CHAPTER 4

1839 Words
ATHENA'S POV Dahil na awa ko kay tita ay tinggap ko na lang ang mga 'yon para narin maka-tipid akoako sa mga gastusin dito sa apartment. nakita ko namang umaliwalas ang mukha ni tita at tinulungan pa akong ayusin ang mga 'yon sa aking maliit na ref. "Pasensiya na rin pala, hija. Talagang naawa lang ako sa inyong mag-ina., hindi ko man alam ang buong pangyayari sa inyo ng Mama mo. Tandaan mo na andito kami nina Wella para sa'yo, okay?" nalulungkot na tugon nya. Tanging pag tango nalamang ang naisagot ko at tipid na ngumiti. "Pasensiya na rin po tita, at salamat narin po sa pag-intindi," sabi ko. Isang eco bag lang muna ang binit-bit ko pa-akyat ng unit ko, hindi ko naman kasi madadala lahat ng mga yun ipapa-akyat na lang daw ni aling Nina ang iba pa sa unit ko. Binuksan ko ang pinto at nag-diretso sa lamesa inilapag kona roon ang eco bag at naupo na sa upuan. "Kaya mo 'to, Athena. Konti na lang! Konting tiis na lang. 'Wag kang susuko," paalala ko sa sarili ko. Pinunasan ko ang takas na luha sa aking mga pisngi. mga ilang segundo lang din ay may kumatok sa pintuan. agad ko naman iyon pianag buksan ng pinto. "Salamat po," tipid kong pag papasalamat kay kuya Ferb. Tumango lang sya at tuluyan ng umalis. matapos kong maisara ang pinto ay in-isa-isa ko naman iyon ipinasok sa loob. Doon ko na lang din napansin na may dalawang sako na ng bigas pa pala Bukod sa mga malalaking eco bags. Inayos ko ang mga delata, snacks, beverages, breads, at iba pang stock sa mini pantry ko at inilagay ang mga karne, manok, isda, gulay at prutas sa ref. Nang matapos ako sapag aayos ay uminom muna ako ng tubig para pamatid uhaw narin, matapos kong uminom ay nag handa na ako ng aking lulutuin para sa hapunan mamayang gabi at pag katapos kong lutuin ang mga iyon ay dali dali akong pumunta ako sa banyo para mag-linis ulit ng aking katawan. Matapos kong maglinis ng katawan ay agad naman akong bumaba ng aking silid at nag tungo sa aking kusina para makakain na ako ng hapunan, nang matapos kong kumain at mag hugas ng pinggan ay pumunta ulit ako sa aking kwarto para matulog. I'm exhausted today both emotionally and physically. I want to rest. But before I close my eyes, I start to cry. *** Kalabog ng aking pintuan ang nag naka pag-gising sa'kin. Unti-unti kong binuksan ang mata ko at kinusot iyon, medyo mahapdi pa ang mga iyon dahil sa pag-iyak kanina. Tumingin ako sa orasan na nasa gilid ng aking table at napa singhap ng makita ang oras 7:47 na pala ng gabi. ilang oras din pala akong naka-tulog, agad naman akong lumabas ng aking kwarto para tingnan kung sino ang may gawa ng kumakalabog na iyon. "ATHENA ERSOZA!!! BUKSAN MO 'TONG PINTUAN! ALAM KONG GISING KA PA!" sigaw ni Wendy sa labas. "May dala akong alak, Athena! I-shot na lang natin 'yan! 'Wag na muna tayong pumasok sa school at sa trabaho bukas! Magpaka-lasing tayo ngayong gabi!" Sunod na sigaw ni Luke habang patuloy sila sa pagkalabog ng pinto. Sinabi siguro ni aling Nina kay Wendy ang nangyari kaninang umaga. tapos itong si Wendy naman ichinika kay Luke. Alam kong dapat na buksan ko na ang pintuan dahil nakaka-istorbo kami sa kapit-bahay. pero ayoko naman na makita nila akong ganitna naman ang sitwasyon ko hayy hayaan na nga titigil din naman sila maya-maya. "Please Athena, buksan mo na 'to," mangiyak-ngiyak na sabi ni Wendy. "Andito lang kami palagi, Kasama mo kami sa anong bagay, Hindi ka namin iiwan Athena" dugtong pa ni Luke. Napa-sandal na lamang ako sa pintuan, hindi ko na napigilan na maiyak na naman dahil sa mga sinasabi nila. Napa-upo nalamang ako dahil sa pag-iyak tiinakpan ko ng aking dalawang kamay ang aking bibig ko 'di nila marinig ang aking pag hagul-hol ssa labas ng pinto. "Athenaa... please.. buksan mo na ang pinto.." nakikiusap na tinig ni Wendy Ilang minuto nrin akong naka upo at patuloy parin sa pag-iyak, maya maya-pa'y narinig ko ang boses ni aling Nina na galing sa labas ng pintopilit nyang pina-uuwi sina Wendy at Luke. Makalipas ang ilang minuto ay nawala na ang kanilang boses sa labas ng aking unit. Nanghi-hina akong pumasok sa kwarto at nahigang muli sa kama. Hindi pa rin tumitigil sa pag luha ang aking mga mata, 'di ko parin maiwasang isipin ang nangyari sa'min ni Mama. Dahil bagamat hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa kanya hindi ko parin matanggap na mas pina-niwalaan niya ang taong hindi konaman kadugo, kaysa sa saking anak at ka dugo niya. Mas kinapihan at pinag-tanggol niya ang taong. hindi karapat-dapat. *** Kinaumagahan ay wala akong ganang umalis sa kama ko, nawalan ako ng gana kumilos at Tinatamad din akong pumasok sa trabaho., kaya kinuha ko ang aking cellpphone para itext si Boss E. pagka-open ko ng Telepono ay bumungad saakin ang sanda-makmak na notification at text galing kina Wendy 150 missed calls at 100 text galing sakanilang dalawa ni Luke. Nag tataka rin ako ng mapatingin sa isang unregistered number na nag missed call. Hindi ko nalang ito pinansin at nag patuloy sa pag scroll, binuksan ko ang mga texts ni Wendy sa'kin. Wendy: Maaga ba out mo 2day?? Samgyup tayong 3 treat ko, punta ka rito sa BGC samgyup-salan haaa. Wait ka namin ni Luke kung mauuna kami. Or txt moko if otw kana mwa 3:45 PM ????? Nag-OT ka ulet???? Cge oks lang na late ka sanay na kame jan 4:56 PM Sabi ni tita nakauwi ka na raw pero dika nmn sumipot galit kba?? Kanina pa kami rito Athena... Gutom na kami huhu. 5:43 PM Uuwi na kami ni Luke. Nag take out na lang kami jan na kami kakain 6:20pm Lapit na kami apartment 6:38 PM Apartment na. Humanda ka sakin Athena! maghanda ka na ng palusot mo dapat 1000 words. 6:49 PM NASA TAPAT KAMI NG UNIT MOBUKSAN MO ANG PINTOLILYLILY IRIS ANO BA? 7:28 PM ....... Sunod ko namang binasa ang kay Luke. Cali: Oy BEH! samgyup daw maya Hehehe libre na naman dinner ko bago mag-duty 3:40PM Paalis nako house daanan nb kita? E ano ka? Siniswerte???? Bleh ounta ka sa BGC magisa. 3:51 PM San kana bakla gutom na AKO Pumunta kana sayang libreng hapunan ATHENAAA??? 5:50 PM Huhu ung samgyup ko nauwi sa jabe kasalanan mo to!!!! Pag ako nabitin sa jabe ikaw kakainin ko, Pinag palit mo ang unli pork,chicken, at beef sa bubuyog nayon??? Ayoko ng 2 pc spicy chicken 6:17 PM Teh! may dala akong alak. ITO YUNG PABURITO MO! inutang ko pa to kay Tita Nina Kapag di ka lumabas dyan ay nako ikaw magbabayad nito, At ung ipapambayad ko sa alak pambayad pa namin sa kuryente kaya lumabas kana jannnnn!. ATHENAAAAAAA ! ISA! Natatawa akong pinatay ang Phone bago ibalik sa ibabaw ng mesa. kahit ganyan sila laking pasalamat kong nakilala ko silang dalawa ni Wendy. Kahit na minsan medyo Hindi kami nag kaka-itindihang nagiging maayos padin. naalala ko nga yung mga panahong nag kaka-tampuhan kami sila ang unang nakikipag bati saakin. hahah hayyy. *** Tatlong buwan na ang naka-lipas mula noong naka-tanggap ako ng pagkain at pera kay Mama. Ginamit ko ang perang 'yon para maka pag- umpisa na ako ngayong pasukan. Second year na dapat ako ngayon sa college, Pero dahil nga sa kakulangan sa pera, hindi ako nakapag tuloy sa pag aaral . Nasa mall ako ngayon at namimili ng mga school supplies, naka-enroll na rin ako last week kasama si Wendy. Sa school niya rin kasi ako nag-enroll para mag-kasama kami palagi pag papasok. Matanda sa'kin si Wella ng isang taon, Third year na siya sa kursong pagiging guro. Habang ako ay first year sa kurong BS Psychology ang dahilan kung bakit ko kinuha ang kursong iyon ay dahil sa Daddy ko. Dahil working student ako pinili kong mag special-online class lang ak . Hindi ko na kakailanganin na umattend sa klase sa school para sa lectures, exams, and quizzes. Pero kakailanganin ko paring umattend sa mga school events. Tulad ng intramurals, college fest, school foundation, at iba pa. Nag kaayos na rin kami nina Wendy. Matapos ang araw na 'yon, kinabukasan nagulat na lang ako pag-labas ko ng kwarto ay nasa sala na sila at, tapos nung makita nila ako agad nila ako tinakbo ng yakap. Matapos mabili ang lahat ng kailangan ko ay umuwi na ako para makapag-pahinga. *** Mabilis na Lumipas ang Panahon na tapos na semester. At ilang linggo na lang ay second year na ako. Nasa kwarto ako ngayon, ginagawa ang mga na-late kong ipapasang school works. Busy ako sa pagsu-sulat ng may kumatok sa labas, Itinigil ko muna ang pagsu-sulat para pag-buksan ang pinto. "Kaya pa ba?" Tanong ni Wendy pagka-bukas ko ng pinto. Hindi ako sumagot at tumalikod na lang sa kanya. Pumunta ako sa ref para kumuha ng tubig at uminom. "Athena kinausap ako ni Miss Lily . Marami ka raw na-missed na exams at iba pang activities. Wala ka ring grade sa dalawa mong major subjects," sabi niya. Alam ko naman 'yon nasabi na sa'kin ni miss Lily yon, last week. //FLASHBACK "Miss Versoza, I am sorry to ask this but what's happening to you, hija? Most of your grades are failing. Especially your major Subjects. Your subject teachers told me that you're even not passing any activities anymore," Sabi ni Miss Lily. Pinapunta niya ako rito dahil may sasabihin daw siya. Ito pala 'yon aware naman ako ro'n. Kaya lang naman ako hindi na nakaka-gawa ng school activities dahil nagka-problema sa Cofee Shop tapos wala na rin akong pera panggastos sa school . "I'm sorry po, Miss." Napapayuko kong ani. "I consider you to be one of the most brilliant students in your class. Honestly, I expect high things from you. But now, Athena, what happened? Knowing that you're failing makes me sad." naawang dugtong nya pa *END OF FLASHBACK* Mali sigurong nag patuloy sa pag-aral. Ang yabang ko kasi eh. Akala ko kasi kaya ko. "Alam ko at ginagawa ko naman nalahat ng makakaya ko eh," sagot ko kay Wendy. "Iyon nga rin ang sinabi ko kay Miss Lily. Sinabi ko na sa kanya na hindi ka na nga rin nakaka-pasok lagi sa trabaho dahil ginagawa mo ang mga kulang mong activities, Sinabi ko rin na bigyan ka pa ng palugit para matapos mo ang lahat. Pero..." pambibitin nya pa "Pero ano?" Bumuntong hininga siya bago sumagot. "Nagbigay naman ng palugit pero hanggang bukas na lang daw 'yon. Alam mo naman na mahigpit na sila sa deadline dahil magtatapos na ang semestre." dag-dag nya pa. Napa buntong hininga nalamang ako sa sinabi nya. hayy hanggang bukas nalang pwede sana matapos ko ito agad At baka kapag hindi ako nakapag-pasa bukas ay titigil na naman siguro ako sa pag aaral ako. Hindi na ako sumagot at Tumango na lang ako kay Wendy at nag pa tuloy sa ginagawa..

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD