ELONA'S POV “Okay ka lang ba, Elona? May nakain ka ba sa eroplano?” nag–aalalang tanong ni Lorenzo nang lumapit ito at ibinigay sa akin ang tubig. Kinuha ko naman ito at ininom, nang muli akong magduwal at dahil sa hilo ay natumba ako. Mabuti na lang ay nahawakan ako ni Lorenzo. Binuhat ako nito at ipinaupo sa sofa at hinilot–hilot ang sentido ko. “Hindi ko alam kung ba’t ganito ang nararamdaman ko, Lorenzo. Naramdaman ko na ito kahapon, pero hindi ganito katindi ang hilo ko,” pahayag ko. “Baka nanibago ka lang siguro dahil first time mong sumakay sa eroplano,” saad nito sa akin. “Siguro nga, Lorenzo,” sang–ayon ko. “Punta muna ako sa market dahil malapit lang naman dito sabi ni mommy. At tawagan ko na rin sila. Ipahinga mo muna dahil kasama na rin siguro ang pagod,” wika nito.

