Kabanata X

1634 Words
Iris POV Tulala ako habang naglalakad kami pauwi ni Eris. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang nangyari kanina. Parang totoo ang lahat. "Ate, okay ka lang ba talaga?" Tanong bigla ni Eris. Tinignan ko siya ng diretso at wala sa sariling tumango. "Nakakakaba ka po, ate. Akala ko po ano na ang nangyayari sa'yo." "Pasensiya ka na, Eris, ha? 'Di ko sinasadyang saktan ka." Nabigla lang ako. Natakot ako kaya nagawa ko iyon. Ni hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung paano nangyari iyon. 'Di ko maintindihan at kung ano man iyon, nararapat lang na dapat kong malaman. Posible kayang ako iyon? Ngunit, papaano nangyari iyon? Buhay pa ako. "Ayos lang iyon, ate. Naiintindihan naman kita. Mabuti nalang talaga at nandoon ako. Baka napano ka na." Hinarap ako ni Eris. Kita ko sa kaniyang mata ang awa at lungkot. Binaybay niya ang aking mukha hanggang sa aking leeg. Pinagsalubong niya ang kaniyang kilay at nanliit ang kaniyang mata. "May... problema ba, Eris?" Kuryoso kong tanong. "Nasaan na nga pala 'yong kwintas mo, ate?" Napakurap-kurap ako sa tanong na iyon. Nang hinawakan ko ang aking dibdib, wala akong naramdamang bagay. Tinignan ko ito at napagtantong nawawala ang aking kwintas. "H-Hindi ko alam, Eris." Napalinga-linga ako. Nasaan na kaya ang aking kwintas? "Naku, ate! Pagagalitan ka ni ina kapag malaman niyang nawawala ang kwintas mo!" "Shshs!" Saway ko. "Hindi dapat malaman ni ina na nawawala ang kwintas ko!" "Malalaman at malalaman din nila iyon." Giit niya. "Alam ko. Pero, hanggat 'di pa nila alam, tahimik ka nalang." "Kailangan mong mahanap iyon, ate." "Oo na. Oo na." Napasapo ako sa aking noo. Nababahala ako kung nasaan ang kwintas ko. Bigay pa iyon sa akin ni ina. Bigay 'yon sa kaniya ng kaniyang ina na aking lola. "Hayaan mo na. Mahahanap ko rin iyon." Pampalubag loob ko. "O sige, ate. Tutulungan nalang kita." "Sige. Pero 'wag na 'wag mong ibanggit iyon kay ina, ha? Malilintikan ako noon." "Sige, ate. Pangako." Ngumiti siya. Tumango naman ako. Kinakabahan ako. Baka hindi ko na mahahanap ang kwintas na iyon. Ayaw kong magalit si ina sa akin. Nangako akong hindi ko wawalain iyon tapos ngayon, ni hindi ko alam kung saan ko hahanapin iyon. Pagkarating namin sa bahay ay kaagad na hinanap ni Eris si ina at ama. Naikwento niya sa mga magulang namin ang nangyari kanina. "Hindi ko maintindihan, ina, ngunit nakalabahala si ate kanina. Takot na takot po siya at sumisigaw dahil nanghihingi ng tulong." Kuwento niya. "Siyang tunay, ina. Hindi ko alam... hindi ko maintindihan kung bakit takot na takot ako kanina." "Teka," si ina. "Ano ba talaga ang nangyari?" "Humimahon kayo, mga anak. Nalilito kami sa mga kwento niyo." Napabuntong hininga ako saka umupo sa gilid ng kama. "Ganito kasi iyon, ama. Naglalakad ako papunta sa hacienda nila Samuel nang biglang sumakit ang ulo ko. Natumba ako at napapikit. Ewan ko kung anong nangyari. Basta, may nakita akong isang babae na pinagpipyestahan ng mga lalaki. Marami sila, ama, ina. Humihingi ng tulong ang babae. At maniwala man po kayo o hindi, naramdaman ko po ang malagkit na laway mula sa aking paa hanggang sa pribadong parte ng aking katawan." Tinignan ko ng diretso ang mga magulang ko na hindi makapagsalita sa naging kwento ko. Napatingin sila sa isa't isa na tila nag-uusap gamit ang mata. "Ina, Ama, ano po ba talaga iyon? Nitong nakaraang araw, marami po akong naririnig na nababaliw na kayo dahil kinakausap niyo po ang hangin. Lagi niyo raw pong binabanggit ang pangalan ko. At maging sina Samuel at Valeria, napagkukutyaan dahil may nakikita silang hindi nakikita ng normal na tao." Hinawakan ko ang mga kamay nila. "Ina, Ama... bakit po ganoon? Bakit ang tingin ng lahat ng tao sa akin ay isang multo? Buhay pa ako, ina, 'di ba? Ama?" Naguguluhan na ako. Naalala ko bigla si Señora Catalina nang minsang nagkrus ang landas namin. Pinakilala ako ni Samuel bilang kaibigan niya ngunit nagalit ang donya dahil nababaliw na si Samuel. Hindi niya ako nakikita. "Anak..." sambit ni ina. "Huwag mo na silang pansinin. Wala lang silang magawa sa buhay. Paaano mo masasabing isa kang multo gayong nakikita at nararamdaman ka namin?" "Ngunit, Ina." "Tama na 'yan, Iris. Magpahinga ka na. Huwag na natin 'tong pag-usapan pa." Yumuko ako. "Opo, ama. Patawad po." Malungkot kong sabi. "Sige na. Eris, tara na. Hayaan na muna natin ang ate mo." "Sige, Ina." Pagkatapos ay tumayo sila para makalabas na. Naunang lumabas si ama, sumunod si ina at huli ay si bunso. Pero bago siya tuluyang lumabas ay may sinabi siya sa akin. "Huwag mo ng isipin iyon, ate. Ang mahalaga, buo muli tayo." Makahulugan niyang sabi sa gitna ng tipid na ngiti. Lumabas na siya at sinara ang pinto ng silid. Bumuntong hininga ako. May dapat ba akong malaman? Bakit pakiramdam ko'y may nililihim sila sa akin? SAMUEL POV "Tara na, Samuel! Hindi na ako makakapaghintay pa na makipaglaro sa iyo." Pahayag ni Wesley at sumenyas sa akin na bilisan ko ang aking kilos. "Sandali, Wesley." Awat ni ina. Nilingon siya ng aking kaibigan at kasabay noon ang paglaho ng kaniyang ngiti sa labi. "Bakit po, Madame?" Tanong nito at saglit akong tinignan saka bumaling muli kay ina. Tumayo si Ina at naglakad papunta sa amin. "Saan kayo pupunta ng aking anak?" "Hindi niya pa po ba nasabi sa inyo, ina?" Tanong pabalik ni Valeria na kabababa lang mula sa taas. Pareho namin siyang nilingon. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko si ama na napatayo dahil sa kuryosidad. "Ang alin?" Tanong ni ama. Saglit ko siyang tinignan saka bumaling muli kay Valeria na ngayo'y malawak ang ngiti sa mukha. "Mamamasyal kami ngayon, ama. Nais naming malibot ang buong kalupaan natin." "Ngunit," si ina. "Kahit ngayon lamang, Señora." Singit ni Wesley. "Nangungulila akong makasama ang iyong panganay. Matagal tagal ko na ring hindi siya nakakasalamuha." Ngumiti siya saka bumaling sa akin sabay kindat. Nag-iwas naman ako ng tingin. Hindi ko alam kung magandang ideya ba itong pinapasok ko o hindi. Basta, kailangan ko lang makalabas ng mansyon. Kailangan kong malaman kung sino ang nagmamay-ari ng kwintas na ito. May nililihim sa amin ang kasambahay namin. Hindi siya basta basta mawiwindang kung wala siyang kinalaman dito. "Pagbigyan mo na, mahal ko." Wika ni Ama kaya nilingon siya ni Ina. "Kahit ngayon lang. Isa pa, mapagkakatiwalaan natin si Wesley. Alam nating hindi niya tayo bibiguin." "Siyang tunay, Señor." Agap ni Wesley sa gitna ng ngiti. Bumuntong hininga naman si ina na tila suko na sa bangayang ito. "Sige. Papayag na ako." Deklara ni ina. "Ayon! Salamat, ina!" Bulalas ni Valeria na mukhang nagagalak. "Ngunit," awat ni ina. "Sa isang kondisyon." "Sige lang, ina. Kahit isang milyong kondisyon pa." Biro ni bunso. Tumawa naman kami dahil doon. "Bago sumapit ang alas singko ng hapon ay kailangang nakabalik na kayo rito." "Masusunod, Señora de Legazpi." Magalang na sagot ni Wesley. "Sige, ina. Payag kami diyan." Wika naman ni Valeria. Bumaling si ina sa akin at binigyan ako ng makahulugang tingin. Tila naghihintay ng kasagutan sa akin sa patuyang paraan. "M-Masusunod, ina." Tumango ako. May magagawa pa ba ako? "Mabuti." Tumango rin si ina. "Mabuti nang nagkakaintindihan tayo." "Opo, Señora." Sagot ni Wesley. "Mauna na kami, ina. Anong oras na rin. Malawak ang lupain natin kaya hindi kaya ang isang araw upang malibot nga ito." Paliwanag ni bunso. "Adelante. Mag-ingat kayo." "Sí, madre. Maraming salamat." Sabi ko. [Opo, mama.] Matapos naming magpaalam ay sa wakas, nakalabas kami ng hacienda. Tuwang tuwa si Valeria at lubos ang pasasalamat dahil kung hindi dahil kay Wesley, malamang nagmumukmok kami ni Valeria ngayon sa loob ng bahay. "Ngunit, bakit nga ba gustong gusto ninyong makalabas ng hacienda, Samuel? May problema ba kayo?" Napatanong bigla si Wesley sa gitna ng paglalakbay namin sa gilid ng palayan. "Wala naman, Hermana Wesley." Si Valeria ang sumagot. "Kilala kita, Samuel." May halong pagbabanta sa boses ni Wesley. Huminto siya sa paglalakad saka hinarap ako gamit ang dismayado niyang tingin. "Alam ko ang takbo ng utak mo. Hindi mo na kailangang malihim pa dahil mapagkakatiwalaan mo ako. Kaibigan mo ako, Samuel. Hindi maaaring naglilihim ka sa akin." Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Binabagabag bigla ako ng konsensya. Matagal ko ng kaibigan si Wesley. Mapagkakatiwalaan siya, alam ko iyon. Ngunit, hanggat hindi ako sigurado sa isang bagay, mananatiling lihim ito. "Wala akong nililihim sa iyo, Wesley. At ikaw na rin ang nagsabi, kaibigan kita. Pinagkakatiwalaan kita ng husto at alam kong hindi mo ako bibiguin, buhay mo man ang magiging kapalit." "Alam ko iyon, Samuel. Kaya kung may bumabagabag man sa iyong isip, maaari mong sabihin iyon sa akin. Baka makakatulong ako. Hindi iyong sinasarili mo ang problema." "Saglit lang, ha?" Singit ni Valeria at pumagitna sa amin. Pareho kaming umatras ni Wesley dahil sa ginawa ni bunso. "Valeria." Saway ko pero 'di niya ako pinakinggan. "Kasama ako ni hermano, Wes. HINDING hindi ako aalis sa tabi niya." May diin sa kaniyang salita. "Valeria!" Saway ko pero natatawa. Si Wesley naman ay bumusangot sa amin. "Huwag mo ng intindihin si bunso, Wesley." Sabi ko't pinatabi si Valeria. Muntikan pa siyang matumba dahil sa ginawa ko. "Nagbibiro lang siya." "Samuel." Naiiyak niyang sambit. Ngumiti naman ako't hinawakan ang magkabilaan niyang braso. "Kaibigan kita, Wesley. At nagpapasalamat ako dahil lagi kang naririyan para salbahin ako." Lumandas ang luha sa kaniyang pisngi. Namumula na rin ang kaniyang mata. Pinunasan ko ang kaniyang pisngi gamit ang aking hinlalaki saka siya hinagkan sa noo. "Tahan na. Huwag mo nalang pansinin si Valeria dahil nagseselos lang siya." Tumango si Wesley habang nakasimangot. Niyakap ko naman siya para 'di na siya umiyak pa. Ito kasing si Valeria, pakialamera. Ayaw ko namang masira ang pagkakaibigan namin dahil sa kaniya. Mahal ko si Wesley bilang kaibigan at ayaw kong mawala siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD