Kabanata VIII

1702 Words
Iris POV Umihip ang malamig na hangin. Napahagod ako sa aking mga braso. Nakatingin lang ako sa malayo, nagmumuni-muni. Hindi masamang tao si Samuel. Batid ko iyon. Hindi niya ako kayang saktan. Kaibigan ko siya. Tinuturing niya akong kaibigan. Kung tutuusin, nagpresinta pa siya na gusto niyang manilbihan si Ina sa kanila. Hindi masamang ideya iyon. At wala akong nakikitang masama doon. Sadyang mabait lang si Samuel at para na rin magkasama kami lagi kaya niya naisipan sa mansyon nila magtatrabaho si Ina. Pero bakit nga ba naisip nila na masasamang tao ang mga De Legazpi? Naranasan na ba nila ang kalupitan nito? Dahil ba nagtatrabaho sila ng walang natatanggap na luho? "Anak... Iris..." Napaikot ako ng katawan nang narinig ko si Ina na ngayo'y nangungusap ang mga mata. Nagbaba na lamang ako ng tingin. Hindi ko siya kayang tignan. Bumabalik sa alaala ko ang nangyari kanina. "'Nak, pasensiya ka na. Nag-aalala lamang sila sa kaligtasan natin." "Pero hindi masasamang tao ang mga De Legazpi, Ina." Agap ko. "Alam ko..." malumanay niyang sagot. "Pinaliwanag ko na sa kanila ang lahat. At oo," ngumiti siya. "Papayag na ako sa alok ni Señorito Samuel." Lumiwanag ang aking mukha, nasisiyahan sa kaniyang balita. "Talaga, Ina? Kung gayon, sasabihin ko kaagad ito kay Samuel!" Nagagalak kong pahayag. "Pero sa isang kondisyon," Natahimik ako. "Ano naman po iyon?" Lumapit siya sa akin saka hinawakan ang magkabilaan kong braso. "Hindi ka puwedeng magpakita ninuman." Kumunot ang aking noo, nagtataka at naguguluhan sa sinabi ni Ina. Bakit naman bawal akong magpakita ninuman? "A-anong ibig mong sabihin, Ina?" Nagtataka kong tanong. Bumuntong hininga si Ina. Umiling siya at napahinga muli ng malalim. "Hayaan mo na, anak. Basta ganito, kapag nagkita muli kayo ni Señorito Samuel, sabihin mo na payag na akong magtrabaho sa kanila." "Talaga, Ina?" Nakangiti kong tanong. "Oo," ngumiti rin siya. "Ngayon pa lang, Ina, masaya na ako! Hindi na ako makakapaghintay pa na sabihin ang magandang balita kay Samuel." "Likanga..." Lumapit ako kay Ina saka niyakap siya. Masaya ako dahil napapayag ko si Ina na kina Samuel na lamang mamamasukan. Kung ganoon, palagi na kaming magkikita ni Samuel. Palagi na kaming magkakasama at makakalaro ko na rin siya! "Tara na..." si Ina. "Opo." Nakangiti kong sagot. Bumalik muli kami sa bahay. Habang nasa daan kami'y lumulutang ang isip ko. Iniisip ko pa lamang na lagi na kaming mag-uusap ni Samuel ay para akong nililipad sa alipaap. Nakatitiyak akong masisiyahan siya sa aking dalang balita. "'Nak..." si Ama nang nakita niya kami ni Ina na pumasok sa loob ng bahay. "Ate Iris?" Rinig ko ring sambit ng nakababata kong kapatid. Huminto ako sa paglalakad at tumungo. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang masasakit na salitang kanilang binitawan. Hindi ganoon kadali makalimot. Si Samuel ay matalik kong kaibigan kaya ayaw kong may magsalita sa kaniya ng masama lalo na kung pawang kasinungalingan lamang. "Patawad, Ate Iris." Rinig kong si Eris. "Nag-aalala lamang ako kay Ina kaya ko nasabi iyon." Nagmatigas ako. Hindi ko siya kikibuin. Bahala siya sa buhay niya. Akma na akong aalis nang nagsalita si Ama. "Hindi na mauulit, Anak. Tama ang kapatid mong si Eris. Nag-aalala lamang kami na baka mapapahamak ang Ina mo doon. Baka nakalimutan mong ginagawa tayong alipin sa sarili nating bayan." Umikot ako. Nanatiling nakatingin sa baba. "Naiintindihan ko, Ama." Sabi ko saka nag-angat ng tingin sa kanila. "Pero sana naman naiintindihan niyo rin ako. Hindi lahat ng Kastila ay masasama. Nakatitiyak akong ang mga De Legazpi ay may busilak na mga puso." Bumuntong hininga si Ama. "'Nak, Iris. Alam namin iyon. Alam namin na kaibigan mo si Señorito Samuel kaya mo siya pinagtatanggol. Pero huwag mo sanang kalimutan kung ano ka. Kung anong klaseng tao ka at saan ka nabibilang. Mahirap lamang tayo. Suntok sa buwan ang magkaroon ng kaibigang mayayaman lalo na ang mga De Legazpi." "Hindi naman hadlang ang estado sa buhay, Ama, para masabing karapatdapat kang magkaroon ng kaibigan." "'Yun na nga, Iris. Ngunit sa panahon ngayon, iba na. Ang mga indio ay mga indio lamang ang mga kaibigan. Wala silang karapatang magkaroon ng kaibigang illustrado." Bumuntong hininga ako. "Opo, Ama. Naiintindihan ko na kayo." Ngumiti si Ama. Nang nilingon ko si Ina ay nakangiti na rin pala siya. Sunod naman si Eris na ngayo'y nakatingin lang sa akin. "Pero hindi ibig sabihin na may karapatan tayong humusga ng tao dahil lang ganito ganiyan ang mga lahi nila. Hindi dapat tayo humuhusga batay sa nakararami. Magkakaiba tayong lahat. At dapat pantay-pantay ang tingin sa atin. Saka... ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin ay nawa'y ating ilugar." Nagbaba ako ng tingin saka umikot at pumasok sa aking kuwarto. SAMUEL POV "Ano bang balak mo, kuya?" Pabulong na tanong ni Valeria. "Bakit hanggang ngayon nandito pa rin tayo? Akala ko ba aalis tayo ng bahay? Bakit-" "Shsh!" Saway ko. "Huwag kang maingay! Baka marinig tayo ni Manang Hiliya." Bahagyang nakabukas ang pinto ng aking kuwarto. Nakasilip kami, nag-iingat na baka makita ninuman. "Alam mo, kuya? Pakiramdam ko'y may tinatago sa atin si Manang Hiliya." Aniya sa nahihiwagaang boses. "Pansin mo ba, kuya? Namutla siya nang nakita niya ang kwintas na hawak hawak mo." Napatingin ako sa kwintas na nakatago sa bulsa ng aking damit. Napaisip ako bigla sa kuro kuro ng aking kapatid. "S-saan mo nakuha iyan?" Pagaring niyang tanong. Bahagya kong pinagsalubong ang aking kilay nang nakita ko ang pamamawis ng kaniyang noo. "Kilala mo ba kung sino ang may-ari nito?" Tanong ko pabalik. Lumunok siya ng isang beses at naglihis ng tingin. Namamawis pa rin ang kaniyang noo. Bahagyang maputla ang kaniyang labi. "Ano kuya? Pansin mo ba?" Napabalik ako sa ulirat nang narinig ang boses ni Valeria. Nilingon ko siya na ngayo'y punong puno ng kuryosidad ang mukha. "Sa tingin mo kaya, alam ni Manang Hiliya ang tungkol dito sa kwintas?" "Maaari, kuya. Palagay ko." "Ngunit, maaari ring nagkataon lamang. O kaya'y magkapareho lang ng anyo?" "Anong ibig mong sabihin?" Pinagsalubong niya ang kaniyang mga kilay. "Magkawangis lamang sila ng kwintas." Natahimik si Valeria. Mataman niya akong tinitignan. Sa huli'y umiling siya. "Kailangan nating tanungin si Manang Hiliya ang tungkol sa kwintas. Kaya natin siyang ikulong sa sarili niyang salita." "Ngunit paano?" Pinagsalubong ko ng husto ang aking mga kilay, kuryoso sa kaniyang plano. "Ako ang bahala, kuya. Sa ngayon, kailangan nating makaalis ng bahay." "Sana wala pa sila Ina." Hindi nagtagal ay may narinig kaming ingay sa baba. Tinitigan namin ni Valeria ang isa't isa. Napangiwi nalamang ako samantalang siya'y dismayado ang mukha. Kasasabi lang namin na sana wala pa sila ina, dumating na pala. "Nasaan si Samuel?" Rinig kong tanong ni Ina. "Ah, nasa taas po, Señora Catalina. Kasama niya po si Señorita Valeria." "Aakyat nalang po ako." Rinig kong boses ni Wesley. "Patay, hermano! Hindi na yata tayo makakalabas!" Taranta niyang bulalas. Nakarinig kami ng iilang hakbang paakyat dito. Kumilos kaagad si Valeria, maging ako. Sinarado ko ang pinto at sumandal sa pader. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Kinakabahan ako dahil nandito si Wesley. Tatlong katok ang iginawad at sinundan ng boses. "Samuel?" Sambit ng babaeng boses. "Samuel nandito na ako. Halika! Tayo't maglaro sa labas!" Nagagalak niyang pahayag. Nilingon ko si Valeria na ngayo'y panay sa pag-iling. Pinagsalubong ko ang aking mga kilay. Hindi ko mawari ang ibig niyang sabihin. "Samuel? Ang sabi sa akin ni Manang Bering ay nandito ka sa loob ng iyong silid. Iniiwasan mo ba ako?" Mariin akong pumikit habang nakasandal sa pader. Nagmulat ako ng mata saka tinignan ng diretso si Valeria na ngayo'y nakahalukipkip. Nakabusangot ang kaniyang mukha. "Ano?" Walang boses kong tanong. "Anong gagawin ko?" "Hindi ko alam." Walang boses niya ring sagot. Panay na sa pagkatok si Wesley sa labas. "Umalis ka na diyan!" Bumuntong hininga ako. "Samuel?" "Hmm?" Boses inaantok kong sagot. "Samuel!" Masaya niyang sambit. "Akala ko'y hindi mo na ako sasagutin. Aalis na sana ako." "Pasensiya na, Wesley. Nakatulog ako." Tunog bagong gising kong tugon. "Ha? Nagising ba kita?" Nag-aalala niyang tanong. Muli kong tinignan si Valeria na ngayo'y nakaismid. Tumango siya, ganoon din ang ginawa ko. "M-medyo, Wesley. A-ayos lang." Ginulo ko ang aking buhok nang magmukhang bagong gising. Pinupungay ko rin ang aking mga mata. "M-maaari ba akong pumasok?" Tanong niya. "Hmm?" "K-kung o-okay lang, Samuel." "Saglit." Sabi ko. Huminga ako ng malalim saka binuksan ang pinto. Bumungad kaagad sa akin ang maamong mukha ni Wesley. Suot niya'y bestidang puti na may dalawang bulsa sa hita. Nagmimistula siyang manika dahil sa suot niya. "S-samuel," nakangiti niyang sambit. "Libre ka ba ngayon?" "Bakit?" Tanong ko pabalik. Saglit siyang sumilip sa loob at binalik kaagad sa akin ang kaniyang mata. Narinig ko naman ang iilang yabag ng paa na nagmumula sa loob. "May kailangan siyang gawin ngayon, Wesley." Mataray na wika ni Valeria gamit ang Wikang Espanyol. "Ganoon ba?" Bumagsak ang kaniyang madilim na mata. "Siguro sa susunod na lamang." Aniya. Akma na siyang tatalikod ngunit hinawakan ko kaagad ang kamay niya. Umikot siya't tinignan ang aming mga kamay saka nag-angat ng tingin sa akin. "Ayos lang, Wesley." Nakangiti kong pahayag. "Sa katunayan, gusto kong magpahangin sa labas." Unti unting gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. "Totoo, Samuel?" Tanong niya sa malawak na ngiti. Isang tangong may ngiti naman ang iginawad ko. "Ano? Mauna ka na? May kukunin lamang ako." "Sige ba! Sige, hihintayin kita sa baba." "Sige." Nakangiti kong sagot. Ngumiti siya saka umikot at bumaba. Napawi kaagad ang ngiti sa aking labi. "Ano na naman ba 'to, hermano? Akala ko ba'y hahanapin natin ang may-ari ng kwintas? Bakit ka makikipaglaro ngayon kay Wesley?" Iritado niyang litanya. Hinarap ko siya sa gitna ng ngiti. Magkasalubong ang kaniyang mga kilay sa iritasyon. "Simple lang, Valeria. Upang 'di na tayo mahihirapan sa pagpapaalam, kailangan nating lumabas kasama si Wesley." "Gagamitin natin siya sa pagtakas?" "Hmm, parang ganoon na nga." "Ang sama mo, kuya." "Wala na tayong pagpipilian, Valeria. Kung gusto mong lumabas ng bahay ng walang kahirap-hirap, kailangan kasama natin si Wesley." Paliwanag ko. "Sige na nga!" "Kesa naman sa magpapaliwanag ka pa kung bakit gusto mong lumabas?" "Oo na nga, 'di ba?" Suko niya. "Ano? Tara na?" "Sige." Umismid ako. Umirap naman siya't umiling at naunang bumaba. Mautak 'to, Valeria. At wala ka ng magagawa kundi ang sumunod sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD