Chapter 33: KABIT AT LEGAL NA ASAWA

1618 Words

ROWAN'S POV “Hindi ako natatakot, Sophia kaya gawin mo lang kung anong nagpasasaya sa ‘yo! Kung ipakukulong mo si Elona, ipakulong mo na rin ako at ng magkaalaman na tayo. Remember na ikaw ang unang nagloko sa ating dalawa noon, so accept the fact na lahat ng ginawa mo’y babalik sa ‘yo,” mariin na sambit ko. “Iyan lagi sinasabi mo sa akin, Rowan. Kaya iyang mga pinagsasabi mo’y makararating kay daddy at sa papa mo! At tingnan lang natin kung saan dadalhin ang babaeng ‘yan!” asik pa ni Sophia. “Then, gawin mo! At maghihintay ako!” segunda ko. “Talaga, Rowan? Tingnan natin at baka magmakaawa ka rin sa akin,” maawtoridad na saad nito at bumaling kay Elona. “At ikaw babaeng makapal ang pagmumukha na kunyari ay daddy ang tawag sa asawa ko, ‘yon palay pakantutín at kabit, magdasal ka na!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD