Kabanata XII:

1601 Words
"Makinig ka sana ng mabuti, anak." Wika ni ina at mariin ang pagkakahawak sa aking mga kamay. Saglit kong tinignan si ama na ngayo'y halo halong emosyon ang makikita sa mukha. Ganoon din sa mata ni Eris. Saka ko tinignan si ina sa mata niyang namumula. "Sasabihin niyo na sa akin ang totoo, ina?" Umaasa kong tanong. Tumango naman siya't pinagdikit ng husto ang labi. Huminga siya ng malalim at pinakalma ang sarili. "Huling linggo ng Abril, isang gabi nang nautusan kitang humingi ng oregano kina Aling Tasya." Panimula niya. "Suot suot mo'y puting bestida at magulo ang iyong buhok dahil kagigising mo lang halos noon. Ang sabi ko'y magsuklay ka muna ngunit nagmatigas ka. Ang sabi mo pa sa akin, hihingi ka lang naman ng oregano kaya 'di na kailangang magpaganda pa." Naglihis ako ng tingin mula sa kaniya. Bumabalik sa alaala ko ang lahat ng iyon. "Ina, hindi ko na kailangang magpaganda pa dahil bukod sa maganda na ako, hihingi lang naman ako ng oregano." Pabiro kong sabi. "Naghintay ako ng halos kalahating oras dahil may kalayuan ang bahay ni Aling Tasya. Hanggang sa umabot ng isang oras," nag-angat ako ng tingin kay ina. "... hindi ka pa rin dumating. Kinabahan ako ng husto. Ang sabi ko sa ama mo na sunduin ka niya dahil hindi maganda ang kutob ko." "Hinanap niyo po ba ako, ama?" Bigo kong tanong sa aking ama. "Oo, anak. Hinanap kita. Nagtanong tanong na rin ako kahit kanino kung nakita ka ba nila ngunit iisa lang ang tugon nila." Nagbaba ako ng tingin at mariing pumikit. Nakikita ko na naman ang sarili kong tumatakbo sa kawalan. Duguan ang aking bestida, maraming sugat ang aking balat. Hinigpitan ni ina ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya napamulat ako ng mata. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na umiiyak habang naghahabol ng hininga. "Ilang araw ka naming hinanap. Hindi kami sumusuko dahil umaasa kaming babalik ka pa. Ngunit nabigo kami... isang araw, katapusan iyon ng buwan, nabalitaan naming may natagpuang bangkay ng babae sa palayan." Lahat kami ay humagulhol. Niyakap kami ni ama. Niyakap rin ako sa likod ni Eris. "Wala ka na, anak." Hagulhol ni ina. "Iniwan mo kami. Hindi ko lubos akalaing huling ngiti mo na pala iyon. At kung alam ko lang na ganoon ang sasapitin mo, hindi na sana kita pinalabas pa." "Ina," humagulhol ako. Hinagod hagod naman ni ama ang likod ko. At 'di nagtagal, kumalas sila mula sa akin. "P-pero... p-paano pong nangyari ang ganito?" "Hindi namin alam kung sino ang bumaboy sa katawan mo, anak. Patawarin mo sana ang ina kung nagkulang man ako sa'yo." "H-Hindi, ina. Hindi." Umiling-iling ako. "Hindi niyo kasalanan ang lahat. Ang nakapagtataka lang, bakit nakikita ako nila Samuel at Valeria? Bakit hanggang ngayon, nandirito pa rin ako sa lupa?" Nalulunod ako sa mga katanungang bumabagabag sa akin. "Marahil may malaki silang gagampanin sa buhay mo, anak." "Hindi ba ako puwede sa langit, ina, kaya hanggang ngayon ay naririto pa rin ako sa lupa?" "Hindi." Umiling siya, silbing tutol sa sinabi ko. "Hindi mo pa alam na patay ka na. At hanggat hindi nagbabayad ang may sala, hinding hindi matatahimik ang kaluluwa mo." "A-Ano ho bang gagawin ko upang mamayapa na ang aking kaluluwa?" Umaasa kong tanong. Kung patay na ako, paano na si Samuel? Ayaw kong lisanin ang mundo dahil may maiiwan ako. Maiiwan ko ang aking pamilya, maiiwan ko ang aking mga kaibigan. "A-Ayaw mo na ba kaming makasama, anak?" Tanong pabalik ni ina na bahagya kong ikinagulat. "Hindi sa ganoon, ina. Patay na pala ako. Hindi ito ang lugar kung saan nanananahan ang mga kaluluwa." "Ngunit hiningi ka namin mula sa taas, anak." Giit niya. "Marahil ito ang isa sa mga dahilan kung bakit nandirito ka pa rin sa lupa." "Hindi kita maintindihan, ina." Protesta ko. "Anak," sambit ni ama at hinawakan ang kamay ko. Bumaling ako sa kaniya na ngayo'y tinatantiya ang sitwasyon. "Hindi ka maaaring umalis. Hindi mo kami puwedeng iwan. Ano nalang ang mangyayari sa amin kung mawawala kang tuluyan?" "Pero, ama-" "Alam ko, anak." Putol niya. "Naiintindihan kita kung pakiramdam mo'y kailangan mong hanapin ang liwanag. Ngunit, hindi ka ba naaawa sa amin?" "Ayaw mo na ba sa amin, ate? Hindi mo na ba kami mahal?" Bigong tanong ni Eris. "Mahal ko kayong lahat." Wika ko. "Kayo ang pamilya ko, kayo ang buhay ko. Ngunit hindi tama na habambuhay ako dito. Hindi ako nababagay dito, ina, ama at Eris. At isa pa, kailangan kong malaman kung sino ang pumatay sa akin. Kailangan kong pagbayarin sila." Habol habol ang hininga, matalim akong tumitig sa kawalan. Pagbabayarin ko kung sino ang pumatay sa akin. Sisiguraduhin kong magiging patas kami. Papatayin ko rin siya kung kinakailangan. SAMUEL POV Dumiretso ako sa aking kuwarto nang pumasok kami sa loob ng hacienda. Tama si Manang Hiliya, naririto ang Pamilyang Regina, ang pamilya ni Wesley. "Sayang, kuya!" Bulalas ni Valeria at tinapon ang pang-upo sa kama. "Kung hindi lang dumating si Manang Hiliya, tiyak akong may alam na tayo tungkol sa babae. Sino kaya iyon? Bakit parang tinatago ni Wesley sa atin ang tungkol sa kaniya?" "'Yan din ang gusto kong malaman, Valeria." Wika ko. Hindi ko inasahan na ganito na siya magbigay ng kuro kuro sa isang bagay. "Kailangan lang natin siyang ikulong sa sarili niyang letra." "Anong ibig mong sabihin, hermano?" Kunot noo niyang tanong. "Ako na ang bahala sa kaniya, Valeria. Ang kailangan mo lang gawin ay pag-aralan mong mabuti si Manang Hiliya. Tiyak akong may alam siya sa ganitong bagay." "Tama, kuya." Tumango siya na mukhang desidido. "Alam kong may baho 'yang mayordoma natin. At teka nga pala," "Bakit?" Tumalikod ako sa kaniya at naglakad ako papunta sa tukador. "Iyong tungkol sa pagtatrabaho ni Misis Magsaysay dito, sigurado ka ba doon?" Napaharap ako sa kaniya. Nawaglit sa isip ko ang ganoong bagay. Hindi ko pa nakakausap si ina tungkol doon. "Oo naman." Sagot ko. "Bakit mo naman natanong?" "Wala lang, kuya. Iniisip ko lang na baka hindi papayag si ina sa suhestiyon mong iyan. O baka 'yong ina mismo ni Ate Iris ay tatanggi sa alok mo." "Hindi 'yan." Kompiyansa ko. "Alam kong mapipilit ni Iris ang kaniyang ina. At 'wag mo ng alalahanin pa si ina, ako na ang kakausap sa kaniya." "Sige, kuya. Magandang ideya iyan. Ibig sabihin, palagi na nating makakasama si Hermana Iris. Hindi na tayo mababagot dito sa loob." "Tama ka, Valeria." Ngumiti ako sa kaniya. Pagkatapos kong magbihis ng damit ay bumaba na kami ni Valeria. Naririto ang aking ilang kapatid, maging ang aking mga magulang. Mabuti at may kalakihan itong hacienda namin kaya hindi problema ang espasyo. "¡Buenas noches, Doña  ¿Cómo está usted?" Bati ko sa ina ni Wesley at nagbigay pugay sa kaniyang pagdating. Hinalikan ko ang kaniyang pisngi, silbing galang. [Magandang gabi, Donya Margarita. Kumusta po kayo?] "Estoy bien, Samuel." [Mabuti naman, Samuel.] Nakangiti niyang sagot. Binati ko naman ang asawa niya na katabi niya lang. Nakipagkamayan ako sa kaniya at tinapik niya ang aking balikat. "Estoy feliz de verte de nuevo, Samuel." Wika ni Doña Regina. [Nagagalak akong makita kang muli, Samuel]. "Balita ko'y buong hapon mong kasama ang aking anak." "Siyang tunay, Doña Margarita. Kumain po kami ng mangga." "Hmm. Mangga. Buwan ng mangga ngayon, hijo. Hitik sa bunga ang mga puno ngayon." "Opo, ina." Nakangiting sagot ni Wesley na kararating lang sa sala. "Nasabi ko na po sa inyo na paborito niya iyon." "Mabuti kung ganoon." Tanging sabi ng Doña sa gitna ng ngiting 'di kita ang ngipin. Nilisan ko muna ang sala at tumungo sa kusina kung nasaan sina Violeta at Victoria na abala sa paghahanda ng pagkain. "Buenas noche, hermano." Tipid na bati ni Victoria sa akin na siyang nagtitimpla ng inumin. "Buenas noche, Victoria. ¿Donde está madre?" [Magandang gabi, Victoria. Nasaan si ina?"] "Ah! Nasa taas, kuya. Nagbibihis." "Bakit ka tumutulong dito?" Tanong ko na ikinanigas niya ng bahagya. "Wala naman sigurong masama, kuya. Meron ba?" Tanong niya pabalik. "Ang akin lang, marami tayong katulong." "Wala akong magawa, kuya. Nababagot na ako dito sa hacienda. At kung iyong mararapatin, tutulong nalang ako sa kanila upang may magawa man lang ako." "Hindi ka ba abala sa pagpipinta?" Nilapag niya ang kutsara sa mesa saka tinignan ako ng diretso. "Ayaw ni ama na nagpipinta ako, kuya." Malungkot niyang sabi. Pinagsalubong ko naman ang aking mga kilay. "Aniya'y aksaya sa oras ang hilig kong magpinta. Hindi umano ako lalago." "Hindi totoo iyan." Protesta ko. "Malaking bagay ang pagkakaroon ng talento, Victoria. Hindi lahat ng tao ay marunong magpinta." "Ngunit," mahinahon niyang protesta. "'Wag kang mabahala, Victoria. Kakausapin ko si ama." "Hindi na kailangan, kuya." Agap niya. "Baka tama si ama. Hindi ako lalago kung ipagpapatuloy ko ang aking hilig. Siguro nga pinanganak akong nakakulong sa kuko ng agila." "Hindi, Victoria." Tutol ko. "Ama natin siya, hermano. Nararapat lang na sundin siya. Hindi magtatagal, magiging isa ako sa mga tagapagmana ng ari-arian natin." Pagkatapos ay binuhat niya ang malaking pitsel at nilagpasan ako. Pinanood ko naman siyang naglalakad palayo sa akin. Hindi, Victoria. Hindi ako papayag na kunin ni ama ang kaligayahan mo. "Hayaan mo muna na siya, kuya." Biglang sabi ni Violeta. Narinig niya yata ang usapan namin ni Victoria. "Siguro dinibdib niya ang sinabi ni ama. Sinira ni ama ang kaniyang mga kagamitan at pinagtatapon ang iba. Kaya... hindi ko siya masisisi kung tuluyan na niyang isinuko ang pagpipinta." Tinapik ni Violeta ang braso ko saka ako nilagpasan. Naiwan akong tulala sa kawalan. Hindi ko alam ang buong pangyayari. Pero 'di bale, kakausapin ko pa rin si ama tungkol dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD