin nun . Saka ano yun naputikan lang nagkalovelife na. "
"Eh bakit ayaw mo sagutin tanong ko kung gwapo yun?"
"Pangit yun, saka matanda na." sagot ko na lang sa kakulitan ni zhina.
"Ay ganon. Akala ko pa naman magkaka lovelife ka na. "
Tsk. Minsan talaga di ko alam kung anong iniisip ng pinsan ko na to. Ano kaya konek ng kamalasan ko sa lovelife ko.
"Eh kung sumama ka na lang kaya sakin, malay mo dun ka makatagpo ng gwapo at mayaman."hirit niya pa.
"Ewan ko sa'yo." eto talagang si zhina hindi papatalo....Hindi naman ako naghahanap ng gwapo at mayaman. Ok na sakin yung mabait at hindi ako sasaktan.
End of chapter 1