ELONA'S POV “Excuse me, Mr. Lorenzo,” saad ni Daddy Rowan nang lumapit siya sa amin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko dahilan upang mapalunok ako. “Hindi sanay ang anak ko sa surprise question dahil hindi siya laking Maynila. And besides, hindi ka pa naman nanliligaw sa kanya. So, bilang daddy niya ay may consent ako at ura–urada ‘yang gusto mong mangyari na maging girlfriend siya,” sarkastiko na pahayag niya. Pilit ang ngiti niya kay Lorenzo at lalo niyang hinigpitan ang pagkahahawak sa kamay ko dahilan upang mapangiwi ako. “It’s okay, Sir Rowan at liligawan ko si Elona sa bahay ninyo kahit alam kong ayaw mo,” ngiti na tugon naman ni Lorenzo na dinampihan ng halik ang kamay ko. “Take your seat, Baby,” wika pa nito sa akin at iginiya naman ako ni Daddy Rowan sa kinauupuhan niya.

