Si Helios ba ang magliligtas sa kanya... o ang sisira sa kanya? Ito ba ang bubuo sa buhay niya, o ang tuluyang wawasak? Gumuhit ang mapanganib na ngiti sa mga labi ng Mafia boss. Pumupulso ang mapang-angking kislap sa mga mata nito. Kislap ng malapot na obsesyon. “Gagawin ko ang lahat para sa iyo—habang akin ka... hanggang akin ka.” Dumako ang tingin nito sa kontratang hawak pa rin ng nanlalamig niyang mga kamay. “So, sign the c*ntract to make you formally mine.” Tumango siya, at sa kabila ng panginginig niya’y nagawa niyang lagdaan ang kontrata. “Sigurado ka bang hindi pababayaan ng mga medikal na eksperto ang tatay ko?” basag ang boses niyang tanong sa lalaki. Nais niyang makasiguro, makatiyak, na nasa maayos at ligtas na kalagayan ang magulang niya. “I’ve given strict orders that yo

