ROWAN POV “Ro–Rowan,” nahihirapang sambit ni Mr. Buenavidez, dahilan upang bitawan ko ang leeg nito. “Sabihin ninyo kung nasaan si Elona at si Lorenzo kung ayaw n’yo ng gulo!” mariin na saad ko. “Hindi ko alam kung nasaan sila dahil hindi sila pumunta rito, kaya umalis ka na kung ayaw mong idemanda kita! Alis!” sihaw nito na kumuha ng patpat at pinaghahampas ako. “Umalis ka na, Rowan kung ayaw mong kuyugin ka ng mga tao rito! Pasalamat ka dahil si Elona ang iniisip namin, dahil kung hindi ay idinemanda ka na ni Lorenzo!” gagad naman ni Mrs. Buenavidez. “Ba’t hindi ginawa ng anak ninyo nang magkaalaman na. Tutal naman ay mang–aagaw siya, ‘di ba! Kaya pagsabihan n’yo siya na huwag na huwag siyang magpakikita sa akin dahil kung hindi ay alam n’yo na ang mangyayari!” pagbabanta ko.

