ELONA'S POV “Si–Sino po kayo? Ba–Ba’t kailangan n’yo po akong tapunan ng pera sa mukha? May nagawa po ba ako sa inyo?” sunod–sunod kong tanong sa matandang lalaki. “Para ‘yan sa ‘yo dahil alam kong pera lang naman ng anak ko ang gusto mo kaya ka nananatili rito!” asik nito sa akin kaya naman kumunot ang noo ko. “Si–Sinong anak ninyo? Hindi ko po kayo kilala kaya umalis na kayo!” pagtataboy ko at sinaraduhan ko sila ng pinto nang humarang ang kasama nitong driver siguro ito. “Halata ngang galing kang bundok dahil napakabastos mo,” gagad ng matandang lalaki sa akin. “Para sabihin ko sa ‘yo, ako lang naman ang ama ni Rowan at tinik ka sa relasyon nilang mag–asawa. Mabuti at natitiis mo pang tumira dito na kasama sila. Ang kapal ng mukha mo para magtagal pa rito, kaya sabihin mo ku

