Sa isang kamay ay nakasipit ang stick ng mamahaling sigarilyo ni Helios, habang ang kabila niyang kamay ay abala sa paghagod sa malambot na balahibo ng alaga niyang asong-lobo. Nasa sala siya at nakaupo sa itim na sofa. Nakapuwesto sa paanan niya si Vardan. “Good boy,” aniya. Tapos ay si Varik naman ang hinagod ng palad niya. Sa paligid ay matikas na nakatayo ang kanyang mga tauhan. May mga de-kalibreng armas ang nakasuksok sa tagiliran ng mga ito. Walang naiibang kulay sa kasuotan ng bawat isa—lahat ay nakaitim. Kahit magawa pang lumabas ni Grasya mula sa kuwarto niya ay mahaharang agad ito ng ibang miyembro ng Kratos. At bago pa magawang abutin ng babae ang seradura ng pinto sa sala, ay baka una pa itong masunggaban nina Vardan at Varik. Wala itong kawala sa kanya. “May report ba ga

