ROWAN POV “Rowan!” sigaw ni Sophia at patakbo akong nilapitan. “Ano bang ginagawa mo, ha! Nagpapakamatay ka ba nang dahil lang sa kabit mo!” gagad pa nito. At agad kumuha ng tela at tinalihan ang nagdurugong nilaslas ko. “Wala kang pakialam kung anong gusto kong gawin sa buhay ko, Sophia,” matigas na saad ko. “Walang pakialam? s**t! Asawa kita, Rowan kaya may pakialam ako sa’yo. At huwag mong sirahin ang buhay mo dahil lang sa Elona na ‘yon dahil nandito kami kasama ng anak mo! Kaya kami na lang ang isipin mo, kami na lang dahil kami nagmamahal sa ‘yo dahil napatunayan mong niloko ka lang ng babaeng pinili mong mahalin,” mariin na wika nito at niyakap ako. At hindi ko na naman napigilan ang sarili ko, kaya muli akong ma–emosyonal. Ginamot ni Sophia ang sugat ko at umalis na kami at

