“Sino ka ba para saktan ang fiancée ko?” magaras na tanong ni Severen sa kanya. “You are a nobody,” dugtong pa nito. Napabuga na lang ng hangin si Grasya. Kung noon niya siguro narinig ang mga iyon ay baka humagulhol na siya sa labis na sama ng loob. Pero noon iyon—noong buo pa ang tiwala at pagmamahal niya sa kababata. Hindi na ngayon. ‘Ang kapal talaga ng mukha nito,’ aniya sa loob-loob. Paano ba siya nito napaniwala noong mabuti itong tao? “Don’t dirty her with your filthy hands!” dagdag pa ng binata. Kaunti na lang talaga, papalakpakan na niya ang mga ito. ‘Sobrang linis ng dalawa. Walang dumi sa katawan. Walang baho,’ anang utak niya, puno ng sarkasmo. “Kapag sinaktan mo ulit si Riva, baka masaktan din talaga kita,” patuloy nito. Nagsukatan sila ng tingin ni Sev. She was deeply

