Kahit sinambit lang ni Severen ang pangalan niya, ay kitang-kita ni Grasya sa mukha ng binata ang halu-halong emosyon—katulad ng halos hindi ito makapaniwalang magkaharap sila ngayon at nakatayo sa iisa at parehong pasilyo. “Grasya, saan kayo nagpunta ng tatay mo?” tanong ng binata sa kanya. Napansin niyang puno ng tensiyon ang linya ng mga balikat ni Sev. “Yeah, ginalingan n’yo talaga ang pagtatago. Natakot kayong magpakita dahil may atraso kayo sa mga Morenzo,” sabad ni Riva. Lumipat ang malamig na tingin ni Grasya sa fiancée ng dati niyang kasintahan. “Wala kaming atraso ni tatay sa inyo. Kung may dapat maningil, kami iyon. At kung may nagkautang, kayo iyon.” Isa sa dahilan kung bakit siya pumayag na magpakulong sa poder ni Helios ay para maiwasan ang mga Morenzo at ang fiancée n

