“Ang sabi mo, ‘Parusahan mo ako! Itali mo ako! Igapos mo ako—gawin mo ang lahat ng gusto mong gawin sa akin!’ Huwag mong sabihing hindi mo na maalala?” Sumibol ang apoy ng pagnanasa sa mga mata ni Helios. Ang paraan ng pagtitig nito sa kanya ay malagkit... malapot. Nag-iwas siya ng tingin. “A-anong parusa ang gusto mong ipataw sa akin?” hinihingal niyang tanong, taas-baba ang dibdib niya. Hindi siya sigurado kung ang paghingal niya ay dahil sa tensiyong gumagapang sa kanyang katawan, o dahil sa init ng mga titig ni Helios sa kanya. Naglaro sa sulok ng mga labi nito ang mapanganib na ngiti. “Later. I will punish you later. May gusto muna akong itanong sa ’yo.” His eyes bored into hers—dark and intense. “What did you feel when you saw your ex today?” malamig nitong tanong sa kanya. “Tel

