CHAPTER 6

1626 Words
Hindi malaman ni Grasya kung paano siya nakalabas ng Villa Serpentis. Pero inutos ni Helios sa mga tauhan nitong ibalik siya sa kung saan siya nagmula. Binigyan siya nito ng tatlong araw—tatlong araw para makalikom ng halagang hinihingi nito pantubos sa ama niyang nakakulong sa poder ng mafia. Tatlong araw lang. Kahit nakabalik na siya sa bahay nila ay nakatulala pa rin siya. Saang kamay ng Diyos siya kukuha ng dalawampung milyong piso? Wala silang ibang kamag-anak ng tatay niya, at wala silang perang naideposito sa bangko. Sino ang maaaring magpahiram sa kanya ng ganoon kalaking halaga ng pera? Sa kung anong kadahilanan ay imahe ni Severen ang pumasok sa utak ng dalaga. Naalala niya ang card na handa nitong ibigay sa kanya. There’s fifty thousand pesos on this card. It’s yours now. Basta, manahimik ka na lang… Napatuwid ang likod niya. May pera ang lalaki! Kung magmamakaawa siya sa harapan nito, at kung sasabihin niyang hindi na uli siya magpapakita rito, basta pahiramin lang siya nito ng dalawampung milyong piso, papayag kaya ito? Mayaman ang pamilya nito. Siguro naman ay hindi siya nito itataboy? Kahit papaano ay may pinagsamahan naman sila. Kung ipapaliwanag niya lang nang maayos dito ang sitwasyon niya, baka tulungan naman siya nito. Tumayo siya, pinagmasdan ang sarili sa salamin. Nanlalalim ang mga mata niya. Maputla ang mga labi niya. Salat sa kulay ang kanyang mukha. Her cheeks had grown slightly hollow, and her small frame trembled as she struggled to keep herself upright. Sunud-sunod ang dagok sa buhay niya. Kaya pakiwari niya, isang malakas na ihip lang ng hangin ay matutumba na siya. Wala siyang makapitan. Wala ang ama niya. At ang taong dati niyang sinasandalan ay iniwan na rin siya—si Severen. Ramdam na ramdam niyang nag-iisa siya ngayon. Nagsuot lang siya ng puting T-shirt at lumang pantalon. Sa mga paa’y mumurahing sandalyas. Hinayaan niyang nakalugay lang ang mahaba niyang buhok. Pumara siya ng traysikel at nagpahatid sa malaking bahay ng mga Morenzo. Kumatok siya sa gate, na kaagad namang binuksan ng guwardiya. “Ano na naman ang ginagawa mo rito, Grasya? Bawal ka na rito,” sabi nito sa kanya. Magkakilala silang dalawa. Kaibigan nito ang ama niya, pero wala itong magawa kundi ang umiwas sa kanila dahil baka ito naman ang sesantihin ng mga Morenzo. “Si... si Sev. May gusto akong sabihin kay Sev.” “Ayaw ka nang makita ni Señorito.” “Alam ko, pero...” Huminga siya nang malalim. “Sandali lang ako. Hindi ako magtatagal.” Bumuntong-hininga ang guwardiya. “Wala sina Señora Renata at Señor Silvio ngayon. Si Señorito Sev lang at ang fiancée niya ang nasa loob. Kaya sige, pumasok ka. Pero bilisan mo lang, ha.” Tumango siya. Nang buksan ng guwardiya ang gate ay kaagad siyang pumasok. Sa gilid ng bahay siya dumiretso. May sliding door doon na nagbubukas paharap sa isang simpleng hardin. Subalit napatda siya nang makita ang bistang tumambad sa kanya—sina Severen at Riva. Magkatabi ang dalawa sa garden swing. May hawak na dahon ang binata. Ipinakita nito iyon sa katabi nito. “Love, listen to this.” He played a soft tune using the leaf in his hands. Awtomatikong kumuyom ang kamay ni Grasya sa tapat ng kanyang dibdib. Nasasaktan siya. “What are you doing?” Natatawang tinampal ito sa balikat ng fiancée nito. “Hindi mo ba nagustuhan?” Umiling si Riva. “Yeah, I don’t really like it. Because why would you use just a leaf? If you must play for me, use some real instruments.” Natigilan si Sev, sa loob ng kung ilang sandali ay tumitig lang ito sa mukha ng katabi bago bumaba ang tingin nito sa hawak na dahon. “Akala ko, magugustuhan mo.” Yumakap sa leeg nito ang babae. “It’s cute, but... ahm...” Pinatunog pa nito ang dila. “Hindi ko lang talaga gusto.” Hindi nakakibo ang lalaki. Samantalang si Grasya ay humapdi ang lalamunan sa pagpipigil ng emosyon. Kung silang dalawa iyon ni Sev, siguro ay hindi na mapilas-pilas ang matamis na ngiti sa mga labi nila. Kahit na pumito lang ito gamit ang dahon noon ay tuwang-tuwa na siya. Pero ibang babae ang pinili nito. Mas ginusto nitong abandonahin siya. Hindi siya ang gusto nitong makasama. Kaya dapat ay kalimutan na rin niya ang mga lumipas nilang alaala. Napaigtad pa siya nang biglang dumako sa kanya ang mga mata ni Riva. Ito ang nakaharap sa direksyon niya. Ang binata ay nakatalikod sa kanya. Tumikwas lang ang kilay ng dalaga, at wala itong ginawa upang ipabatid ang presensya niya sa fiancé nito. “Love, nauuhaw ako. Ikuha mo nga ang ako ng juice sa loob,” sabi lang nito kay Sev. “Sure.” Tumindig ang lalaki at tinamnan ito ng magaang halik sa noo, bago pumasok sa loob ng bahay. Wala pa rin itong kaalam-alam na nakatayo siya hindi kalayuan sa mga ito. Nilapitan siya ni Riva. Habang naglalakad ito patungo sa kinatatayuan niya, ay pinupukol siya nito ng mapanuyang tingin. Mula ulo hanggang paa kung maglakbay ang mga mata nito sa kabuuan niya. “Ikaw na naman? Hindi ka ba talaga susuko? Sev doesn’t want you. He doesn’t love you. And he doesn’t even care about you. Tumingin ka na ba sa salamin? You look so plain and boring. Kaya nga hindi na siya interesado sa iyo. Sinabi niya iyon sa akin. Kaya kung ako sa iyo, huwag ka nang magpaka-desperada.” Magpaka-desperada... Hah! Mapait siyang lumunok. Wala naman na siyang balak na maghabol pa. Iba ang pakay niya sa pagpunta roon. Tumingin siya sa mga mata ni Riva. “Hindi ako nagpunta rito para guluhin kayo.” “So, why are you here?” Hindi bumababa ang pagkakaangat ng mga kilay nito. The tone of her voice was hostile. Kumikirot ang puso ni Grasya. Dahil siya itong kinawawa, pero siya pa ang pinagmumukhang kontrabida ng mga ito. Siya ang pinaasa at kinalimutan. Siya ang niloko at tinalikuran. Siya ang pinangakuan tapos ay pinabayaan. Siya ang dapat nagagalit ngayon. Pero wala siyang magawa kundi tahimik na lumuha, at tahimik na masaktan. Dahil ano ang laban niya sa mga ito? Sa mga taong maimpluwensiya? Sa mga taong makapangyarihan? Ang tingin ng mga ito sa kanya ay alikabok lang sa dulo ng sapatos ng mga ito. Pinuno niya ng hangin ang dibdib. “Kailangan ko ng tulong ni Sev,” matapat niyang sabi. “At sa tingin mo, papayag akong tulungan ka niya?” Nahigit niya ang paghinga. “W-wala na akong ibang malapitan. Si Sev na lang ang—” “I don’t care. Even if you die, I still won’t let him help you.” Naglapat nang mariin ang mga ngipin ni Grasya. Masahol pa sa hayop ang ugali ng babaeng gustong mapangasawa ng kababata niya. Wala itong puso. “Kung iniisip mong inaagaw ko si Sev sa ’yo ay nagkakamali ka. Wala akong inaagaw sa iyo. Ang totoo niyan...” “I know your story. I know you’re the pathetic lover he left behind.” Nagulat siya. Alam nito ang kuwento nila ni Sev, pero bakit pinagmamalupitan pa rin siya nito? Wala siyang kasalanan. “Kung alam mo pala ang ginawa sa akin ni Sev, bakit ganiyan pa kagaspang ang pakikitungo mo sa akin? Hindi na ako umaasang babalik siya sa akin. Sa ’yo na siya. Hindi na ako lalaban.” “Well, because your pain amuses me.” Ngumisi pa ito nang nakakaloko. Demonyo ang babaeng ito! Kumuyom ang mga kamay niya. “Napakasama mo.” Hindi malaman ni Grasya kung narinig ba nito ang pagbukas ng sliding door, pero bigla na lang lumupagi sa lupa si Riva. Kulang ang sabihing nahindik siya nang tumingala sa kanya ang mga mata nitong pinangiliran ng luha. “Please, don’t hurt me!” hiyaw pa nito, na tila ba takot na takot. Ang bilis ng mga pangyayari. Inilang hakbang lang ni Sev ang distansya nito sa kanila, tapos ay ubod lakas siya nitong itinulak palayo. Madilim ang mukha ng binata at nagkikiskisan ang mga bagang. Sinibat siya nito ng tinging puno ng pagkamuhi. “What the hell is your problem, Grasya?” pasigaw nitong tanong sa kanya. Hindi siya nakaimik agad. Wala siyang maapuhap na kataga. Pinagmumukha siyang masama ni Riva, at wala siyang magawa para depensahan ang sarili niya. Kitang-kita sa anyo ng mukha ni Sev na wala itong balak na pakinggan ang panig niya. Sinubukan niya pa ring magsalita. “W-wala akong kasalanan, wala akong—” Nabitin ang gusto niyang sabihin nang dumapo ang mabigat na kamay ng dating nobyo sa pisngi niya. Sinampal siya nito! Ramdam na ramdam niya ang pagpulso at kirot ng mukha niya. Pisikal siyang sinaktan nito. Hindi niya akalaing darating ang araw na pagbubuhatan siya nito ng kamay. Hindi ito ang Sev na minahal niya noon. Tunay ngang nag-iba na ito. “Shut the f*ck up!” sikmat pa nito sa kanya. Natameme siya. Pinanood niya kung paanong tinulungan tumayo ng kababata ang fiancée nito. “Are you hurt? Tell me, don’t be afraid. Saan ang masakit sa iyo?” nag-aalala nitong tanong sa dalaga. Ang pait sa puso ni Grasya ay paigting nang paigting. “I’m fine, Sev. Huwag ka nang magalit kay Grasya. Naiintindihan ko naman kung bakit niya ako itinulak. Galit lang siya sa akin, dahil gusto ka nga niyang makuha ulit.” Umawang ang mga labi niya sa sinabi ng babae. Sinibat siya ng binata ng tinging puno ng pagkapoot. “May pinag-aralan ka naman, ’di ba? Pero bakit parang ang hirap-hirap para sa iyong intindihin na hindi ka na importante sa akin? Ano pa ba ang dapat kong gawin para lang lubayan mo na ako? Ayaw ko na nga sa iyo, Grasya!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD