IRIS POV
Takbo lang ako ng takbo kahit saan. Iyak lang din ako ng iyak, walang humpay. Kahit saan ako magpunta, naririnig ko ang boses ng mga lalaking gusto akong patayin.
"Tulungan niyo ako!" Pagmamakaawa ko. "Tulungan niyo po ako!"
"HAHAHA." Humalakhak ang isang matipunong lalaki. "Hindi ka na makakatakas pa mula sa amin, bata!"
"Tulong! Tulong! Tulungan niyo ako!" Humagulhol ako. Sa gitna ng aking pagtatakbo sa palayan ay natapilok ako. Umiyak ako lalo at dumaing dahil masakit ang aking paa. Hindi na yata ako makakatayo pa. Humahapdi rin ang aking balat dahil marami na pala akong sugat gawa ng matatalas na halamang nadadaanan ko.
Mas lalong lumakas ang mga boses. Kumalabog ng husto ang aking puso. Nandiyan na naman sila. Bababuyin na naman nila ang katawan ko. Pagpipiyestahan na animo'y mamahaling karne.
"Ano, bata? Suko ka na ba?" Patuyang tanong ng lalaking may malaking katawan.
"'Wag ka na kasing pumalag pa, bata. Masasaktan ka lang."
"Mag demonyo kayo!" Sigaw ko. "Mga demonyo kayo!" Nanghina ako. Dalawa lang ang puwedeng mangyari. Mamamatay ako o may tutulong sa akin. Ngunit mukhang malabo.
Tumawa ng malakas ang lalaking pinakagitna. Mayroon siyang kwintas na kulay berde. Mukha siyang mamahalin. Pakiwari ko'y diyamante iyon.
"Sige, sumigaw ka pa, bata. Walang makakarinig sa'yo. Isa pa, walang magtatangkang tutulong sa'yo kung ayaw nilang mamatay." Pagkatapos ay nagsitawanan silang lahat.
Lima sila. Limang lalaki na mukhang may lahing dayuhan. Hindi sila basta bastang tao dahil mukha silang disente. May maayos na pananamit at may mga alahas sa kanilang katawan.
"Ano? Tuluyan na natin." Aya ng isang lalaki. Mayroon siyang balat sa kamay na nagmimistulang relo.
"Huwag muna. Pagpiyestahan muna natin. Mukhang masarap eh. Birhen pa ito panigurado." Sagot ng may sugat sa mukha. Kinalmot ko kasi siya kanina.
"Sige, pre. Sino ang una?" Tanong ng isang lalaki. Mayroon siyang nunal sa gilid ng kaniyang kilay.
"Kailangan pa bang tanungin iyon?" Pagmamayabang ng may balat.
"Oo nga naman." Segunda ng may kwintas na diyamante.
"Ano pa hinihintay niyo? Simulan niyo na!"
"Huwag po!" Pagmamakaawa ko pero parang wala silang narinig. Hinubad nila ang kanilang mga damit saka dahan dahang lumapit sa akin. "Maawa po kayo sa akin. Huwag niyo po akong galawin." Hagulhol ko pero tumawa lang sila. Sa sandali pa'y hinawakan nila ang dalawa kong kamay at maging ang paa. Nagpupumiglas ako pero dahil malalakas sila, bigo kong nagawa ang aking plano. Wala na akong ibang magagawa kundi ang tanggapin nalang ang aking sinapit.
"Hmmm. Masarap yata 'to!" Ani lalaking may nunal saka humalakhak.
Mas hinigpitan nila ang pagkakahawak sa akin. Kinulong din nila ang ulo ko gamit ang kamay ng lalaking may sugat sa mukha habang sinisimulan ng babuyin ang katawan ko.
Malalagkit na laway, nag-aalab at mapaglarong dila ang siyang sumasakop sa paa ko. Hindi lang isa kundi tatlong dila. Pinaglalakbay nila iyon na parang sabik na sabik makatikim ng karne. Umiyak nalamang ako. Iyon lang ang natatangi kong alam na gawin. Kamatayan na yata ang kasunod nito.
"Kuya!" Tawag ng isang boses. Natigil ang limang lalaki sa panghahalay sa akin at nilingon ang pinanggalingan ng boses. "Kuya Marco." Tawag muli nito.
Tumayo ang limang lalaki at isa isang kumuha ng baril. Mula sa kinahihigaan ko'y tanaw ko ang kabuuan ng isang bata. Malabo ang kaniyang mukha dahil sa ilaw na nagmumula sa kaniyang likuran.
"A-Ano pong ginagawa niyo sa kaniya?" Utal nitong tanong.
"Wala ka na rito, bata." Sabi ng isang lalaki. Nakatalikod silang lima sa akin kaya 'di ko makita ang mukha nila.
"Tama na po... Kuya Marco, a-ano po 'to?"
"Umalis ka na kung ayaw mong masaktan." Walang emosyong utos ng lalaki. Siya yata ang tinatawag na Kuya Marco.
"Ngunit, Kuya Marco."
"'Di mo ba siya narinig, bata? Epal ka rin, ano? Gusto mong mamatay?"
"Rodulfo." Tawag nito sa nagbabantang boses. Tumahimik naman ang lalaki.
Habang nag-uusap sila'y sinubukan kong tumayo. Nakatayo ako't paika-ika nga lang kung maglakad. Kailangan kong makaalis mula dito. Hinahanap na ako ni ina.
"At saan ka pupunta?" May mabigat na kamay ang humatak sa buhok ko. Napakapit ako sa aking buhok dahil pakiramdam ko'y mabubunot niya ito ng wala sa oras.
Tinulak ako ninuman kaya sumalampak ako sa paanan ng isang tao. Hinang hina na ako dahil sa mga nangyayari.
"Quiero que la mates." Wika ng lalaki sa malalim nitong boses. [Gusto kong patayin mo siya.]
"No puedo, Kuya Marco." Sagot ng nasa harap ko. [Hindi ko kaya, Kuya Marco.]
"Matarla o te mataré?" Panghahamon nito. [Papatayin mo siya o papatayin kita?] "Narito ang baril. Tamaan mo siya sa puso."
"Huwag po! Nagmamakaawa po ako sa inyo. Huwag po." Pagmamakaawa ko. Ayaw ko pang mamatay. Kailangan pa ako ng pamilya ko. Paano nalang kung mawala ako? Sino ang mag-aalaga sa kanila?
"Bilisan mo!" Sigaw ng lalaki sa pagkainip. Humagulhol nalang ako. Katapusan ko na nga yata.
Katahimikan ang bumabalot sa amin puwera sa mga kuliglig. Hindi nagtagal, kinalabit ng taong nasa harap ko ang gatilyo.
Isang putok ng baril ang siyang nagpabangon sa akin mula sa isang bangungot. Napalingalinga ako sa paligid. Nasa gitna ako ng palayan. Tumayo ako't tumayo palayo. Ngayon ay alam ko na ang buong pangyayari.
Marco... pangalan ng lalaking isa sa mga pumatay sa akin.
Samuel POV
"Nakita ko siya, kuya." Wika ni Valeria nang nakapasok kami sa loob ng aking kuwarto.
Gulat ko siyang binalingan. Hindi ko akalaing nakita niya pala si Iris.
"Ang sabi mo'y hindi mo siya nakita." Sabi ko.
"Kuya? Alangan naman na sasabihin natin kay Ate Victoria ang tungkol kay Iris? Edi mapapahamak tayong dalawa?" Ngumiwi siya't binagsak ang kaniyang pang-upo sa gilid ng aking kama. Bumuntong hininga naman ako't umupo sa bakanteng silya.
"Iyon nga ang ikinababahala ko, Valeria. Hindi dapat malaman ninuman ang tungkol kay Iris. Lalo na ngayon na nagmamatiyag na si Victoria."
"Hmm," ngumiwi siya na panguso. "Ano kayang gagawin natin, hermano?"
Tumayo ako't napaisip saglit.
"Ang sabi ni Wesley, bali-balita ang sinapit ng isang babae sa palayan-"
Palayan.
Naglihis ako ng tingin at napatulala ako sa salitang iyon. Palayan.
"Bakit, hermano? May problema ba?" Agaw atensyon na tanong ni Valeria.
"W-Wala naman. Naisip ko lang... ano kaya ang sinapit ng babaeng iyon sa palayan?"
"Iyon na nga ang problema, kuya. Hindi natin alam kung ano ba talaga ang nangyari sa babaeng iyon. Posible kaya na si Ate Iris iyon?"
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi 'yon si Iris, Valeria?" Inis kong sabi. "Buhay si Iris. Hindi pa siya patay!"
Habol habol ang aking hininga, sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili.
"Pero paano kung totoo kuya?!" Tumaas ang boses niya at napatayo sa halo halong emosyon. "Paano kung wala na siya? Hindi natin alam na baka nga patay na siya kasi tayo lang ang nakakakita sa kaniya!"
Natahimik ako sa sinabi niya. Nanatili pa rin ang tingin ko sa kaniya.
"Naisip mo ba minsan kung bakit sinasabihan ka ni Mama na baliw? Ni minsan ba, sumagi sa isip mo ang tanong na bakit tayo lang ang nakakakita kay Ate Iris? ¡Espabílate, hermano!" [Gising,kuya!]
Nag-iwas ako ng masamang tingin saka ibinalik sa kaniya iyon.
"Kung gayon, patunayan mo sa akin na patay na nga si Iris. At kapag hindi, magkakapatawaran tayo pero ikaw ang papatayin ko." Pagbabanta ko. Umikot ako't tinahak ang labas ng kwarto. Tinatawag pa niya ako pero 'di ako nakinig.
Kinaumagahan ay matagal akong nagising. Hindi ako nakatulog dahil sa sinabi ni Valeria. Hindi ako naniniwala na patay na si Iris. Bakit nakikita pa namin siya? At ano naman kung napagkakamalan ako ni Mama na baliw dahil nagsasalita akong mag-isa? Hindi iyon sapat na dahilan upang masabi niya na patay na si Iris.
"O, anak? Tinanghali ka yata ng gising?" Bungad ni Mama nang dumating ako sa kusina upang uminom ng malamig na tubig.
"Buenas tardes, Mama." Matamlay kong bati saka hinagkan siya sa pisngi. Dumiretso ako sa pridyder at kumuha ng pitsel na may lamang malamig na tubig.
"Mukha kang puyat, Samuel. May problema ba?" Rinig kong tanong ulit ni Mama. Hindi ko siya pinansin bagkus nagsalin ako ng tubig sa aking baso saka ininom ito.
Umingay ang upuang gawa sa kahoy.
"Samuel." Tawag niya. Tamad ko siyang hinarap na ngayo'y naglalakad papunta sa akin.
"Ma," pagod kong sambit. "Nais ko lang mapag-isa. Hayaan niyo na po muna ako." Pagkatapos ay nilagpasan ko siya.
Lumabas ako ng bahay at nagtungo sa hardin. Tirik na tirik ang araw pero dahil may mga punong kahoy sa paligid, sa ilalim nito'y doon ko naisipang magmuni-muni.
Napahinga ako ng malalim habang nakatingin sa malayo. Kumikislap ang tubig ng lanaw na ginawa ng tao dahil natatamaan ito ng sinag ng araw.
Napaisip ako bigla. Saan ako magsisimula? Saan ako maghahanap ng impormasyon tungkol sa babaeng natagpuan sa palayan? At anong bagay ang makakapagkumbinse sa akin na patay na nga si Iris.
Ang kwintas. Sino kaya ang nagmamay-ari noon? Posible kayang ang babaeng natagpuang patay ang siyang nagmamay-ari noon.
"Kuya! Kuya! Kuya!" Rinig kong sigaw ni Valeria sa pangalan ko. Bakas sa boses niya ang pagkabalisa. Nang nilingon ko siya, tumatakbo siya papunta sa akin habang may hawak hawak na diyaryo. "Kuya! Kailangan mong makita ito." Aniya at inabot sa akin ang isang pahayagan.
Tinitigan ko lang siya na kasalukuyang naghahabol ng hininga. Nakalahad sa akin ang pahayagan gamit ang isa niyang kamay at ang isa ay nakatukod sa tuhod niya.
"Ano 'yan?" Tanong ko kahit alam ko kung ano iyon.
"La Esperanza, kuya." Hingal niyang sagot.
"Alam ko. Para saan 'yan? Anong gagawin ko diyan?"
Tumayo siya ng maayos at huminga ng malalim. Umupo siya sa tabi ko at binuksan ang pahayagan.
"Alam ko na ang nangyari sa babae, kuya. Iyong natagpuang patay sa palayan."
Kumunot ang noo ko. Pinakita naman niya sa akin ang laman ng pahayagan na nakasulat pa sa wikang Kastila.
Binasa ko ito at ganoon na lamang ang aking paninigas nang nalaman ko ang sinapit ng babae.
Isang babae, natagpuang patay sa gitna ng palayan. Ayon sa nakakita sa bangkay, kinikilalang Iris Magsaysay ang babae.
Uminit ang aking mata sa aking nabasa. Parang may sumabog na bomba sa aking tainga nang nakita ko ang pangalang iyon.
"Ayon diyan, kuya, si Iris Magsaysay ay panganay na anak ng mag-asawang Maria at Rodrigo Magsaysay."
"Hindi." Umiling ako. Pumatak ang luha mula sa aking mata.
"Kuya," hinawakan niya ang kamay ko at nag-angat naman ako ng tingin sa kaniya. "Totoo ang hinala ko, kuya. Kaya siguro ganoon na lamang ang pagkabahala ni Mama nang nagpunta ka ng palayan at mas nagulat pa siya dahil may kaibigan kang Iris."
Nagtiim bagang ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Sa ngayon, hindi pa alam ninuman kung sino ang bumaril kay Ate Iris. At iyon ang kailangan nating malaman."
Tumango lang ako sa kaniyang plano. Nag-aabot ang aking hininga. Natutuliro ako. Hindi kayang iproseso ng aking utak ang aking nalaman.
Hindi. Isang panaginip lang ito.