Kabanata XI

1721 Words
IRIS POV Nagpahinga muna ako kagaya ng utos nina ina at ama. Ngunit, imbes na kumalma ang isip ko'y mas lalo akong ginugulo ng mga alaala. Nakikita ko na naman ang isang babae na mahaba ang buhok at nakasuot ng bestidang puti. Duguan na ngayon ang kaniyang damit at nagtutumakbo siya kahit saan. Umiiyak siya. Nanghihingi ng tulong. Madilim ang buong paligid kaya 'di niya alam kung saan siya tutungo. Sugatan ang kaniyang buong katawan. May pasa rin ang kaniyang mukha at may sugat siya sa labi. "Tulungan niyo ako!" Pagmamakaawa ko. "Tulungan niyo po ako!" May narinig akong mga boses ng kalalakihan. Pamilyar sa akin iyon. Hindi ako puwedeng magkamali. "HAHAHA." Humalakhak ang isang matipunong lalaki. "Hindi ka na makakatakas pa mula sa amin, bata!" "Tulong! Tulong! Tulungan niyo ako!" Humagulhol ako. Sa gitna ng aking pagtatakbo sa palayan ay natapilok ako. Umiyak ako lalo at dumaing dahil masakit ang aking paa. Hindi na yata ako makakatayo pa. Humahapdi rin ang aking balat dahil marami na pala akong sugat gawa ng matatalas na halamang nadadaanan ko. Mas lalong lumakas ang mga boses. Kumalabog ng husto ang aking puso. Nandiyan na naman sila. Bababuyin na naman nila ang katawan ko. Pagpipiyestahan na animo'y mamahaling karne. "Ano, bata? Suko ka na ba?" Patuyang tanong ng lalaking may malaking katawan. "'Wag ka na kasing pumalag pa, bata. Masasaktan ka lang." "Mag demonyo kayo!" Sigaw ko. "Mga demonyo kayo!" Nanghina ako. Dalawa lang ang puwedeng mangyari. Mamamatay ako o may tutulong sa akin. Ngunit mukhang malabo. Tumawa ng malakas ang lalaking pinakagitna. Mayroon siyang kwintas na kulay berde. Mukha siyang mamahalin. Pakiwari ko'y diyamante iyon. "Sige, sumigaw ka pa, bata. Walang makakarinig sa'yo. Isa pa, walang magtatangkang tutulong sa'yo kung ayaw nilang mamatay." Pagkatapos ay nagsitawanan silang lahat. Lima sila. Limang lalaki na mukhang may lahing dayuhan. Hindi sila basta bastang tao dahil mukha silang disente. May maayos na pananamit at may mga alahas sa kanilang katawan. "Ano? Tuluyan na natin." Aya ng isang lalaki. Mayroon siyang balat sa kamay na nagmimistulang relo. "Huwag muna. Pagpiyestahan muna natin. Mukhang masarap eh. Birhen pa ito panigurado." Sagot ng may sugat sa mukha. Kinalmot ko kasi siya kanina. "Sige, pre. Sino ang una?" Tanong ng isang lalaki. Mayroon siyang nunal sa gilid ng kaniyang kilay. "Kailangan pa bang tanungin iyon?" Pagmamayabang ng may balat. "Oo nga naman." Segunda ng may kwintas na diyamante. "Ano pa hinihintay niyo? Simulan niyo na!" "Huwag po!" Pagmamakaawa ko pero parang wala silang narinig. Hinubad nila ang kanilang mga damit saka dahan dahang lumapit sa akin. "Maawa po kayo sa akin. Huwag niyo po akong galawin." Hagulhol ko pero tumawa lang sila. Sa sandali pa'y hinawakan nila ang dalawa kong kamay at maging ang paa. Nagpupumiglas ako pero dahil malalakas sila, bigo kong nagawa ang aking plano. Wala na akong ibang magagawa kundi ang tanggapin nalang ang aking sinapit. "Hmmm. Masarap yata 'to!" Ani lalaking may nunal saka humalakhak. Mas hinigpitan nila ang pagkakahawak sa akin. Kinulong din nila ang ulo ko gamit ang kamay ng lalaking may sugat sa mukha habang sinisimulan ng babuyin ang katawan ko. Malalagkit na laway, nag-aalab at mapaglarong dila ang siyang sumasakop sa paa ko. Hindi lang isa kundi tatlong dila. Pinaglalakbay nila iyon na parang sabik na sabik makatikim ng karne. Umiyak nalamang ako. Iyon lang ang natatangi kong alam na gawin. Kamatayan na yata ang kasunod nito. "Ate! Ate!" Pukaw sa akin ng pamilyar