ROWAN POV “Tama na ‘yan, Daddy dahil kahit anong sabihin n’yo sa mahal kong asawa ay hindi ‘yan makikinig sa inyo. Sinabihan ko rin naman na siya na ipagpatuloy lang ng nilang dalawa ng kabit niya ang kanilang relasyon habang nakapagtitimpi pa ako. At pasalamat nga sila dahil mahaba ang pasensya ko, dahil kung hindi ay pinutulan ko na siya ng tt,” maawtoridad na sambit ni Sophia na matalim na tumingin sa akin. “Ba’t hindi mo gawin, Sophia at hindi rin naman ako natatakot. May magiging anak naman na ako, so do it,” matapang na saad ko, ngunit natawa ito at lumapit sa akin. Inayos nito ang kuwelyo ko at hinalikan ang labi ko. “Masyado ka namang seryoso, Asawa ko. Kapag puputulin ko naman ‘yan ay ako naman itong walang kaligayahan, kaya bito ko lang ‘yon.” “You are so pathetic, Sophia

