ROWAN's POV “f**k you!” sigaw ko nang pabagsak akong binitawan ng dalawang guard. Iyong bugbog sarado ka na’y ibang lalaki pa sinamahan ng babaeng mahal mo. “Damn you, Lorenzo at may araw ka rin sa akin!” sigaw ko. “Umuwi ka na, Sir dahil gulo ang dulot mo rito. At iyang minumura mo, apo ng may–ari ng mall na ‘yan. Sa ginawa mong ‘yon na basta–basta ka na lang nanunugod, puwede ka niyang kasuhan at puwedeng–puwede ka rin niyang ipagulpi sa amin. Pero hindi niya ginawa dahil siya gano’ng tao. Kaya umuwi ka na at do’n ka manggulo sa inyo,” anang isang guard at iniwan ako. “Wala akong pakialam kung sila ang may–ari ng mall na ‘yan! Baka sunugin ko ‘yan para alam ng Lorenzo na ‘yon kung sinong kinakalaban niya!” asik ko, ngunit tumawa lang mga gurads sa akin. Tumayo ako at pinagsisipa ak