na boses. Niyugyog niya ang katawan ko. Napahinga naman ako ng malalim, kasabay ng pagbangon mula sa kama. Nilingon ko si Eris saka niyakap siya ng mahigpit. Natatakot ako. Hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari sa akin ang ganitong bagay. Hindi ko alam kung anong koneksyon ko sa babaeng iyon. Bakit ako ginagambala ng isang bangungot na hindi ko alam kung totoo ba o masamang panaginip lamang. "Anong nangyayari?!" Nag-aalala at natatarantang tanong ni ina kasabay ng pagkalabog ng pinto. Dumating din si ama na ganoon din ang pinapakitang ekspresyon sa mukha. "Ina." Hagulhol ko. Agad niya akong nilapitan. Niyakap ko siya at sa bisig niya ako humagulhol. Mahigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya. Abot langit ang kaba sa aking dibdib. "Anong nangyari, Eris?" Rinig kong tanong ni ama. "Hindi ko alam, ama. Narinig ko na lamang si ate na sumisigaw at nanghihingi ng tulong." Maingat na kumalas si ina mula sa akin. Pinunasan niya kaagad ang mukha kong nalulunod sa luha. "Anong problema, anak?" Nag-aalala niyang tanong. "Ina," umiling-iling ako. "Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing pinipikit ko ang aking mga mata, nakikita ko ang sarili kong tumatakbo sa palayan. May humahabol sa akin, ina. Nais nila akong babuyin." "Anak," umiiyak niyang sambit. "Ano ba talaga ang totoo, ina? Ama? Bakit binabangungot ako ng ganoong alaala?" Hinawakan ni ina ang magkabilaan kong pisngi. Tumabi naman sa akin si ama. "Oras na siguro upang malaman mo ang katotohanan, anak." Wika ni ina. Napakurap kurap naman ako't nilingon si ama na sakto namang nag-iwas ng tingin mula sa akin. Nang bumaling naman ako kay Eris, nagbaba siya ng tingin. "A-Ano pong ibig niyong sabihin, ina?" Kuryoso kong tanong. "Anong dapat kong malaman?" Hindi ako sinagot ni ina bagkus tinignan niya si Ama na tumango sa kaniya. Nang bumaling si ina sa akin ay niyakap niya ako't hinagod-hagod ang likod ko. Natulala ako sa pangyayari. Ano ang dapat kong malaman? May kinalaman ba ito sa panaginip na halos patayin ako? SAMUEL POV "Kuya, paano kung mabubuking tayo ni Wesley?" Tanong bigla ni Valeria. Pabalik pa lang kami sa manggahan samantalang si Wesley ay nandoon na. Nakatingin siya sa amin, mukhang naghihintay kung kailan kami makarating sa puwesto niya. "Dapat ba nating sabihin sa kaniya ang totoo?" "Huwag." Tutol ko kaagad. "'Di niya dapat malaman ang katotohanan." "Pero bakit nga ba, kuya? Kilala natin ng lubusan si Ate Wesley. Dapat lang siguro na mapagkakatiwalaan natin siya." "Ngunit 'di pa tayo sigurado." Giit ko. "Kapag siguro may nakalap na tayong impormasyon, saka lang natin sasabihin sa kaniya ito." "Sige, kuya. Kung 'yan ang tingin mong tama." Pareho na kaming nanahimik pagkatapos noon hanggang sa makarating kami sa ilalim ng punong mangga. Palubog na ang araw. Tiyak na hinihintay na kami ni ina sa hacienda. "Masarap 'to, Samuel." Nakangiting sabi ni Wesley saka binigay sa akin ang isang hinog na mangga. "Tikman mo. 'Di ba, bata pa lang tayo, mahilig ka na sa mangga?" "Oo naman." Ngumiti ako saka inabot ang prutas. "Samantalang ikaw, mahilig ka sa mansanas." "Siyang tunay, Samuel!" Nagagalak niyang sabi. "Magandang hapon ho, senyorito." Bati ni Mang Bernardo na mukhang kababalik lang. Ngumiti naman ako sa kaniya. "Magandang hapon din po, Mang Bernardo. Sagana ang mangga ngayon, ano po?" Sinimulan ko ng balatan ang mangga. "Tama, hijo. Panahon ngayon ng mangga. At bukas na bukas, pipitasin na namin ang mga hinog na bunga upang iangkat ito sa ibang bansa." "Sa Espanya, 'di po ba?" Pagkaklaro ni Valeria. "Opo, senyorita. At 'di lang sa Espanya, marami pang ibang bansa." "Magandang balita iyan, Manong Bernardo." Nakangiting wika ni Wesley. Pinagpatuloy ko naman ang pagkain ng mangga habang nakikinig sa kanila. "Aangat ang ekonomiya ng bansa kung laging sagana ang biyaya mula sa taas." "Siyang tunay, Senyorita Wesley." Nakangiting tugon ni Mang Bernardo. Hindi na ako sumingit pa. Nakikinig lang ako sa kwentuhan nila nang bigla kong naalala si Iris. Kumusta na kaya siya? May problema ba? Pagkatapos naming kumain ng mangga ay nagpaalam na kami. Alas cuatro y media na. Kailangan na naming bumalik bago sumapit ang alas cinco na mahigpit na pinagbabawal ni ina. "Sana sa susunod, sa ibang lugar naman tayo mamamasyal, Samuel." Aya ni Wesley sa gitna ng ngiti. "Kung papayagan pa kami, Wes." Singit ni Valeria, dahilan para maglaho ang ngiti sa labi ni Wesley. "Kilala mo naman si ina, mahigpit siya pagdating sa ganito. Kung hindi nga lang sa'yo, malamang nabubulok na kami sa loob ng hacienda." "Bakit nga ba bawal sa inyo ang lumabas?" Kunot noo niyang tanong. Huminto siya sa paglalakad at hinarap kami. Nasa tapat na kami ng malaking tarangkahan na gawa sa bakal. "Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong. "Nakakapanibago lang, Samuel. Dati rati, hindi naman kayo pinagbabawalan ni Señora Catalina na lumabas ng hacienda. Naaalala mo pa ba na halos tuwing gabi na tayo umuuwi sa bahay niyo?" Napaisip ako sa sinabi niya. Maaaring ganoon ang sitwasyon noon pero 'di na ngayon. Isa pa, iniisip lang ni Ina ang kapakanan namin. Naiintindihan ko iyon. "Noon lang 'yon, Wesley. Hindi na ngayon." Walang emosyon kong sabi. "Hindi, Samuel. Simula nang nagkaroon ng bali-balita rito, halos ikulong na kayo ng ina niyo sa loob ng hacienda." "Anong ibig mong sabihin, ate?" Kuryosong tanong ni Valeria. "Hindi niyo ba nabalitan na may natagpuang bangkay ng dalaga sa gitna ng palayan?" Nagkatinginan kami ni Valeria sa isa't isa. Alam ko na ang nasa isip niya. Maging siya ay maraming haka haka. Mukha pa lang niya, nababasa ko na ang isip niya. "Talaga, ate? Sino raw iyon?" Tanong muli ni Valeria nang tinignan si Wesley sa mata. "Naku, Valeria. Pasensiya na, ha? Mahigpit na pinagbabawal ni ina sa akin na pag-usapan ang ganitong bagay." "Ngunit nasimulan mo na." Protesta niya. "May alam ka tungkol doon, Wes?" Tanong ko, tinatantiya siya. "Señorito! Señorita! Nandiyan na pala kayo!" Rinig kong boses ni mayordoma. Lahat kami ay napabaling sa kaniya na ngayo'y naglalakad papunta sa amin para pagbuksan kami ng pinto. "Mabuti at nandito na kayo. Tamang tama. May mga panauhin tayo." "Sino po sila, Manang Hiliya?" Tanong ni Wesley. "Ang Pamilyang Regina ay naririto." "Talaga ho?" Agap ni Wesley. "Opo, senyorita. Naririto po ang iyong ina at ama." "Saglit lang, Manang Hiliya." Sabi ko. "Mauna na po kayo." "Ay hindi puwede, señorito." Agap niya. "Bilin sa akin ng iyong ina na sabay sabay tayong pumasok sa loob." "Sige na, Samuel. Tama si manang." Si Wesley at binigyan ako ng magandang ngiti. "'Wag mo ng intindihin pa ang sinabi ko kanina." "Ngunit," naputol ang pangungusap ko dahil umikot na siya at naunang pumasok sa loob. Bumuntong hininga naman ako't bumaling kay Valeria na matamang tinitignan ang mayordoma. Bumaling ako sa kaniya at binigyan niya ako ng pekeng ngiti. Sa huli, wala akong nagawa kundi ang pumasok na. May kutob akong may nililihim si Wesley sa akin, maging ang mayordoma. At kung ano man iyon, kailangan ko itong malaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD