“Gather my men. Now. If I take Grasya with me this time—screaming and kicking—then maybe Perseia could finally call it kidnapping.” Hindi nabawasan ang pagdidilim ng anyo ng mukha ni Helios, at ang pabalik-balik na pag-iigting ng linya ng panga niya. Tutal iniisip naman ni Perseia na kinidnap niya si Grasya, baka nga totohanin na lang niya kapag nagmatigas ang dalaga at tumangging sumama sa kanya pabalik ng Villa Serpentis. Lumapit sa kanya si Lucian. “Boss, paano kung ayaw sumama sa iyo?” “Sasama siya sa akin—kahit ayaw niya,” mariin niyang bigkas. “Let’s go.” Malalaki ang hakbang na pumanaog siya sa hagdan. Bawat paglapat ng mga paa niya sa baitang ay may kasamang diin at bigat. Habang naglalakad sa malawak na sala patungong pinaka-pinto ng mansiyon, ay nilingon ni Helios ang Underbos

