“Who are you?”
“H-hindi mo ako kilala, pero—”
“I don’t know you, and yet you dare show up at my gate?”
Naumid ang dila ni Grasya. Napalunok siya. “I-ikaw ba ang may-ari nitong villa?” paniniyak niya.
Umalsa ang sulok ng mga labi nito. The way his lips curved was pure sin. Menacing. Dangerous. “Maybe.” Balewala itong nagkibit-balikat.
Ang aura ng lalaki, ang ekspresyon sa mukha nito, at ang tikas ng kabuuan nitong anyo—ay nagsasabing hindi ito tauhan lang doon. His presence was too strong, too authoritative, too commanding.
“What do you want?” he asked, tone flat... cold even.
“K-kailangan lang talaga kitang makausap.”
Muli itong humithit, ibinuga ang usok sa malamig na hanging pinakapal ng tensiyon, saka pinitik ang sigarilyo sa sahig. Dinurog iyon ng dulo ng sapatos nito. Pinagsalikop nito ang mga kamay. His hands were huge. Ang isang kamay lang nito ay kayang sakmalin ang dalawang palapulsuhan niya. “Tungkol saan?” tanong nito, malamig ang tinig.
“Tungkol sa... tungkol sa... t-tatay ko.”
“Tatay mo? Ano ang pakialam ko riyan? Your father isn’t my business.”
Tumindig ito at akmang tatalikod na, kaya nataranta si Grasya. Napatayo siya at naibulalas ang, “Nakakulong daw dito ang tatay ko!”
Natigilan ang lalaki, pero hindi nagbago ang ekspresyong nakapaskil sa mukha nito. “May pruweba ka bang nakakulong dito ang ama mo? Mag-iingat ka sa mga sinasabi mo, baka hatakin ko iyang maliit mong dila.”
“W-wala akong hawak na kongkretong pruweba... pero m-may nakapagsabi sa akin. May... n-nakakitang dinampot n’yo ang tatay ko at dinala rito sa villa.”
Umigkas pataas ang isang sulok ng mapulang mga labi ng lalaki. Nahigit ni Grasya ang paghinga nang humakbang ito palapit sa kanya. Limang talampakan at apat na pulgada ang tangkad niya, pero nanliliit siya sa presensiya nito.
Yumuko ito at marahas na hinagilap ng kamay nito ang mukha niya. Sa malapitan ay mas nakakaintimida itong pagmasdan. Ang kulay ng mga mata nito ay tila nagdudulot ng ibayong takot sa puso niya.
Kung pisikal na anyo ang pag-uusapan ay di-hamak na mas lamang ang lalaki kumpara kay Severen. This man’s face was like a silver road to heaven—beautiful, inviting... but at the end you would find nothing but death, waiting like a priest at the gates. Mukhang nangangako ng paraiso, pero peligro ang dala.
“Kilala mo ba kung sino ako?” tanong nito sa kanya. “Sigurado ka bang ako ang taong gusto mong makausap?”
Gusto niyang iiling ang ulo, ngunit nakakuyom sa mukha niya ang kamay nito kaya hindi siya makagalaw. Halos lumubog ang mga daliri nito sa magkabila niyang pisngi. “H-hindi kita kilala... Hindi ako sigurado, pero nagbabakasakali ako...”
“Hindi mo ako kilala, pero matapang kang tumapak sa propiedad ko. Did you really think you could walk into my territory and leave unharmed?”
“Kailangan ko lang mailabas dito ang tatay ko. Iyon lang. Pakawalan mo ang tatay ko,” sumamo niya, mailap ang mga mata. Mahirap titigan ang lalaking nasa harapan niya.
“May hinihingi ka sa akin, ngunit ni hindi mo ako matitigan sa mga mata? Look at me.”
Hindi pa rin siya tumingin dito.
“Look-at-me, Grasya Manafa.”
Nahigit ng dalaga ang paghinga. Kilala siya nito! “P-paano—”
“Sa tingin mo ba, hahayaan kong pumasok ka rito nang hindi ko man lang alam kung sino ka? Grasya, I am dangerous but not stupid. The truth is, I already knew you even before you set foot inside the villa.”
Bakit pala tinanong pa nito kanina kung sino siya, kung kilala naman na pala siya nito? “Kung... kung pinaimbestigahan mo na ako, siguro naman alam mo nang hindi ako masamang tao. Na nagpunta lang ako rito para sa tatay ko.”
“Hindi ka masamang tao, pero ako, oo. Masama akong tao.”
Dumoble ang kaba niya. “M-miyembro ka ba ng mafia?”
“Ano sa tingin mo?”
“H-hindi ko alam—” Bago pa niya matapos ang litanya ay napasinghap na siya, dahil marahas siyang hinatak ng lalaki palapit dito.
Inilapit nito ang mga labi sa tainga niya, “I am not just a member of the mafia. I am the boss,” bulong nito sa kanya.
Mafia boss, bigkas ng utak niya. Ang taong nasa harapan niya ngayon ay pinuno ng mafia. Ito ang pinakamalupit at ang pinakamapanganib.
“Alam mo, umabot din sa akin ang usap-usapan ng mga tao rito sa inyo—na nakakatakot at malupit ang mga de Crassus.”
Hindi siya nakaimik, ang namimilog niyang mga mata ay nakatingin lang dito.
“Guess what, I am a de Crassus. I’m Helios de Crassus.”
Ang lalaki palang nagbaba ng bintana ng sasakyan nito upang titigan siya noong nakasubsob siya sa lupa, ay isang pinangingilagang Mafia... at isang de Crassus. Alam niyang sinabi na ni Manang Rosa na de Crassus ang bagong may-ari ng Villa Serpentis. Pero iba pa ring marinig niya mula mismo sa bibig ng taong taglay ang apelidong iyon kung sino talaga ito.
Nang muli nitong ilayo ang mukha sa kanya ay nakita nitong naging kulay papel na ang hitsura niya. Tumawa ito, maikli at mababa lang. “Natatakot ka na ba?”
“Wala kaming atraso sa iyo, kaya parang-awa mo na, huwag mo kaming sasaktan.”
“You went to the police and claimed I kidnapped your father. That pissed me off,” sabi nito.
Nagulat si Grasya. Alam din nito pati ang pagpunta niya sa istasyon ng pulisya. Wala ba itong hindi alam?
“You know, I could feed you to my wolfdogs right now and no one would ever know. Then, I could have your bones crushed and made into a ceramic vase. Pang-display ko rito sa mansiyon.”
Nanlambot ang mga tuhod ng dalaga sa sinabi ng lalaki. Para siyang kandilang naupos. Nanghina. Nangatog. Ipapadispatsa ba siya nito? “M-maawa ka sa akin,” iyak niya.
Muli, tumawa ang lalaki. Binitiwan siya nito, at tumuwid ito ng tayo, pero ang mga mata ay nakatuon pa rin sa kanya. “I could, but of course I won’t do that. Mapili sa lasa ng karne ang mga alaga ko. Besides, I think your bones are frail. Mababa ang kalidad.”
Napabuga siya ng hangin, hindi niya napansing pigil niya pala ang paghinga. Gustung-gusto na talaga niyang makaalis at makalayo mula sa lugar na iyon. Parang nakalubog sa hukay ang isa niyang paa hanggang nandodoon siya. “N-nasaan na ang tatay ko?”
Tinitigan siya nito. Pinitik nito ang mga daliri at muli siyang hinawakan sa braso ng dalawang lalaki.
“Vardan, Varik, stay here,” utos nito sa dalawa nitong dambuhalang alaga. Pagkasabi niyon ay nauna na itong tumalikod. Nakasunod sila rito. Malapad ang likod nito. Bawat kilos ng mga paa ay puno ng kumpiyansa.
Dinala siya nito sa isang silid. Madilim ang loob. Nang pindutin nito ang switch ng ilaw, at kumalat ang liwanag, ay namilog ang mga mata ni Grasya. Dahil sa pinakadulo ay isang rehas na kulungan. At may taong nakakulong sa loob niyon—walang iba kundi ang kanyang ama.
“Tay!” sigaw niya, nagpumiglas siya, gustong kumawala mula sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya ng mga tauhan ng Mafia boss. Pero hindi natinag ang mga ito.
“Grasya, ano’ng ginagawa mo rito? B-bakit nandito ka?” Bumakas ang matinding pangamba at pagkabahala sa anyo ng mukha ng matanda.
“Your daughter came to save you,” anang Mafia boss.
“Parang-awa mo na! Huwag mong idamay dito ang anak ko! Wala siyang kinalaman dito!”
Lumingap sa kanya ang pinuno ng organisasyon. “Tsk. Your father doesn't want your help.” Nakakaloko ang tono ng baritono nitong tinig. "He doesn't like the classic daughter-saves-father trope," dagdag pa nito.
“Pakawalan mo ang tatay ko!” sigaw niya. “Ano ba ang naging kasalanan niya para ikulong mo siya rito?”
“Pumasok sa VIP area ng casino, na kontrolado ng organisasyon ko, iyang tatay mo. Kinausap iyong Silvio Morenzo. Hindi sila nagkaintindihan. Nagwala ang tatay mo. He overturned a twenty million poker game. Nagkatensiyon. Natakot ang mga kliyente. Naperhuwisyo kami.”
Napalingap si Grasya sa kanyang ama na nakayuko na at hindi siya matingnan sa mga mata. “B-bakit mo iyon ginawa, Tay?” mabuway niyang tanong.
“Dahil hayop ang mga Morenzo na iyon. Ginawan nila ng paraan para hindi tayo tanggapin sa ospital. Tapos, kailangang-kailangan ko lang talaga ng pera para makabili ng gamot mo. Nagmakaawa ako, pero wala talaga silang balak ibigay na kahit kaunting tulong man lang. Nilait-lait ka pa nila, kaya nagdilim ang paningin ko.”
“Tay...” Walang untag sa pagbuhos ang mga luha niya. Iwinasiwas ni Grasya ang kamay ng dalawang lalaking nakahawak sa kanya, tapos ay lumuhod siya sa harapan ni Helios. Nangunyapit ang nanginginig niyang mga kamay sa tela ng formal coat nito.
Nang akmang hihilahin siya ulit ng mga tauhan ng Mafia boss, ay umiling ang huli—senyales na hayaan lang siya ng mga ito.
“S-sir, maawa ka po sa tatay ko. Mabait ang tatay ko.” Hindi niya alam kung paano niya ito makukumbinsing palayain ang ama niya mula sa rehas na kulungan.
Pumalatak ito. “Kay San Pedro lang inuusal ang litanyang iyan. Sa kanya lang may timbang ang kabutihan ng loob ng isang tao. Pero sa kagaya ko, walang saysay iyan.”
“Ano ang puwede kong gawin?”
“Twenty million. And I will set your father free.”