Minasdan ni Severen ang cellphone na nasa kamay niya. Sa loob ng mahabang sandali ay nakatingin lang siya sa screen ng aparato. Sa parehong kamay na iyon, nakasipit din sa mga daliri niya ang stick ng sigarilyo. Pangatlo na niya iyon, subalit parang hindi pa rin sapat. Ibinaba niya ulit ang cellphone sa naroong upuan para magawa niyang hithitin ang sigarilyo at malakas na ibuga ang usok sa hangin. Gusto niyang tawagan si Grasya. Hindi na naka-save sa contacts niya ang number nito. Pinabura iyon ni Riva. Pero memoryado niya ang numero ng dating nobya. Dapat bang tawagan pa niya ito? Tama bang tawagan niya ito? He groaned and exhaled roughly. Bahala na. Walang pakialam na pinitik niya ang hawak na sigarilyo, na tumalsik sa isang tabi. Dinampot niya ang cellphone at pumindot sa keypad h

