-------
Ally' Pov
Sa wakas sa hinaba haba ng prusisyon ay natuloy din kami sa simbahan.... Ibig ko pa lang sabihin ay nakarating na din kami sa simbahan.
"PB tutal nandito na lang din tayo manood na tayo ng kasal." suhestiyon ni zhina. At wala naman din ako akong magagawa kaya pumayag na lang ako.
Habang nag wewedding march nang may mag text sa cellphone ko.
"Hi baby kumusta na?" Si kuya Drew, ang panganay namin.
"Okay lang naman kami ni zhina and please kuya don't call me baby. Hindi na ako bata." inis kong reply sa kanya.
"No, ikw pa rin ang baby namin. Saka wala ka pa naman boyfriend kaya kami pa lang ng kuya Dave mo ang may karapatang tumawag sayo niyan." reply nanaman niya na hindi ko alam kung nang iinis ba.
"Ewan ko sa inyong dalawa. By the way kuya kumusta na kayo? Si Tito Zhiggy at Tita Dina kumusta na?"
"Okay lang naman sila? Kailan niyo ba balak umuwi dito ni Zhina?" Tanong ni kuya Drew. Sa totoo lang gusto ko rin naman magbakasyon sa Probinsya . Nakakamiss kasi sila. Medyo busy pa kasi si zhina. Ayoko naman umuwi mag isa at ayoko din naman iwan siya dito.
Halos hindi rin ako nakapanood ng kasal dahil katext ko si kuya Drew nang mapansin ako ni zhina.
"PB sino ba yang katext mo at mukhang busy ka? Tingnan mo yung Best Man ang gwapo."
Titingnan ko sana ang tinutukoy ni zhina ng mag ring nanaman ang cellphone ko.
"PB labas muna ko tumatawag kasi si kuya Dave." Paalam ko kay Zhina na tutok na tutok ang tingin sa ikinakasal at mukhang kinikilig pa.
"Hello kuya kumusta na kayo diyan?"
"Okay lang naman kami. Kayo ni zhina kumusta? Namimiss na kayo ni Tito at Tita. "
"Pakisabi wag sila mag alala okay lang naman kami dito. Basta pag di na busy si zhina uuwi kami dyan."
"Okay sige basta mag ingat kayo diyan ah. Wala pa ba nagkakamali na manligaw sayo diyan?"
"Kuya naman eh. "
"Oh siya sige na pag may time kayo magbakasyon kayo dito ah. Basta wag lang kayo uuwi dito na umiiyak dahil lang sa lalaki kung hindi lagot samin yan ni kuya Drew."
"Promise kuya. Pakisabi na Lang kina tita at tito na miss na miss na namin sila. Bye kuya love you."
Hayst lalo ko tuloy sila na miss. Para ko na rin kasi silang mga magulang. Sila na kasi ang nag alaga sa amin simula nang mawala sila mama at papa. Pagkatapos kong makipag usap sa telepono ay nag paalam na ako Kay zhina upang mauna ng umuwi.
------
Kenj's Pov
Sa totoo long kanina Pa ako naiinip dito. Sa dami nga ng iniisip ko ay Hindi ko na namalayan na matatapos na pala ang kasal. Idagdag Pa ang problema na ginawa ni Benj na ngayon ay pangiti ngiti lang sa akin at parang walang iniintindi. Naputol lang ang pag iisip ko nang biglang magsalita ang photographer.
"Yun pong Best Man at Brides maid sa tabi po kayo ng newly wed."
Habang inaayos kami ay nahagip ng aking mata ang isang babae na nakatayo sa dulo ng simbahan na pangiti ngiti habang may kausap sa cellphone. What a small world bulong ko sa isip ko. Siya din kasi yung nakita ko kanina sa daan habang papunta ako ng opisina. Napakasimple niyang tingnan na parang walang kaarte arte at napaka inosente. Hindi siya katulad ng ibang babae na halos hindi na makilala dahil sa kapal ng make up. Napaisip tuloy ako kung kakilala siya ni Ryan o ng asawa nito. Naalis lang ang tingin ko sa kanya ng muling magsalita ang photographer.
"Okay ready na po tayo... One.. Two... Three... Smiiiile"
Pagkatapos ng picture taking ay muli kong sinulyapan ang babae nang biglang-----"Nasan na yun?" bigla kasi siya nawala.
"Huh.. Sino?" tanong ni Ryan na narinig pala ang sinabi ko.
"Ah wala, may nakita lang akong dating kakilala." pagdadahilan ko na lang.
Lumabas ako ng simbahan subalit hindi ko na siya nakita. Nagulat na lang ako nang magsalita si Benj sa likod ko.
"Bro sinong hinahanap mo?"
"Ah wala." sagot ko na lang.
-----------
Kenj's POV
"Wala na ba talaga kayong balak na magtino na dalawa ha?" nandito kami ngayon sa office ni papa sa bahay para harapin ang galit niya samantala itong katabi ko ay parang walang naririnig at pangiti ngiti pa habang nakatingin sa cellphone niya.
"Ikaw Kenj." Turo sakin ni papa. "Lagi mo na lang kinukunsinti yang kalokohan ng kapatid mo. Ikaw ang mas matanda kaya ikaw dapat ang sumusuway sa kanya. Paano na lang pag nalaman ng Board na ikaw at hindi si Benj ang dumalo sa meeting. Ano na lang iisipin nila, na pinaglalaruan niyo lang sila."
"Grabe naman si papa makapagsabi sayo ng mas matanda eh 8 minutes lang naman ang tanda mo sakin." mahinang sabi ni Benj na ikinatawa ko naman pero hindi ito nakaligtas sa matalas na pandinig ni papa.
"Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa inyong dalawa para magtino kayo." inis na sabi ni papa habang may idinadial sa cellphone niya.
"Hello Mr. Diaz." napatingin kami kay papa nang banggitin niya ang pangalan ng kausap niya. Yun lang naman ang apelyido ng kaibigan ni mama na may dalawang anak na babae.
"Pa. " sabay naming tawag ni Benj na sa wakas ay nagsalita din. Parang alam na kasi namin ang iniisip niya. Balak niya yatang ipakasal kami sa mga anak ng kaibigan ni mama.
"Kung ito lang ang paraan para magtino kayo ay gagawin ko."
Mabait naman si papa pero hindi siya magsasalita ng isang bagay na hindi niya gagawin. Ito ang dahilan kaya ayaw ko siyang nagagalit . Ewan ko na lang kay Benj kung saan kumukuha ng lakas ng loob na gumawa ng kalokohan.
"Pero Pa." sa wakas ay konta ni Benj.
"Bakit anong masama dun? Wala naman kayong girlfriend at isa pa kilala sila ng pamilya na-----
"I have a girlfriend." putol ni benj sa sinasabi ni papa.
"Ikaw Kenj?" baling niya sakin.
"A...... I have a girlfriend too." mahina kong sagot. Napatingin sakin si Benj na may nakakalokong ngiti na alam kong hindi naniniwala sa sinasabi ko. Akala ko ay tapos na ang tanong sakin ni papa ng biglang .......
"What's Her name?"
"Ahmmmmmm A------" napahinto ako sa pagsasalita ng may kumatok at pumasok si mama."
"O tama na yang man to man talk na yan. The dinner is ready."
"Oh sige ipakilala niyo sila sa amin para maayos na ang kasal." final na sabi ni papa bago lumabas ng kuwarto.
"Hah? Wait,kasal? Bakit, inlove na ang mga boys ko? " nagtataka pang tanong ni mama.
"Whoooow save by mama." natatawang sabi ni Benj
"Thanks ma. Your my savior." natatawa ding sabi ko.
"Hah?"---mama
"Ah wala ma, tara kain na tayo nagugutom na ko."pagyayaya ko.
------------
Kenj's Pov
"Bro ang lalim naman yata ng iniisip mo? Iniisip mo pa rin ba kung anong pangalan ng girlfriend mo."asar akong napatingin kay Benj.
"Alam mo kasalanan mo lahat ng to."inis kong sabi kay Benj.
"Sorry." sinsero naman niya sabi. "Di ko naman alam na aabot sa ganito eh. "
"Hayst ano pa nga bang magagawa ko nandiyan na yan. "
"Promise bro babawi ako sayo."
"At ano naman ang gagawin mo?"
"Tuturuan kita manligaw. "
"What? Ano palagay mo sakin hindi marunong manligaw? " Tsk. Akala ko pa naman seryoso na ang isang to.
"Sabagay napasagot mo nga pala si Krist-----
Sinamaan ko siya ng tingin kaya napahinto siya sa pagsasalita. "Pero bro magaganda naman yung mga anak ni Tita Ann pag naka make up." pag iiba niya ng usapan na ang tinutukoy ay ang kaibigan ni mama
"Ewan ko sayo. Puro ka talaga kalokohan."