ELONA'S POV “A–Anong sabi mo, Daddy Rowan? Anong binili mo ‘ko sa tiyuhin ko? Ba–Bakit? Ibinenta niya ba ako sa ‘yo?” nahihirapang tanong ko dahil hindi ako naniniwalang kayang gawin ‘yon ng Uncle Mario. “Maliwanag pa sa sikat ng araw ang narinig mo, Elona. Binili kita sa halagang gusto ng tiyuhin mo at binigay ko ang pera sa kanya. Palabas lang na maging katulong ka rito para hindi sumama ang loob mo sa kanya. At lahat ng mga ipinakita ko sa ‘yo ay pawang kasinungalingan lamang. May pinirmahan kang mga dokumento at iyon ang nagpatitibay na magpapa–alipin ka sa akin at bibigyan mo ‘ko ng anak!” gagad niya sabay lagok ng alak. Nanginginig naman ang kamay ko sa mga nalaman ko at nag–umpisa nang mangilid ang luha ko. “Sinungaling ka Daddy Rowan! Sinugaling ka! Professor ka pa naman

