Kabanata XIII:

1855 Words
IRIS POV Takbo lang ako ng takbo kahit saan. Iyak lang din ako ng iyak, walang humpay. Kahit saan ako magpunta, naririnig ko ang boses ng mga lalaking gusto akong patayin. "Tulungan niyo ako!" Pagmamakaawa ko. "Tulungan niyo po ako!" "HAHAHA." Humalakhak ang isang matipunong lalaki. "Hindi ka na makakatakas pa mula sa amin, bata!" "Tulong! Tulong! Tulungan niyo ako!" Humagulhol ako. Sa gitna ng aking pagtatakbo sa palayan ay natapilok ako. Umiyak ako lalo at dumaing dahil masakit ang aking paa. Hindi na yata ako makakatayo pa. Humahapdi rin ang aking balat dahil marami na pala akong sugat gawa ng matatalas na halamang nadadaanan ko. Mas lalong lumakas ang mga boses. Kumalabog ng husto ang aking puso. Nandiyan na naman sila. Bababuyin na naman nila ang katawan ko. Pagpipiyestahan na animo'y mamahaling karne. "Ano, bata? Suko ka na ba?" Patuyang tanong ng lalaking may malaking katawan. "'Wag ka na kasing pumalag pa, bata. Masasaktan ka lang." "Mag demonyo kayo!" Sigaw ko. "Mga demonyo kayo!" Nanghina ako. Dalawa lang ang puwedeng mangyari. Mamamatay ako o may tutulong sa akin. Ngunit mukhang malabo. Tumawa ng malakas ang lalaking pinakagitna. Mayroon siyang kwintas na kulay berde. Mukha siyang mamahalin. Pakiwari ko'y diyamante iyon. "Sige, sumigaw ka pa, bata. Walang makakarinig sa'yo. Isa pa, walang magtatangkang tutulong sa'yo kung ayaw nilang mamatay." Pagkatapos ay nagsitawanan silang lahat. Lima sila. Limang lalaki na mukhang may lahing dayuhan. Hindi sila basta bastang tao dahil mukha silang disente. May maayos na pananamit at may mga alahas sa kanilang katawan. "Ano? Tuluyan na natin." Aya ng isang lalaki. Mayroon siyang balat sa kamay na nagmimistulang relo. "Huwag muna. Pagpiyestahan muna natin. Mukhang masarap eh. Birhen pa ito panigurado." Sagot ng may sugat sa mukha. Kinalmot ko kasi siya kanina. "Sige, pre. Sino ang una?" Tanong ng isang lalaki. Mayroon siyang nunal sa gilid ng kaniyang kilay. "Kailangan pa bang tanungin iyon?" Pagmamayabang ng may balat. "Oo nga naman." Segunda ng may kwintas na diyamante. "Ano pa hinihintay niyo? Simulan niyo na!" "Huwag po!" Pagmamakaawa ko pero parang wala silang narinig. Hinubad nila ang kanilang mga damit saka dahan dahang lumapit sa akin. "Maawa po kayo sa akin. Huwag niyo po akong galawin." Hagulhol ko pero tumawa lang sila. Sa sandali pa'y hinawakan nila ang dalawa kong kamay at maging ang paa. Nagpupumiglas ako pero dahil malalakas sila, bigo kong nagawa ang aking plano. Wala na akong ibang magagawa kundi ang tanggapin nalang ang aking sinapit. "Hmmm. Masarap yata 'to!" Ani lalaking may nunal saka humalakhak. Mas hinigpitan nila ang pagkakahawak sa akin. Kinulong din nila ang ulo ko gamit ang kamay ng lalaking may sugat sa mukha habang sinisimulan ng babuyin ang katawan ko. Malalagkit na laway, nag-aalab at mapaglarong dila ang siyang sumasakop sa paa ko. Hindi lang isa kundi tatlong dila. Pinaglalakbay nila iyon na parang sabik na sabik makatikim ng karne. Umiyak nalamang ako. Iyon lang ang natatangi kong alam na gawin. Kamatayan na yata ang kasunod nito. "Kuya!" Tawag ng isang boses. Natigil ang limang lalaki sa panghahalay sa akin at nilingon ang pinanggalingan ng boses. "Kuya Marco." Tawag muli nito. Tumayo ang limang lalaki at isa isang kumuha ng baril. Mula sa kinahihigaan ko'y tanaw ko ang kabuuan ng isang bata. Malabo ang kaniyang mukha dahil sa ilaw na nagmumula sa kaniyang likuran. "A-Ano pong ginagawa niyo sa kaniya?" Utal nitong tanong. "Wala ka na rito, bata." Sabi ng isang lalaki. Nakatalikod silang lima sa akin kaya 'di ko makita ang mukha nila. "Tama na po... Kuya Marco, a-ano po 'to?" "Umalis ka na kung ayaw mong masaktan." Walang emosyong utos ng lalaki. Siya yata ang tinatawag na Kuya Marco. "Ngunit, Kuya Marco." "'Di mo ba siya narinig, bata? Epal ka rin, ano? Gusto mong mamatay?" "Rodulfo." Tawag nito sa nagbabantang boses. Tumahimik naman ang lalaki. Habang nag-uusap sila'y sinubukan kong tumayo. Nakatayo ako't paika-ika nga lang kung maglakad. Kailangan kong makaalis mula dito. Hinahanap na ako ni ina. "At saan ka pupunta?" May mabigat na kamay ang humatak sa buhok ko. Napakapit ako sa aking buhok dahil pakiramdam ko'y mabubunot niya ito ng wala sa oras. Tinulak ako ninuman kaya sumalampak ako sa paanan ng isang tao. Hinang hina na ako dahil sa mga nangyayari. "Quiero que la mates."  Wika ng lalaki sa malalim nitong boses. [Gusto kong patayin mo siya.] "No puedo, Kuya Marco." Sagot ng nasa harap ko. [Hindi ko kaya, Kuya Marco.] "Matarla o te mataré?" Panghahamon nito. [Papatayin mo siya o papatayin kita?] "Narito ang baril. Tamaan mo siya sa puso." "Huwag po! Nagmamakaawa po ako sa inyo. Huwag po." Pagmamakaawa ko. Ayaw ko pang mamatay. Kailangan pa ako ng pamilya ko. Paano nalang kung mawala ako? Sino ang mag-aalaga sa kanila? "Bilisan mo!" Sigaw ng lalaki sa pagkainip. Humagulhol nalang ako. Katapusan ko na nga yata. Katahimikan ang bumabalot sa amin puwera sa mga kuliglig. Hindi nagtagal, kinalabit ng taong nasa harap ko ang gatilyo. Isang putok ng baril ang siyang nagpabangon sa akin mula sa isang bangungot. Napalingalinga ako sa paligid. Nasa gitna ako ng palayan. Tumayo ako't tumayo palayo. Ngayon ay alam ko na ang buong pangyayari. Marco... pangalan ng lalaking isa sa mga pumatay sa akin. SAMUEL POV "Nagagalak akong malaman na nagkakamabutihan kayo ng aking anak, Samuel." Pahayag ni Don Franco, ang ama ni Wesley. "Ibig sabihin niyan, hindi na magiging mahirap para sa amin kung sakaling mapag-usapan naming ikasal kayong dalawa." "Papa." Agap ni Wesley at tumingin sa akin. "Masyado naman pong mabilis ang plano mo." Humalakhak si Don Franco na tila naaaliw sa pangyayari. "Huminahon ka, anak ko. Matagal-tagal pa naman iyon." "Hindi ba't iyon ang pangarap mo, anak?" Pagkaklaro ni Donya Margarita. "Ngunit," "Wala namang problema sa amin iyon, Margarita." Pahayag ni mama at saglit akong tinignan saka ang donya. "Madali lang kaming kausap." "Mama." Tawag kong nagbabanta. "Saan pa ba papatungo ito, Samuel? Kayong dalawa ay nakatakdang magpakasal balang araw." "Mawalang galang na po, Señora Catalina." Singit ni Wesley. "Ayaw ko pong pilitin si Samuel. Ayos na sa akin na kaibigan ko siya." "Pero kung tutuusin, matagal tagal pa iyon, Wesley. Malay mo, may makikilala kang lalaki sa kabilang bayan." "Hindi maaari iyan, Catalina." Wika ni Donya Margarita. "May kasunduan din tayo." "Mama, Papa." Awat ni Kuya Marco, ang nakatatandang kapatid ni Wesley. Mayroon siyang balat sa kamay na nagmimistulang relo. "Hayaan na po natin sila. Isa pa, mga bata pa sila. Dapat ay sinusulit nila ang kanilang buhay." "Tama si Marco." Si Papa. "Kumain nalang tayo." Pinagpatuloy namin ang aming kainan. Pasimple namang binabangga ni Valeria ang aking paa sa ilalim ng mesa. Alam ko na ang pinapahiwatig niya. Pagkatapos naming kumain ay nagkuwentuhan sila samantalang nagpahangin ako sa hardin. Hindi pa rin mawaglit sa isip ko ang usapan kanina. Hindi ako papayag na didiktahan nila ako kung sino ang dapat kong pakakasalan. Mahal ko si Wesley pero bilang kapatid at kaibigan lang. "Ang lalim, kuya. Nalulunod ako." Pabirong sabi ni Valeria mula sa likuran ko. Umikot ako para maharap siya. "Mas malalim pa sa dagat ang iniisip mo. Tungkol ba 'to sa kasal?" Napabuntong hininga ako't nagkibit balikat. Tumango naman siya at binigyan ako ng mapang-asar na ngiti. "Huwag mo ng isipin iyon, hermano. Tiyak akong hindi seryoso ang usaping iyon." "Ayaw ko lang na sila ang pipili kung sino ang pakakasalan ko." Giit ko. "Bakit? Sino ba ang gusto mong pakasalan, kuya? Si Ate Iris?" Nag-iwas ako ng tingin at napaisip ng malalim. Alam kong imposible iyon. "Ay oo nga pala. Wala na pala si Ate Iris." Malungkot niyang sabi. "Valeria." Pagbabanta ko. "Kuya, maniwala ka man o hindi-" "Tama na." Putol ko. "Ayaw kong pag-usapan ang ganiyang bagay." "Pero kuya-" "Tama na sabi!" Tumaas ang boses ko na ikinagulat niya. "Hindi totoo 'yang iniisip mo. Buhay pa si Iris dahil kung hindi, bakit nakikita natin siya? Bakit nandito pa rin siya sa lupa?" Nagbaba ng tingin si Valeria. Dinalaw ako ng konsensiya pero kasalanan naman niya iyon kaya tumaas ang boses ko. "Maiwan na kita." Walang gana kong sabi at nilagpasan siya. Nang lumalim na ang gabi ay napagpasiyahan nilang umuwi na. "Gracias, mi amigo." Pahayag ni Kuya Marco. "Hanggang sa uulitin, amigo." Wika ni ina. "Bukas ulit, Samuel." Sabi naman ni Wesley. "Sige, Wesley. Hihintayin kita." Nakangiti kong sabi. Sana dumating ka bukas. Kailangan ko muling makalabas ng hacienda. At may dapat pa tayong pag-usapan. "Dadating ako. Pangako." Nakangiti niyang tugon. "Paalam." Wika ni Don Franco. Pagkatapos ng pagpaalam ay umalis na sila sakay ng sasakyan. Aalis na sana ako nang may narinig akong ingay sa labas. Parang naapakang tuyong dahon. Sinuyod ko ng tingin ang buong paligid, nagbabasakaling may mahagip ako ng tingin. "Samuel?" Tawag ng pamilyar na boses. Napalingalinga ako sa paligid. Hindi ako puwedeng magkamali. Kay Iris iyon. "Nandito ako, Samuel." Maligaya nitong sabi at nagpakita sa aking harap. "Iris!" Tawag ko. Hindi masidlan ng kaligayahan ang aking puso nang nakita kong muli siya. "Samuel!" Tinignan ko ang paligid. Sana hindi kami makita ninuman. "Iris. Pasok ka." Aya ko at maingat na binuksan ang tarangkahan. "Ha? Hindi puwede, Samuel." Tutol niya, halos pabulong. "Ha? Pero bakit, Iris?" Takha kong tanong. Nalungkot ako bigla. Ayaw niya ba akong makasama? "Baka makita tayo ng ina mo." Paliwanag niya. "Hayaan mo sila." "Hermano?" Tawag ng pamilyar na boses. Nagtago si Iris samantalang ako ay bumaling sa aking kapatid. "Victoria." Tawag ko. "Sino po ang kausap niyo, kuya?" Kuryoso niyang tanong habang pasimpleng nakatingin sa likuran ko. "H-Ha? A-Ako? May kausap?" Utal kong tugon. Hindi niya ako sinagot bagkus nilagpasan niya ako at tinignan ang paligid saka ako hinarap. "Sigurado ka, kuya? Wala kang kausap?" Pagkaklaro nito. "Oo naman, Victoria. Baka guni guni mo lang 'yon." "Pero imposible, kuya." Giit nito. "May tinatawag kang pangalan." "Anong meron dito, hermano, hermana?" Biglang dumating si Valeria. "May kausap kanina si kuya, Valeria. Hindi ko lang alam kung sino." "Talaga? Sino, kuya?" Tunog mangha pa siya. "Wala, Valeria. Guni guni lang iyon ng ate mo." Walang gana kong sagot. "Tignan ko nga." Aniya. "Saan ka pupunta?" Tanong ko kaagad. Akma na niyang bubuksan ang tarangkahan nang humarang ako sa harap niya. "Titignan ko kung nagsasabi ka ba ng totoo." "Valeria." Pagbabanta ko at pinanlakihan siya ng mata. "Alis, hermano. Baka nakaalis na 'yong kausap mo." Inis nitong sabi at hinawi ako. Hinayaan ko naman siya. Binuksan niya ang tarangkahan. Wala akong nagawa kundi ang panoorin siya. Nang bumaling ako kay Victoria, nakahalukipkip siya at binigyan ako ng mausisang mata. "Wala naman, ate." Basag ni Valeria sa katahimikan. "Baka guni guni mo lang 'yon." "Sabi ko naman sa inyo." Agap ko. Palihim akong huminga ng malalim. Mabuti at 'di niya nakita si Iris. Saan na kaya siya? Tumakbo kaya siya palayo? "Pumasok na tayo. Baka hinahanap na tayo sa loob." "Oo nga." Sang-ayon ni Valeria saka pumasok muli sa loob. Sinara niya ang tarangkahan. "Hindi ako naniniwala, kuya. May kausap ka kanina." Sabi ni Victoria at binaba ang kaniyang mga kamay. "Mahuhuli rin kita sa katagalan." May halong pagbabanta sa kaniyang boses. Nagkibit-balikat naman ako't naunang pumasok sa loob. Nawa'y nakaalis na si Iris. Kailangan kong mag-ingat dahil mapamatyag si Victoria ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD