Inulan siya ng mga tanong ni Perseia. “May nakakulong ba talaga rito? Bagong bihag? Bakit hindi ko alam ang tungkol dito? Ang nakarating sa akin, isa lang ang taong nahuli ni Lucian na driver ng ambush vehicle, at binaril mo na iyon, hindi ba?” Pumalatak si Helios. Ikiniling niya ang ulo at pinagsalikop ang mga kamay na nakapatong sa ibabaw ng nakadekwatro niyang mga paa. “Do I have to tell your everything?” “Of course! I am your twin, after all.” Isinalampak nito ang sarili paupo sa sofa. “Sino ang napatid sa bitag n'yo? Tell me. Ito na ba ang utak sa likod ng insidente ng pananambang? Did you you torture him?” sunud-sunod nitong tanong. "Sana naman buhay pa isang ito?" “None of your business, Perseia,” aniya lang. Napatuwid ang likod ng dalaga, tapos ay pinukol siya ng masamang tingi

